Chapter 13

196 4 0
                                    

"Aalis na ako baby" blake said

"Sinong baby ba tinutukoy mo?" Natatawang tanong ko sa kanya

"Parehas kayo" then he kissed us

Well it's official , kami na nga siguro kahit hindi pa namin napag-uusapan. Well we are doing the things that only couples do , except the intimate part because he never tried even if I want .

Wala akong pasok sa office ngayun dahil company inventory kaya naman kaming dalawa lang ni nathan ang naiwan sa bahay pero inaasahan ko din ang pagdating ni ash, araw-araw syang nandito sa bahay kaya hindi na namin pinapa-alagaan si nathan kay aling erma, I asked him kung wala ba syang pinagkakaabalahan  and he said none.

Biglang bumukas ang pinto at inilabas nun si ash

"Good morning" he greeted

"Bakit ang aga mo naman?"

"Syempre I don't want to waste a single moment with nathan"

"Ganun? O sya alagaan mo na yang anak mo at magluluto lang ako ng almusal" sabi ko habang iniaabot sa kanya si nathan

"Sure thing"

Nagpunta na ako sa kusina para magluto, hindi pa ako nakakasimula ng marinig ko ang pag-iyak ni nathan

"Daddy, daddy" paulit-ulit nyang sigaw kaya naman nagmamadali akong lumabas ng kusina, sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko

"Ash!" Sigaw ko ng makita si ash na nakahiga sa sahig at walang malay

Lumapit ako sa kanya at sobra akong kinakabahan

"Ash wake up!" Pilit ko syang ginigising habang si nathan ay umiiyak

Tatayo na sana ako para humingi ng tulong ng biglang may humawak sa kamay ko

"Okay na ako, okay lang ako" he said softly

Nagkamalay na ulit sya, tinulungan ko syang tumayo

"Anong nangyari? Bakit ka nahimatay?" Nag-aalala kong tanong sa kanya

"Nahilo lang ako, wala pa kasi akong tulog kagabi e"

"Bakit naman? " I asked

Hindi nya ako sinagot, ngumiti lang sya kaya hindi pa rin nawawala ang kaba ko

"Daddy, you okay? " nathan asked

Nilapitan nya ito at niyakap

"Yes daddy is fine" pero kahit na sinabi nya yun, bakit pakiramdam ko hindi sya okay?

"Mahiga ka muna duon sa kwarto at magpahinga ash"

Hindi nya tinanggihan ang imbitasyon ko at natulog sya sa kwarto.

Habang natutulog ang mag-ama ay namili ako ng mga pagkain at gamot na rin kahit na hindi ko naman alam kung ano talagang masakit kay ash.

Pagpasok ko ng bahay ay nakita ko si ash na nakikipaglaro na kay nathan

"Okay ka na ba?" I asked

"Yes, malakas na ulit ako, di ba baby?" Pagmamayabang pa nito habang binubuhat si nathan

"Yes daddy superman!" Masiglang sagot nito

"Daddy superman? Bago yan ah" natatawa kong sabi sa kanya

"Eto kasing anak mo, masyadong natuwa duon sa pinanuod namin kanina kaya ginagaya" nakangiti nitong sabi pero hindi naman umabot ang ngiti sa mga mata nya

"Sigurado ka bang okay ka talaga?" Paninigurado ko

"Oo naman mukha bang hindi?"

Gusto kong sabihin na 'oo'  , matagal kaming nagkasama ni ash at alam ko na may mali

Napansin nya ang matagal kong pagtitig sa kanya kaya naman umiwas sya

"Aalis na ako ha, salamat"

Hindi na nya ako hinintay magsalita at dere-deretso na syang umalis

Hindi ako mapakali habang nag-aantay kay blake, hindi mawala sa isip ko si ash

"I'm home" blake said as he hugged me

Napansin nya siguro ang pagiging tahimik ko kaya nagtanong sya

"May problema ba?"

"Si ash kasi blake, nag passed out sya kanina" nag-aalala ko pa ring sabi sa kanya

"Bakit daw?" Kahit na bakas sa mukha nya ang pagseselos hindi sya nagtanong bagkus ay nagpakita sya ng pag-aalala

"Sabi nya nahilo lang daw sya pero blake alam ko may mali e "

"Iniisip mo ba na baka may malubha syang sakit?" Deretsong tanong ni blake sa akin

"Ganun na nga, kilala ko yun e, kung may sakit man sya hindi nya yun sasabihin kasi di ba nasa personality nya talaga yun" sabi ko pa

"Anong balak mo?" He asked

"Hindi ko alam, gusto ko lang malaman"

"Baka naman masyado ka lang nag iisip ng kung ano-ano dyan?"

Hindi na ako tumugon sa sinabi nya, naghahanda na akong matulog ng biglang may nagtext

'Don't worry about me, I am fine.  Really'

It's ash, hindi ko alam kung paranoid lang ba ako or what pero hindi ako matatahimik hanggang hindi ko nalalaman kung ano talaga ang problema.  Baka eto talaga ang epekto ng mahilig magbasa ng mga romace novels, naa-adapt ko tuloy yung mga kwento .

'Ok. See you tomorrow. Goodnight'

And then I go to bed. 


          WE both decided to take nathan for a lunch with the permission of blake. I don't know why but he is trusting me so much , and I don't want to break that .

"Huy saan ka pupunta?" Tanong ko kay ash ng tumayo sya

"Cr" simpleng sagot nya

"Nahihilo ka na naman ba?" Nag-aalalang tanong ko

"Hindi a, saglit lang ito" dumeretso na sya sa banyo ng hindi ako nililingon

"Nasaan na ang bag ni nathan?" Dala-dala nya kasi yun pagpunta nya ng banyo

"Ay sorry, naiwan ko pala" nagmamadali syang bumalik ng banyo habang minamasahe ang sentido nya

"Okay ka lang ba talaga?" Tanong ko sa kanya pagkabalik nya ng upuan

"Don't worry about me" he faintfully smiled
Matagal ko syang tinitigan, hinuhuli ko ang mga mata nya pero hindi ko makita dahil pilit nya akong iniiwasan

Pagkatapos naming kumain ay lumibot pa kami ng konting oras bago umuwi

"Ash saan tayo pupunta?" I asked ng lumiko sya sa ibang dereksyon

"Uuwi na"

"Pero hindi dyan ang daan, dito sa kabila" nagtatakang sagot ko sa kanya

"Ganun ba? Naiba na pala, ang tagal ko palang nawala talaga" malungkot nyang sabi

"Hindi ash, hindi nag-iba ang daan, ano bang nangyayari sa'yo ha?"

Bakas ang pagkagulat nya sa sinabi ko

"Masakit lang ang ulo ko, pasensya na" pagtatapos nya sa mga pagtatanong ko

Lalong nadagdagan ang  pag-aalala ko dahil sa inaakto nya, hindi sya ganito dati , parang ibang ash na yung bumalik mula sa matagal na pagkawala

Sinabi ko kay blake ang lahat ng nangyari sa buong araw ng makauwi kami at kahit sya nagtataka na din sa nangyayari

"B, nag-aalala na talaga ako sa kanya"

"Ako rin, pero paano natin sya tutulungan kung sya mismo ang ayaw magpatulong?" He asked

"B" naiiyak kong sabi sa kanya

"Wag ka ngang mag-isip ng masama dyan, ok lang si ash. Baka nalulungkot lang sya sa nangyari sa buhay nya"

Kahit na hiwalay na kami, hindi pa rin maiaalis sa akin ang mag-alala dahil kahit anong mangyari ay ama pa din sya ng anak ko and he always have a special place to my heart.

Ming
4/9/16
TWITTER: chaaarmiiing

ABC's Of Love : A is for AttractionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon