Sa araw-araw na gumigising ako hindi nababawasan yung sakit, ang tahimik ng bahay at alam ko na kahit hindi pa naiintindihan ni nathan ang mga nangyayari ay hinahanap nya si ash
"D-daddy"
Nagulat ako sa narinig ko , yung first word ni nathan ay 'daddy' . Hindi ko napigilan ang lumuha , palagay ko nagkamali ako tungkol sa hindi pagaalaga ni ash sa anak namin, dahil kung hindi nya inaalagaan si nathan ay hindi dapat 'daddy' ang unang salita na lalabas sa bibig nya
"Anak, wala si daddy e. Iniwan na nya tayo, pero sabi naman nya babalik sya, hindi nangangako ang daddy mo ng hindi nya natutupad" I said between my sobs
Hinawakan ni nathan ang mukha ko na para bang gusto nyang pahirin ang mga luha sa mata ko
"Dahil day off ni mommy, mamamasyal tayo ha?"
Gusto kong libangin ang sarili ko, hindi ako pwedeng maging mahina dahil may umaasa sa akin
Dinala ko si nathan sa section ng mga laruan , I want him to be happy
"Thalia" lumingon ako sa pinanggalingan ng boses at gulat na gulat ako ng makita ko si blake
"Blake" natataranta ako
"Who's that cute little boy here?" He asked
I was about to speak but he didn't let me
"Kapatid mo? Pamangkin?"
"No. My son" halata ang gulat sa mukha nya
"Yours?" He asked
"Oo, blake hindi alam sa company na may anak ako , sana maintindihan mo" I tried to explain
He smiled, giving me an assurance
"You have nothing to worry" nakahinga ako ng maluwag
"Nasaan ang daddy nya?"
Napaiwas ako ng tingin ng magtanong sya , I was about to speak pero inawat nya ako
"Ah, nevermind" nakita nya siguro ang paga-alinlangan ko
"Kain tayo?" Aya nya sa akin na hindi ko na natanggihan dahil kinuha nya si nathan mula sa akin bago naglakad kaya wala akong ibang nagawa kung hindi ang sumunod
Hindi na nakakapagtaka na hindi umiyak si nathan, magiliw sya sa mga taong nakakasalamuha nya, Si blake ang nagpapakain kay nathan, bigla na naman akong nalungkot sa nakikita ko , si ash sana ang gumagawa ng ganun, sya dapat ang kasama namin at hindi ang ibang tao .
Kumusta na kaya sya? Ilang araw , buwan o taon kaya bago nya mahanap ang sarili nya? Bago nya kami balikan? Babalik pa ba sya?
Ayokong isipin na hindi, hindi ko kaya .
"Bakit hindi ka kumakain?" Natigil ako sa pag-iisip ng tanungin ako ni ash
"Sorry may naisip lang" hinging dispensa ko
"Alam mo magtatampo sa'yo ang anak mo, kasama mo sya pero wala naman sa kanya ang atensyon mo" and I was hit by the reality , tiningnan ko si nathan, I should focus on him. I smiled and mouthed 'sorry'
Pagkatapos naming kumain ay namasyal kami sa timezone kung saan pwedeng mag-enjoy si nathan at nakakatuwa syang pagmasdan habang nakadapa, for quite a time I forgot about ash.
We had fun, hearing nathan's laugh is beyond priceless .
"Salamat sa paghatid" I said to blake
"Walang kaso yun, nag-enjoy ako lalo na sa batang makulit na ito" he said while pinching nathan's face
"Kami rin"

BINABASA MO ANG
ABC's Of Love : A is for Attraction
RomantikAttraction is the first step on falling inlove that can be of good or bad on anyone. Namulat sa responsibilidad sina Ash at Nathalia ng biyayaan sila ng anak sa murang edad, nakakatawa na halos buong mundo ang tumututol sa relasyon nila dahil ayaw...