"Aalis ka? " I asked
Humarap sya sa akin saglit at itinuloy ang pagbibihis
"May group project kasi kami, ako yung leader nila kaya kailangan na andun talaga ako"
Kumunot ang noo ko
"Saan? Bakit hindi na lang dito? Ipapagluto ko pa kayo" I volunteered , sunday kasi ngayun and as much as possible gusto ko na magkakasama kami kasi ito na lang yung time namin to bond with each other
"Kasi ano, hindi nila alam na may asawa na ako" alinlangan nyang sagot na lalong nagpakunot ng noo ko
"At bakit? Kelangan ba yun sa school? As far as I know when it comes to schooling wala namang age limit or marital status? "
Mataray kong sagot , I can't see his pointLumapit sya sa akin at niyakap ako
"Kasi hon ganito yan, nagtry out ako sa basketball para maging school varsity para makakuha ako ng school scholarship and I did, full scholarship but the thing is number one rule ng coach namin ay dapat single"
"Bakit naman?!" I hissed
"kasi varsity ka, maraming girls na nagchicheer , para daw di mabawasan ang support? Ewan ko nga sa coach ko , di naman kami artista para magkaroon ng ganung contract , pang artista lang yun e"
I stared at him, doubting, pwede ba yun? Parang ang lame ng excuse
"Totoo? " I am still in doubt
"Hon naman, ngayun ka pa ba magseselos e may anak na nga tayo?" Depensa nya
"E ano? Pwedeng pwede ka namang magbuhay binata kung gugustuhin mo "
Kumunot ang noo nya
"You really think that I am that shallow?"
Agad naman akong nakonsensya sa sinabi ko
"Sorry na, sige na nga alis ka na" then I hugged him
"Just trust me okay?" And I nodded
"Ingat ka ha and behave hon" I warned
He kissed the tip of my nose as he laughed
"Di mo na ako kailangang pagbantaan baby!"
Pagkatapos naming bolahin ang isat-isa ay umalis na sya, and here I am , alone with my baby . I was so focus with nathan the whole day.
I was so bored when nathan fell asleep , so I decided to open my facebook account . Sakto naman na nagchat si Blake , nangumusta at nag-aaya pang magmall dahil wala daw syang magawa, syempre tinanggihan ko sya kaya naman nagkwentuhan na lang kami sa chat hanggang sa hindi na ako naging komportable sa topic ng tanungin nya ako kung may boyfriend na daw ako and I said none. Pagkatapos kong sabihin yun ay nagpahiwatig sya ng pagkagusto sa akin, I don't want to assume pero mararamdaman mo naman yun, hindi ako manhid .
Hindi na nga ako nagulat ng magchat sya sa akin ng 'I like you' , hindi ko binuksan ang message nya at naglog out na. Sakto namang dating ni ash , I checked the clock and it says 6pm . Ang tagal naman ng project nilang yun.
"Goodevening baby" he greeted
Pinuntahan nya si nathan na natutulog sa kama at hinalikan din
"Bakit ngayun ka lang? " I asked
"Ang hirap kasing pasunudin ng mga kaklase ko e, ang babata pa kasi, sutil pa" kwento nya
"Para namang ang tanda mo na kung magsalita ka "
Naghubad sya sa harapan ko na hindi ko na ikinagulat, but ofcourse, yung epekto nya saken sobra sobra pa rin . Ginamit ko lahat ng reflexes ko sa katawan para lang di ko sya lapitan at halikan
"Buti andun si aira, tinutulungan nya ako, sa lahat ng kagrupo ko ay sya yung pinakamaaasahan "
Tumaas ang kilay ko at naglaho na parang bula ang pagpapantasya ko , hindi ako nagsalita dahilan para tumingin sya sa akin
"O? Bakit ganyan ka makatingin? " tanong nya na halata ang pagkairita
"You usually don't talk about girls, madalas ay mga pinsan mo lang o kapatid mo ang pangalan ng babaeng binabanggit mo sa akin" I said matter of factly
Nagulat ako ng itapon nya sa sahig ang damit na hinubad nya
"Ano ka ba naman? Pagod ako okay? Ganyan pa isasalubong mo? Ayos ka din ano?" Then he walked out
Hindi ko maintindihan kung saan nanggaling yung outburst nya , ang hinahon ng pakikipag-usap ko sa kanya kanina tapos bigla syang sisigaw?
Okay, given na masyado akong malisyoso pero hindi naman nya ako sinisigawan madalas e, mahinahon syang tao and he barely do that, kapag talagang galit sya or frustrated over one thing. He's not shallow as well, hindi sya sisigaw dahil lang sa topic tungkol sa ibang babae .
I heaved a deep sigh, for the past two years I learned not to argue with him when he's mad , pinuntahan ko si nathan at tumabi ng higa sa kanya. Maghihintay na lang ako kapag malamig na ang ulo nya .
NAGISING ako ng tumunog ang alarm clock sa bedside table , it's already 5 in the morning at kakahintay ko kay ash ay inumaga na ako at hindi na nakapaghapunan, I searched for nathan pero wala sya , siguro ay si ash ang nagbabantay kasi usually ay nagigising na si nathan ng ganito kaaga. So galit pa din sya? Madali kong nahanap ang mag-ama ko dahil sa iyak ni nathan
"Ano ba? Hindi ka ba tatahan? Kanina ka pang iyak ng iyak!" Nagulat ako sa narinig ko , pinapagalitan ni ash ang anak namin dahilan para bilisan ko ang lakad ko
"Isa! Ano ba?!" Sigaw pa ni ash na lalong nagpaiyak kay nathan
"Ash!" I shouted then I grabbed nathan
"Anong ginagawa mo? Bakit mo dinadamay ang anak mo dyan sa init ng ulo mo?! Pwede ba?! " I said , I am mad. No! I'm furious .
Hindi sya nagsalita at nakatingin lang sa akin
"Kahit minsan ba simula ng ipinanganak si nathan ay narinig mong sinigawan ko sya? Ha?!" I hissed
"Kung napapagod ka ng mag-alaga sa anak mo pwede mo naman syang ibigay sa akin, kahit na hindi ko maintindihan ang punto mo kung saan ka mapapagod samantalang lumilipas nga ang isang araw na hindi mo man lang nahahawakan ang anak mo! Pathetic!" Then I walked out
Tanggap ko na sa akin sya magalit at ako ang sigawan nya pero ayokong kamulatan ni nathan yung pagsigaw sigaw naming magulang nya. Ayokong iparanas sa kanya ang mga naranasan ko sa mga magulang ko.
When I gave birth to nathan I promised to myself that I won't be like my mom. Never! Hindi ko alam kung maiintindihan ni ash ang dahilan ng pagsigaw ko pero hindi ko hahayaang gawin nya ulit yun, buti sana kung ibang tao si nathan e, pero anak nya yun!
Naghanda na ako para pumasok sa trabaho at ganun din sya, hindi kami nag-uusap , parang hangin ang isat-isa. Inihabilin ko si nathan kay aling erma , buti pa yung ibang tao gustong alagaan ang anak namin. I know that ash is up into something, hindi nya ugali yung ganun unless he is frustrated over something at ayoko syang tanungin dahil ayaw nya nun, gusto nya sya mismo ang magbubukas ng isang bagay because he believes that when you do that, you are not forced to tell them, instead you trusted that person enough . Well he has his point
LUMIPAS ang buong maghapon ng hindi sya nagtetxt o tumatawag , what he is up to? Nakakafrustrate ang mag-isip, bigtime.
Hindi sya gumagawa ng paraan para makipag ayos sa akin, ano ba ang balak nya? Is he planning to stay like this hanggang sa maghiwalay kami ? Agad kong inalis ang hindi magandang bagay na tumatakbo sa utak ko, hindi tama ang mag-isip ng negatibo.Bumilis ang tibok ng puso ko ng bumukas ang pinto ng bahay, I checked the time and it says that it's already seven at night , saan sya galing? I want to ask him kaya lang baka sigawan nya ako. I remained silent at sumikip ang dibdib ko ng lampasan nya lang ako. Ano ba talaga ang problema? Pwede naman nyang sabihin sa akin e, hindi ba sya nagtitiwala? Ang bigat-bigat sa pakiramdam, ang sakit, at ang sakit ay dala dala ko hanggang sa makatulog ako, why ash? Why are you doing this?
Sumusuko ka na ba?
Mingming
2|3|16

BINABASA MO ANG
ABC's Of Love : A is for Attraction
RomanceAttraction is the first step on falling inlove that can be of good or bad on anyone. Namulat sa responsibilidad sina Ash at Nathalia ng biyayaan sila ng anak sa murang edad, nakakatawa na halos buong mundo ang tumututol sa relasyon nila dahil ayaw...