Ikatlo-Laro Tayo

1.3K 60 16
                                    

"Tagu-taguan maliwanag ng buwan. Masarap magtago sa dilim-diliman." Sambit ni Chelsea habang nakadukdok ang kanyang ulo sa my pader ng kanyang kwarto. Nagulat na lamang siya nang biglang bumukas ang pinto at bumungad ang kanyang ina na nakakunot ang noo.

"Anong ginagawa mo?" tanong nito kay Chelsea

"Nakikipagtaguan po. Gusto mo Ma, sali ka?" anyaya nito sa ina

"Hindi na, maraming ginagawa si Mama." Sabay nagbuntong hininga ito. Naawa siya sa kanyang anak. Palagi na lamang itong naglalarong mag-isa. Hindi naman sa binabawalan niya itong lumabas at maglaro sa kalsada. Nag-aalala lamang ito dahil maliit pa ito at walang magbabantay sa kanya sa daan.

"Sige,"

Matapos nang maikling sagot ni Chelsea ay agad nang sinara ni Shane ang pintuan. Hindi niya maatim na makita ang dismayadong mukha ng kanyang anak dahil wala na naman siyang oras para dito. Ilang buwan na rin ang lumipas mula nang lisanin sila ng kanyang asawa sa isang malagim na aksidente ilang araw matapos nilang lumipat sa bagong bahay nila. Sadya niyang isinubsob ang kanyang sarili sa trabaho para malimutan ang lahat. Ngunit sa tuwing titingnan niya si Chelsea ay muli niyang naalala ang kanyang asawa. Magkamukhang-magkamukha kasi silang dalawa. Bukod pa doon ay talagang malapit si Chelsea sa ama.

"Game na ba?"

Dinig ni Shane ang boses ng anak mula sa labas. Sa isip niya, nakakahabag na umaarte itong nakikipagtaguan para lamang aliwin ang sarili. Alam niyang naghihinagpis din ang anak sa pagkawala ng kanyang ama. 'Yung nga lang may iba't ibang paraan sila kung paano matatakasan ang sakit at ito ang paraan ni Shane. Ang kalimutan ang lahat.

"Chelsea! Aalis na si Mama. Hintayin mo si Mamay ha. H'wag kang lalabas ng bahay. At h'wag mong bubuksan ang pinto kung hindi lang din si Mamay ang kumakatok," paalala nito sa anak.

"Sirit na ako. Hindi kita makita,"

Hindi na pinansin ni Shane ang sinabi ng anak. Sinara nito ang pintuan bago tuluyang lumabas ng bahay. Paalis pa lamang siya ng kanilang bahay nang makasalubong niya ang kanyang Mamay na padating na.

"Shane! Papasok ka na? Maaga pa ah."

"Mabuti na iyon, Mamay. Kayo na munang bahala kay Chelsea."

"Sandali Shane." Pigil nito sa anak na papaalis na. "Alam mong gusto kong inaalagaan ang apo ko pero kailangan ka rin niya. Hindi lang ikaw ang nawalan. Nangungulila din ang anak mo,"

"Mamay, kaya nga nandiyan ka di ba? Hindi ko kayang pagsabayin ang paghahanap ng perang kikitain at pag-aalaga sa anak,"

"Kaya mo. Ayaw mo lang gawin." Maikling sabi nito sa anak at tinalikuran na niya ito. Wala na siyang panahon para kausapin ng isang taong sarado na ang isipan. Mas kailangan siya ng kanyang apo ngayon.

Tinungo ni Mamay ang pintuan at nagsimulang kumatok.

"Chelsea, apo. Pakibuksan mo ang pinto." Matapos ng ilang minuto niyang pagtawag ay napagdesisyunan niyang sumilip sa bintana at baka hindi siya naririnig ni Chelsea. Eksaktong pagsilip niya ng bintana ay may nakita siyang isang anino na nagtatatakbo sa may kusina. Nataranta siya sa pagtawag kay Chelsea.

"Sino yan?" Malakas niyang tawag dito, para takutin kung sino man ang nasa loob. "Chelsea! Chelsea!" Nagtatakbo siya pabalik sa pintuan sinubukan niyang pwersang buksan iyon pero hindi iyon nagbukas. Ilang malakas na katok pa at bumukas ang pintuan.

"Mamay! Pasensya na po, nagtatago pa ako eh."

Hindi muna pinansin ni Mamay si Chelsea. Dumiretso siya sa kusina kung saaan nakita niya ang anino. Binusiksik niya ang kasuluk-sulukan ng kusina ngunit wala siyang nakita. Nakahinga siya nang maluwag, marahil ay namalikmata lamang siya. Inusog niya ang isang upuan t umupo siya. Maya-maya ay napansin niya na nkatingin si Chelsea sa kanya.

TwistedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon