Huling Bahagi ng Unang Arko-Mas Maraming Tanong

712 36 3
                                    

Naritong muli si Teresa at maingat na inaayos ang kanyang mga damit at isa-isang isinisilid sa maleta. Matapos ng ilang taon na walang pag-asa ay napagdesisyunan niyang sumubok muli ng isang beses para mabuhay. Malinaw pa rin sa kanyang isipan ang madugong pangyayari sa mental hospital na iyon, para bang hindi na mawawala ang mga alaalang iyon. Gayunman ay nagpapasalamat pa rin siya nang dahil sa mga sagot na nakuha niya. Malinaw na sa isipan niya ang lahat.

Kahit na siya ang napagbintangan sa pagpatay kay Chen dahil sa nakuhang finger print sa scalpel ay napagdesisyunan ng korte na ipawalang sala siya. Wala raw matibay na ebidensya at maaring dinampot lang ni Teresa ang scalpel para ipagtanggol ang sarili. Marami ring hindi magtugma sa pangyayari gaya ng ibang mga taong namatay noong gabing iyon. Sabi na lamang nila ay wala sa katinuan ang mga tao nang nangyari iyon kaya't hindi nila ma-alala ang lahat. Sinuportahan pa ng tetimonya ni Chelsea ang sinabi ni Teresa. Maayos na ang lugar ni Chelsea ngayon. Ang hiling niya na patahimikin na ang kanyang ama ay natupad matapos niyang makipagtaguan nang gabing iyon.

Sinabi naman ni Teressa sa kanila ang buong katotohanan ngunit walang naniwala sa kanya. Sino nga naman ba ang maniniwala sa isang babaeng may kasaysayan ng sakit sa pag-iisip. Makalipas nga ang ilang panahon ay idineklara ng doktor na maayos na ang kanyang pag-iisip at maari niya nang lisanin ang ospital.

"Ready na po ba kayo?" tanong ng nurse sa kanya

Ngumiti siya sa nurse at binuhat niya ang bag. Aktong tutulungan pa nitong magbuhat ng bag si Teresa ngunit tumanggi siya at sinabing kaya niya nang bitbitin iyon. Wala rin naman siyang gaanong mga damit. Sinamahan pa siya ng mga tauhan ng mental hanggang sa gate. Napamahal na rin ang mga tao dito sa kanya dahil sa tagal ng paglagi niya sa mental hospital.

Pagsapit sa labas ng gate ay hinigop ni Teresa ang hangin. Gaano katagal na nga ba noong huli niyang nakita ang paligid sa labas ng mental? Makalipas ang ilang sandali ay pumara siya ng isang traysikel upang dalhin siya sa bayan.

Matagal-tagal din bago niya nasapit ang bayan. Kumpara noon ay maayos na ang daan at progresibo na rin ang kanilang bayan. Ilang maliliit na gusali pa ang kanyang nadaanan bago pinara ng drayber and traysikel. Pagbaba ni Teresa ay dinukot niya ang pitaka. Binuksan at kinuha ang mga piraso ng barya doon upang iabot sa drayber.

Aalis na sana siya nang biglang may lalaking bumunggo sa kanya dahilan kung bakit nabitiwan niya ang pitaka. Hindi niya agad napulot ang pitaka dahil nasaktan ang kanyang balikat sa pagbangga ng lalaki. Hawak-hawak niya ang balikat na para bang nalingat sa lakas nang pagbanga.

Magrereklamo sana si Teresa sa lalaki nang makita niya ang itsura nito. Nangingitim ang mga paligid ng mata nito, malalim ang paghinga at tila takut na takot. Nabaling ang mata nito sa nakabukas na pitaka kung saan naroon ang litrato ng pumanaw na anak ni Teresa. Pansin dito ang hilakbot sa mga mata na hindi maikukubli kahit sa tindi nang liwanag ng araw.

"Iyang litrato sa pitaka mo. Sino siya?"nanginginig nitong sinabi kay Teressa.

Nakakunot ang kanyang noo sa inasal ng lalaking ito. Siya na nga ang nakabangga at siya pa ang may ganang magtanong na parang gulat kay Teressa. Pinagkibit-balikat na lamang niya at sinagot ni Teressa ang kanyang tanong. Lumamlam ang mgat mata at lumabot ang tinig ni Teressa kapag anak na niya ang napag-uusapan. Hindi niya mapigilan ang sarili sa tuwing maalala ang kanyang anak. Pakiramdam niya ay nasa isang ligtas siyang lugar sa t'wing mababangit niya ang mga katagang iyon.

"Anak ko,"

Lalo nang nagtaka si Teresa dahil hindi nawala ang pagkatakot sa mata nito. Nakaramdam pa nga si Teresa na may kaunting pagkasuklam nito sa kanya na lalo niyang pinagtaka. Sino nga naman ba ang hindi magtataka, ngayon lamang sila nagkita ngunit ang pagkasuklam nito sa kanya ay hindi matatawaran.

"Gusto akong patayin ng anak mo," wika nito kay Teresa

Mula sa likod ay narinig ni Teressa ang isang kilalang boses ng bata. Hinding-hindi niya malilimot ang mga boses na iyon. Mataas na tinig na tila punong-puno ng buhay. Lumingon siya at halos malaglag ang kanyang panga sa nakita.

"Siya si Papa. Magiging masaya na tayo," wika ng kanyang anak habang kitang-kita niya ang paggalaw ng labi nitong hindi mawari kung nakangiti o nagagalit. Lalo na siyang nanghilakbot sa mga susunod nitong inusal. "Isang pamilya na ulit tayo. Wala nang makakapaghiwalay sa atin. Mamamatay ang aalis sa pamilya natin."

TwistedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon