Ikaanim-Kriminal

1K 52 17
                                    

Isang malamig na daing ang nagmumula sa bahay nila Chen na naulinigan ng mga kapitbahay. Ilang gabi nang ganito ang naririnig nila sa bahay na iyon. Nagsisimula na silang mag-alala dahil hindi gaya ng dati na nakikita nilang lumalabas t'wing umaga si Gng. De Leon, ngayon ay kahit anino ngsinong miyembro ng pamilya De Leon ay hindi nila napapansin. Tanging ang mga daing na lamang sa gabi ang naririnig nila. Ayaw man nilang makialam sa problemang pamilya pero tila yata labis na at nakakabahala na ang nangyayari doon.

"Hindi ba dapat makialam na tayo? Baka kung ano nang nangyari sa kanila?", wika ni Ginang Ponce habang pinapakinggang mabuti ang daing ng isang tao.

"Sigurado ka bang nand'yan sila? Ano namang malay natin baka nagbakasyon sila?"

"May umiiyak nga di ba? Ako lang ba ang nakakarinig? Pati ang mga anak mo naririnig nila"

"O sige titingnan ko."

Sandaling tumayo si Ginoong Ponce para kuhanin ang lente sa may tukador. Sa labas palang kasi ay mapapansin mo na hindi na nagbubukas ng ilaw ang pamilya De Leon. Matapos makuha ang lente ay dumiretso itong lumabas ng kanilang bahay. Susunod pa sana ang asawa niya ngunit pinigilan niya ito.

"Aano ka na naman? Makiki-tisimis? Dito ka na lang."

"O sige. Pero balitaan mo ako kung anong nakita mo."

Halatang tsismis lang talaga ang habol ni Ginang Ponce kayat nais niyang pumunta ang asawa niya sa kabilang bahay. Kahapon pa nga niya gustong bisitahin ang bahay nila Chen ngunit nagdadalawang isip siya. Baka kasi isipin ng iba na sumasagap lang siya ng balita dahil hindi naman niya dating binibisita ang bahay nila Chen.

Nagmamadaling naglakad patungong bakuran nila Chen si Ginoong Ponce. Tinanglawan niya ng lente ang bintana habang tumatawag, umaasa na mapapansin ng mga nakatira na tumawag siya. Ayaw niya namang dumiretso sa loob ng bakuran at alam niyang may malaking aso ang mga ito.

"Tao po? Chen. Nandiyan ba ang Mama mo?"

Nakailang ulit pa siya ng tawag ngunit wala talagang sumasagot sa mga tawag niya. Nagtaka rin siya na walang sumasalubong na tahol ng aso sa kanya. Dati kasi, kahit dumadaan lamang siya sa harap ng bakuran ng mga De Leon ay nakabibinging kahol na ng aso ang naririnig niya. Sa isip niya, baka wala talagang tao doon o ayaw lang siyang pakiharapan ng mga De Leon.

Sandali siyang tumingin sa kanilang bahay at nakita ang kanyang asawa. Sumesenyas pa ito na pumasok na siya sa loob para malaman kung ano talagang nangyari. Napabuntong-hininga na lamang si Ginoong Ponce sa takaw ng asawa sa tsismis. Dahan-dahan niyang binuksan ang kahoy na pintuang-daan ng kanilang bakuran. Nakita niya ang mga peryodiko at sulat na naipon sa labas ng bahay. Pati na nga ang basura na may takdang oras ng paglabas ay nilalangaw na at tila may nabubulok doon. Masukal na rin sa kahit anong sulok na natatanglawan ng lente. Para bang napabayaan ang lugar.

Painot-inot siyang naglakad. Aktong nakayuko at nakaamba ang isang paa sa harapan ng daan. Naninimbang kung tatakbo ba siya pabalik sakaling dumating ang asong paborito na siyang tahulan. Ngunit nakalahati na niya ang lakad patungo sa pintuan nila Chen ay wala pa rin ang aso. Dumiretso siya ng pagkakatayo at mabilis na nilakad ang pintuan. Pagdating sa harap ng pintuan ay tumamas akanyang ilong ang masangsang na amoy ng nabubuok na karne. Sunod-sunod na katok ang ginawa niya at parangkinutuban siya.

"Tao po? Ginang De Leon? Chen? Si Tito Romy 'to, kapitbahay niyo? May tao ba dito?"

Palakas nang palakas ang pagkatok ni Romy sa pintuan. Halos magiba na ang pintuan sa lakas ng pagkalampag niya ngunit wala pa ring sumasagot. Tila mga bingi ang tao sa loob sa kanyang pagtawag. Kung hindi nga lang siya nag-umpisang mag-alala dahil sa naamoy niyang nabubulok na bagay sa loob ng bahay nila Chen ay kanina pa siya umalis.

Pwersahang itinulak ni Romy ang pintuan ngunit hindi iyon gumagalaw. Sandali siyang umatras upang kumuha ng pwersa. Sinipa niya ang pintuan malapit sa seradura at nagbukas iyon. Pagbukas ng pintuan ay lalong umalingasaw ang masangsang na amoy na nagmumula sa loob ng bahay.

"Ginang de Leon? Kim? Nandito ba kayo?", muli niyang tawag bago tuluyang pumasok sa loob ng bahay.

Kung sa labas ng bahay ay kinakaya pa ni Romy ang sangsang ng amoy na kumapit na sa hangin, pagdating niya sa loob ay kinailangan niyang kunin ang panyo sa kanyang bulsa at takpan ang ilong niya. Inilawan niya ng kanyang lente ang bahay. Nagulat siya sa nakitang mga kahoy na nakatakip sa bintana. Tila may nagpako doon at ayaw paalisin kung sino man ang nasa loob ng bahay.

Sandali pang nilibot ni Romy ang sala at kusina ngunit wala siyang nakita. Mayamaya ay narinig ni Romy ang daing ng isang tao na nagmumula sa itaas. Agad niyang kinuha ang kanyang telepono upang tawagan ang kanyang misis.

"Hello? Myrna? Tawagin mo ang mga guard ng subdivision. Parang may kakaiba dito," iyon lamang ang sinabi niya sa kanyang asawa at agad na niyang binaba ang kanyang telepono.

Nagdalawang isip siya kung aakayat ba siya ng itaas o hihintayin ang mga gwardiya sa pagdating. Sa kasawiang palad ay hindi tumigil ang daing ng tao sa itaas. Kinuha niya ang kutsilyo sa may kusina at saka nagdesisyong umakyat sa ikalawang palapag ng bahay. Ang panyo naman na kaninang hawak niya ay ibinaibid niya sa maya para lalong humigpit ang hawak nito sa kutsilyo. Titiisin na lamang niya ay nabubulok na amoy kaysa wala siyang armas na dadalhin papuntang itaas.

Habang paakyat siya ay narinig niyang huminto ang daing. Kalkuladong kalkulado ang bawat hakbang ni Romy paakyat ng hagdanan. Nang makarating siya sa itaas ay inamba niya ang kutsilyong hawak niya. Handa sa kung ano o sino man ang makikita niyang nasa itaas. Unti-unti niyang nilapitan ang pintuan ng isang kwarto. Bahagyang hinawakan ang seradura at maingat na pinihit iyon. Hindi pa nagbubukas nang tuluyan ang pintuan ay isang duguang tao ang tumalon sa kanya.

Nawalan ng balanse si Romy at humulagpos ang kutsilyo sa kanyang kamay. Huli na nang sunud-sunod siyang pagsasaksakin ng lalaking duguan gamit ang isang matulis na bagay. Malakas ang lalaki at punung-puno ng galit.

"Mamatay kang demonyong bata ka! Pinatay mo ang buong pamilya ko! Kung akala mo mapapatay mo rin ako, isasama kita," tuloy-tuloy lang ang pagsaksak ni Chen, animoy sa segundong hihinto siya ay mawawala ang pagkakataon na ito.

Kahit anong ginawang panlalaban ni Romy ay wala siyang nagawa hangang sa unti-unti niyang naramdaman ang kanyang panghihina. Maya-maya pa ay naramdaman niyang nawawala na ang kanyang ulirat habang patuloy pa rin sa pagsaksak ang lalaki sa kanya. Bago niya tuluyang ipikit ang kanyang mga mata ay narinig niya ang hilakbot na sigaw ng kanyang misis na si Myrna.

Kinabukasan, laman ng lahat ng pahayagan at balita ang nangyari. Kahit anong lipat mo sa anong istasyon ay ang kaganapan na iyon ang binabalita.

"Isang dalawampu't isang taong gulang na lalaki na nagngangalang Chen de Leon. Karumal-dumal na pinatay ang kanyang buong pamilya at isang kapitbahay. "

Sandali pang nakuhanan ng bidyo si Chen na nakaposas ang dalawang kamay na walang kaimik-imik. Nakatulala lang ito na parang may bahid pa ng ngiti ang labi. May mga sugat siya sa paa at kamay na mapapatanong ka kung siya nga ba talaga ang pumatay sa kanyang pamilya.

"May bata! Ýung bata ang pumatay!"

TwistedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon