Hawak pa rin ni Chelsea ang manibela habang nakaparada ito sa harap ng isang mental facility. Sinulyapan niya ang mga dokumentong nasa tabi niya. Kitang-kita mo sa bawat pagsulyap niya ang determinasyon sa kanyang mga mata. Para bang ilang ulit na niyang hinarap ang kamatayan at handa niya ulit harapin iyon kung kinakailangan."Nandito ang mga sagot na hinahanap ko," mahinang bulong ni Chelsea sa kanyang sarili.
Bumaba siya ng kotse para makipag-usap sa gwardiya na wala namang ginawa kundi and umupo lamang, kalikutin ang kanyang cellphone at manigarilyo.
'Sir, may appointment po ako today kay Dra. Velez. Pakisabi po Chelsea Santiago."
Hindi pa agad pinansin ng gwardiya si Chelsea. Mas importante dito ang kinakalikot niyang cellphone kaysa sa mga sinasabi niya.
"Ay! Leche," malakas na sigaw ng gwardiya matapos matalo sa nilalaro sa kanyang cellphone. Nagpakawala ito nang malalim na buntong hininga bago niya pinagmasdan ang babae sa harapan. "Anong pangalan ulit?" tanong nito na halatang nawala na sa huwisyo.
"Chelsea Santiago po," maikling sagot ni Chelsea. Ipinag-kibit balikat na lamang niya ang inasal ng gwardiya. Mas may importante siyang pakay doon at wala siyang panahon para makipagtalo sa mal-edukadong gwardya.
Iniwan sandali si Chelsea ng gwardiya upang tumawag sa loob ng pasilidad. Kinausap nito ang tao sa loob at pagdaka'y bumalik ito kay Chelsea upang ituro ang tamang direksyon papunta sa opisina ni Dra. Velez.
Ilang minuto din ang ginugol nito sa paglalakad upang marating ang opisina at pagdating niya ay magiliw siyang tinanggap ni Dra. Velez.
"Maupo ka, ija," paanyaya nito sa dalaga.
"Hindi na po, kung maari po sana ay gusto ko na silang makausap."
"Sigurado ka ba sa hinihiling mo, Ija? Medyo unstable ang behavior ng mga pasyenteng gusto mong makausap. Si Chen De Leon ay medyo unpredictable at si Ma. Teressa Marquez may mga oras na hindi mo siya makakausap nang maayos."
"Opo," sagot ni Chelsea. Alam niyang ganito lamang ang inaasal ng dalawang pasyente dahil walang nakakaintindi sa kanila, pero sa katulad niya, alam niyang maiintindihan niya ito.
"Sumunod ka sa akin."
Sinundan nga ni Chelsea ang doktora at tinungo nila ang lugar para sa mga bisita. Pinaupo siya nito sa isang upuang bato na may mesa na gawa sa isang matibay na kahoy. Walang humaharang na bagay sa mga bisita at pasyente pero wala siyang pakialam. Desidido siyang malaman ang mga bagay na matagal nang gumulo sa kanyang isipan. Matagal niyang pinagtuunan ang pansin ang bagay na ito at sa wakas ay parang itinakda ng panahon na ang mga taong may hawak ng mga kasagutan ay nasa iisang lugar lamang.
Sandali pang naghintay si Chelsea hangang makita niya na may isang payat na babae na papalapit sa kanyang lugar. Inaalalayan ito ng dalawang nars na lalaki na animo'y handang pigilan anumang oras ang mga galaw ng payat na babae sa sandaling magkamali ito. Iginiya ng dalawang nars ang katawan ng babae patungo sa kanyang direksyon.
Agad tumayo si Chelsea upang batiin ang babae.
"Chelsea Santiago po. Kumusta po kayo?", tanong nito sa babae
"Ngayon lang ako nagkaroon ng ibang bisita maliban sa anak ko," wika ni Teresa
"Ganoon po ba?", nakangiting sabi ni Chelsea, alam na niya ang istorya tungkol kay Teresa at sa pagha-hallucinate nito tungkol sa kanyang anak. Tiningnan ni Chelsea ang dalawang nars na nasa likod pa rin ng ginang at pinakiusapan na kung maari ay makapagsarilinan sila ng babae. Agad namang tumalima ang dalawa at lumayo, ngunit hindi nila inalis ang pagkapako ng kanilang paningin kay Teresa.
![](https://img.wattpad.com/cover/56939670-288-k580503.jpg)
BINABASA MO ANG
Twisted
HorrorA non-linear narrative. Mga kwentong mag-iiwan ng tanong sa inyong isipan. May kanya-kanyang istorya ngunit konektado sa bawat isa. A child who has been maltreated and killed by his own father is yearning for love and affection. His vengeful soul w...