Di pa rin ako dalawin ng antok. Bwisit na Tri. Kasalanan nya to eh. Hanggang ngayon, di ko pa din mabigyan ng eksplanasyon yung nangyari kanina.
Nakahiga ako sa kama pero pabaling baling pa din dahil di ako makatulog. Hanggang sa tumayo ako at nagtungo sa bintana ng kwarto ko at dumungaw sa labas. Di pa rin makuntento, binuksan ko ang bintana at agad kong naramdaman ang malamig na simoy ng hangin na nanuot sa balat ko. Napayakap ako sa sarili ko sa lamig pero ang sarap ng pakiramdam kaya minabuti ko na umupo na lang muna sa may bintana habang nagpapalipas ng antok.
"Hey!" Muntik na akong mahulog sa gulat ng narinig ko ang pamilyar na tinig na iyon ni Tri. At pagtingin ko nga, nakatingin sa akin si Tri, nakaupo at nakasandal ang likod nya sa bintana kagaya ng pwesto ko. Tapat ng bintana ko ang bintana sa kwarto nya.
Kinuha ko ang phone ko sa gilid ng side table at nagsimulang tumipa sa screen.
Ginulat moko. Ang tinext ko sa kanya.
Di kapa tulog?
Ay. Tulog na ako. Di mo nga ako katxt eh.
Pisolopa.
Baka pilosopa? Hahaha. Mag english ka na nga lang. Ang barok mo mag tagalog eh.
Di na nya ako nireplyan. Nainis na ata sa akin. Haha. Ang kulit kasi eh. Sinilip ko ang bintana nya at nakita kong nakasara na. Nagagalit si Tri kapag sinasabihan syang barok sya magtagalog. Eh totoo naman. Limang taon na sya dito sa Pilipinas pero pilipit pa din mag Tagalog. Ako ang napapa english eh.
Napasinghap ako ng nakita ko na may kamay na humawak sa hita ko. Nahulog ako sa bintana papunta sa sahig ng kwarto ko.
"Oh Lyx! You should have seen yourself! Falling your butt on the floor!" Pigil na pigil ang tawa ni Tri at kitang kita ang kasiyahan sa mukha nya.
"Napakasama mo talaga!" Di ko napigilan ang sarili ko na paghahampasin sya. Akala ko naman kung sino ng herodes ang humawak sakin, yun naman pala, etong animal na Tri lang na to!
Gigil na gigil ako sa kanya. Pinakaayoko sa lahat yung ginugulat ako ng ganon. Hindi masaya na maramdamang halos mayanig na ang dibdib ko sa kaba.
At mas lalo akong nanggigil ng dumaan sya sa bintana at pumasok sya sa loob ng kwarto ko. Wala namang kaso sakin na naandito sya sa kwarto ko, may ugali kasi si Tri pag nasa kwarto ko.
"Shit. Is this your room, Lyx? Parang di pang babae." Yan ang ugali nya. Kahit alam na alam nyang madalang ako maglinis ng kwarto dahil mas nakikita ko yung mga gamit ko sa magulong environment, sisitahin nya pa din ako.
"When we were thirteen, I kinda understood you, but now, Lyx? It's like I'm Alice trapped in garbageland." Sabi nya habang sinisipat yung mga basura ng mga pinagkainan kong junk foods kahapon, mga damit na wala sa drawer at mga nakakalat na libro.
"Sobra ka, ha? Ano ba kasing ginagawa mo dito? Sina Hunter?" Dumapa ako sa kama, samantalang humiga si Tri at umunan sa likod ko. Inabot nya ang comforter at pinangtakip sa may likuran ko, ngayon ko lang naalala na naka boxer shorts ako, kaya pala nya ako tinakpan.
"Naglalaro pa din. Ang aga mo naman kasi umuwi." Di ko lang masabi sa kanya ang totoong rason kung bakit ako umuwi agad.
"Inaantok kasi ako kanina. Eh ngayon, nawala antok ko."
Natural lang samin ni Tri yung ganitong posisyon, dahil kumportable kami sa isa't isa kaya kung ano man ang naramdaman ko kanina, kailangan kong balewalain.
"Pupunta ka next week sa team building?" tanong ko sa kanya. Next week, pupunta ang buong Section 1 sa isang camp sa Silang, Cavite.
"Nope." Tumawa ako pagkatapos, sa limang taon naming magkaklase ni Tri, alam kong tamad na tamad syang sumama sa mga ganitong lakad. Pero alam na alam ko din kung paano ko sya papasamahin.
BINABASA MO ANG
My Best Friend's Girl (JaDine)
ФанфикMula sa simpleng paboritong kulay hanggang sa mga pinaka personal na problema, halos kilala at memoryado na nila ang isa't isa, kaya ng magsimulang magkaron ng pagbabago sa pagkakaibigan nila ni Tri, sinubukan lahat ni Lyx para pigilan ang nararamda...