Lunes.
Kinuha ko ang bag ko sa kama, mabilis na lumabas ng kwarto ko at bumaba sa hagdan. Naabutan ko si Mama na nakabihis at sinesermunan na naman si Lyndon sa kusina. Mas mauuna kasi ng isang oras ang klase ko kay Lyndon kaya madalang kami magsabay. At madalas, sinusundo sya ng mga kaibigan nya.
"Nako, Lyndon! Saan ka na naman galing kagabi ha? Ikaw bata ka. Paano na at kapag nag kolehiyo ka at nagpuntang Maynila? Paano kita pagkakatiwalaang mag-isa? Mamamatay ako ng maaga sa pag-aalala sayo." Mahabang litanya ni Mama.
"Nagskateboard lang naman kami, Ma." Pangagatwiran ng kapatid ko habang tinusok ang bacon at isinubo.
"Yan, Lyndon! May pagkakalagyan ka dyan. Hindi ka na bata para maglaro ng mga ganyan."
"Kakasabi mo lang Ma na bata ako." Kahit nagagalit, natawa na lang si Mama sa kapilyuhan ni Lyndon. Pinalo nya ng sandok sa balikat si Lyndon na ikinaigik ng huli.
"Alis na po ako, Ma." Humalik ako sa pisngi nya at pahakbang na paalis ng tinawag nya ako ulit.
"Yes, Ma?" Alam ko na ang itatanong nya. Di ko lang talaga alam na ang isasagot ko sa kanya. Halos lahat yata ng rason ay nairason ko na.
"Ano bang nangyayari ha, Lyxen? Isang linggo ko ng napapansin na hindi kayo nagkikibuan ni Tri. Kapag napunta sya dito, napanhik ka kaagad sa kwarto mo o kaya naalis ka. Hindi na rin kita nakikitang kasa kasama sya pag-alis sa school at pag-uwi. Ano bang nangyayari?" Ulit pa ni Mama.
"Busy lang talaga ako, Ma. Senior year ko na po. Madami akong ginagawa lalo na po yung Pluma saka sa classroom."
"Ate, tapos na yung Pluma diba? Nasa amin na nga yung kopya eh." Gustung gusto kong pandilatan si Lyndon at ang kanyang matabil na dila. Tapos na yung 1st printing at releasing ng Pluma, ang official newspaper ng North Crest na ginagawa kada buwan.
"May problema ba, Lyxen?"
"Wala po, Ma. Ma, male late na po ako. Saka nga po pala, namove yung Team Building ng section namin. Baka po sa Friday na yun gawin na dapat po nung last week pa. Bye, Ma!" Ang totoo, maaga pa ako para sa klase ko, pero ayoko lang makasabay si Tri kaya inagahan ko ng kaunti.
Di ko na inantay ang sagot nya at dali-daling lumabas ng bahay ng nakita ko ang pamilyar na pigura na nakasandal sa mababang bakal na gate namin. Nakasukbit sa balikat nya ang backpack nya, habang ang mga kamay ay nasa loob ng bulsa ng pantalon nya na uniform habang sinipa sipa ang mga malilit na bato sa tapat nya.
At ang bagong nararamdaman na hindi ko mabigyan ng pangalan ang lumukob na naman sa dibdib ko. Ngunit mas pinili kong balewalain ito dahil sa takot na nagsisimulang gumapang sa akin.
Alam kong mapaglaro si Tri. Masyadong mapaglaro para seryosohin ako. At sa isang iglap, gusto ko na namang magalit sa kanya. Kaibigan nya ako pero... Pero...
Naramdaman kong lumapat ang mga labi nya sa labi ko. Ang mga kamay nya ay nasa pisngi ko at ramdam ko ang kaba nya. Hindi ako makagalaw, ngunit wari ko umiikot ang paligid, ang mundo ko. Parang isang daang libong paru-paro ang lumilipad at nililikot ang puso ko. Oo, ang puso ko. At sa nanlalaking mata na unti-unting pumipikit para maramdaman ang kakaibang hatid ni Tri. Unang halik ko yon. Tanging si Tri lang.
Si Tri, ang pinakamatalik kong kaibigan, ang kaharap ko ngayon. Parang sasabog ang dibdib ko sa hindi ko alam na dahilan.
Hanggang sa naalala ko ang sinabi nya bago nya ako halikan.
Bigla akong nanlamig sa realisasyon na parte pa rin pala yon ng laro. Na ang tanga tanga ko lang para magbigay ng kahulugan sa ginawa nya kaya sa huli ako rin ang nagkakaganito.

BINABASA MO ANG
My Best Friend's Girl (JaDine)
FanficMula sa simpleng paboritong kulay hanggang sa mga pinaka personal na problema, halos kilala at memoryado na nila ang isa't isa, kaya ng magsimulang magkaron ng pagbabago sa pagkakaibigan nila ni Tri, sinubukan lahat ni Lyx para pigilan ang nararamda...