xi

99 2 1
                                        

Kumatok muna ako ng tatlong beses bago ko pinihit ang door knob sa kwarto ni Mrs. Flores, ang Principal ng North Crest. Ipinatawag ako at si Cindy ni Mrs. Flores para ipakilala ang Student President ng South Crest. Pinauna ako ni Cindy dahil hindi nya maiwan ang booth namin sa kapal ng mga nadating na tao. Sya na rin daw ang magtatawag sa ibang members ng SC. Sinama ako ni Mrs. Flores dahil ako ang representative ng buong Senior Year.

Ngumiti agad ako kay Mrs. Flores at bumati sa kanya. Nakaupo sya sa office chair nya samantalang ang student president naman ng South Crest ay nakaupo sa upuan sa gilid ng lamesa ng principal, hindi ko maaninag ang mukha nya dahil nakatalikod sya sa kinatatayuan ko.

"You're here, Lyxen. That's good. She's the one I was telling you earlier, Mr. Trent." Baling niya sa lalaking nasa harap nya. Hindi ko makita ang mukha nya dahil nakatalikod sya sa akin.

"Nauna lang po ako Ma'am kay Cindy. Pinauna nya na po ako, pupuntahan nya pa po kasi yung members ng Student Council. Iba-iba po kasing levels kaya susunduin nya pa po." Sagot ko na agad namang sinuklian ng ngiti ni Mrs. Flores.

Lumingon ang lalaking estudyante sa direksyon ko at agad kong natandaan ang mukha nya. 

"It's okay, hija. By the way, this is Jose Alexandro Trent, the current student president in South Crest. He's also in his Senior Year, with outstanding grades, and won numerous awards both academics and extra-curricular, while this is Miss Lyxen Olivia, one of our best here in North Crest, and just like you, she's a very promising student that exceeds my expectation."

Ngumiti ako ng tipid sa sinabi ni Mrs. Flores. Hindi ko maintindihan ngunit sa wari ko, iba makatingin ang president ng South Crest. Para bang sinusuri ng husto ang pagkatao ko.

"Woah. I feel pressured now, Ma'am." Sabi nya kay Mrs. Flores na natawa sa kanya bago nagsalita ulit, this time, nakaharap na sya sa akin.

"Never mind the introduction after the name, just call me Alex. And I'm really sorry about the incident earlier, I hope you'll forget about it." Ngumiti sya sakin at inilahad ang kamay sa akin na tinanggap ko naman. Pagtataka ang nasa mukha ni Mrs. Flores ngunit hindi na nya kami inusisa tungkol doon. Ayoko namang masira agad ang tingin ko sa mga taga-South Crest dahil sa masamang ipinakita ng babaeng kasama nya kanina.

"Let bygones be bygones. I'm Lyxen Olivia. Pwede mo na lang akong tawaging Lyxen." Habang hawak nya ang kamay ko. 

"I insisted on letting you meet because the CREST Program is about to launch at the end of the festival. And you two, are in charge of it."

Gusto ko sanang magtanong kung bakit ako ang napili ng school gayong hindi naman ako ang president ng SC kundi si Cindy ngunit tila nabasa ni Mrs. Flores ang nasa isip ko.

"I personally recommended your name to the board officers for this project, Lyxen, because I know, only you can do this."

Wala na akong nagawa kundi ngumiti at isiping wala namang mangyayari kung hindi ko muna susubukan.

"I'll make sure you won't regret it, Maam."

Iniwan kami ni Mrs. Flores dahil titignan nya pa daw yung ibang booths kung sumunod sa guidelines ng school. Magiliw at mukha namang mabait si Alex, may humor kausap kaya't nalibang ako na kausap sya habang dumating naman sina Cindy at iba pang members ng Student Government ng North Crest. 

Umabot din kami ng isang oras sa pag-uusap tungkol sa mga darating na proyekto sa pagitan ng South at North Crest. Ayoko mang aminin, pero naging magaan ang takbo ng usapan namin dahil na rin kay Alex. Malalaman sa kanyang kilos at pananalita na galing sya sa buena familia, ngunit wala akong naririnig na kahit anong kayabangan sa pananalita nya. 

My Best Friend's Girl (JaDine)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon