Tri
Hindi nya ako pinapansin. Isang linggo na pero hindi nya pa rin ako kinikibo. Sumobra ba ako? Masama ba na unti-untiin ko yung nararamdaman ko para sa kanya? Isang beses. Isang beses akong sumubok pero eto yung nangyari. Ang ilap ng mata nya kapag sinusubukan ko syang kausapin. Talaga bang para sa kanya, wala lang ako?
Paikot-ikot ako sa kama ko at sinusubukan kong matulog. Ilang araw na akong ganito simula ng hindi nya ako kibuin. Nabastos ko ba sya?
You are one stupid asshole, Dimitri Marius! Damn.
Nasaktan ako sa sinabi nya noong kumain kami noong isang araw. Para bang nandiri sya sa akin at wala talagang posibilidad na maging kami. Ilang taon na kaming magkaklase, magkapitbahay at matalik na magkaibigan. Memoryado nya na lahat ng gusto at ayaw ko, pero bakit hindi nya ako makita bilang higit pa sa kaibigan? Bakit hindi nya ako makita bilang isang lalaki na kaya syang mahalin?
Natatandaan ko pa noong unang una ko syang nakilala...
Huminto ang kotse sa tapat ng isang modernong bahay. Di naman kalakihan, pero maganda ang estilo ng bahay.
Pababa na ako ng kotse, nasa likod ako, ng lingunin ako ni Papa na nasa manibela at hawakan ni Papa ang kamay ko.
"Baby, I'm sorry. This shouldn't have happened if I was there. Papa-". Hindi pa sya tapos magsalita ng buksan ko ang pintuan ng kotse at isinukbit ang backpack ko sa isang balikat. Wala siyang alam.
Ininda ko ang sakit na nagmumula sa balikat ko at dire diretsong naglakad papunta sa bago kong impyerno.
Papasok ako sa bahay may nakita akong batang babae na halos kaedad ko na sumisilip silip. Matabang pisngi, magandang mga mata at maiksing buhok ang ilan sa mga naka agaw ng pansin ko. Ngumiti sya sa akin habang kumakaway kaway pa, pero inismiran ko lang sya. Di ko kailangan ng kaibigan. Lalo na kung babae. Ngunit napahiya ako ng nakita ko sa gilid ng mga mata ko na nakaway si Drake, ang kuya ko na labing pitong taong gulang na.
Nang tinignan ko sya ulit, nakasimangot na sya sakin na para bang hinaharangan ko syang makita si Drake na mabilis na ikinainit agad ng ulo ko.
Nawala ang pagmumuni muni ko ng masaya akong inakbayan at dinaluhong ni Drake ng nakita nya akong palapit. Napaigik ako sa sakit ng naramdaman ko ang bigat ni Drake sa mga balikat ko. Nagtataka sya na tumingin sa akin, nagtatanong ang mga mata na ikinakulo pa ng dugo ko. Gaya ni Papa, wala din syang alam.
"How are you, D?" Tanong nya sa akin. Tinignan ko lang sya mula ulo hanggang paa bago sa pinakamalamig na boses, sumagot ako.
"Come on, Drake. Cut the shitty acting. I won't buy it." Lihim akong naguilty ng nakita ko ang pamumutla ng mukha nya. Hindi ko sya sinagot ng pabalang kahit kelan, dahil kahit papaano matanda sya sa akin ng apat na taon. Close naman kami dati ni Drake. Dati.
"Dimitri." Hindi ko namalayan na naandon pala sa tabi namin si Mama. Hindi kasi ako sanay na nakikita ko sila. Hahalikan sana nya ako ngunit iniwas ko ang mukha ko.
"How's Australia?" Nakagat nya ang mga labi nya ng dumulas ang salitang yon sa bibig nya. Para akong binuhusan ng malamig na tubig ng binanggit nya yon. Para bang ayaw nya talaga akong makasama.
"I'm sorry, honey. I didn't mean to --"
"I'm tired. Where's my room?" Sagot ko sa pinakamalamig na boses. Nakita ko ang sakit sa mga mata nila dahil sa pinapakita kong ugali, pero sa ngayon, wala akong ibang maramdaman kundi pamamanhid. Dahil din sa sakit na binigay nila sa akin. Wala silang alam sa nangyari sakin. Dahil pinabayaan nila ako.
BINABASA MO ANG
My Best Friend's Girl (JaDine)
FanficMula sa simpleng paboritong kulay hanggang sa mga pinaka personal na problema, halos kilala at memoryado na nila ang isa't isa, kaya ng magsimulang magkaron ng pagbabago sa pagkakaibigan nila ni Tri, sinubukan lahat ni Lyx para pigilan ang nararamda...