LYXEN
"I'm so delighted to announce na tayo ang top grosser last festival. Maganda ang naging feedbacks sa atin hindi lang ng buong campus, kundi pati ang mga taga-South Crest. I must give credit to all of you who worked hard to make this event a meaningful one. As you must know, all of our profits will directly proceed to charity. And as a token of appreciation, sa Fuego Island tayo magti-team building after ng examination." Naghiyawan ang buong klase sa sinabi ng class adviser namin. Bakit hindi? Kilala ang Fuego Island dahil sa magandang trekking place nito.
"Kindly tap Mr. Edwards please. Gusto kong marinig nya na ang pangalan nya ang pumuno sa Good Experience box ng campus natin. I'm hoping for an encore, Mr. Edwards." Tinignan ko si Tri na pupungas pungas pa dahil sa pagkakagising sa kanya. At base sa pagkakasimangot nito, wala na itong balak pang ulitin iyon. Alam kong napilitan lang naman si Tri na magparticipate dahil ako ang nag-organize ng naging entry theme namin.
Exam na naman. After ng festival, kailangan kong mag-aral para sa nalalapit namin na exam para sa unang quarter. Pagkatunog na pagkatunog ng bell, tanda ng pagtatapos ng lessons namin ay agad kong kinuha ang bag ko sa upuan para pumuntang library. Tama na muna ang pag-iisip tungkol sa amin ni Tri.
Kung may kailangan man akong patunayan, iyon ay ang hindi pagbaba ng mga marka ko kahit nawawala ako sa focus ngayon dahil sa buong araw kong pag-iisip kay Tri.
"Tara, dotA muna tayo. Sama natin si Lyxen." Narinig kong yaya ni Hunter kina Tri. Napakadalang kong makitang mag-aral si Tri kaya palaisipan para sa akin kung papaano nya napeperfect lahat ng scores namin sa mga exam. Tulad ngayon, natulog sya buong lessons namin pero na-ace nya yung surprise quiz sa amin.
Palabas na ako ng pinto ng may mabining humatak sa braso ko. At pamilyar na pamilyar ako sa kamay na yun.
"Where are you going?" Tanong sakin ni Tri, sukbit ang backpack sa isang balikat.
"Library." Tila ba nahihipnotismo ako sa mga mata nyang matiim na nakatitig sa akin.
"I'll come with you."
"Why?"
"Because you're there."
At sapat na iyon para mamula ang mukha ko. At alam kong nakikita nya kaya ngumiti sya sa akin. Oo. Ganoon kalakas ang dating ni Tri sa akin.
"Tamang-tama, Lyxen. Andyan ka na. Tara, dotA tayo nina Dexter sa computer shop. Kanina pa nangangati ang mga kamay ko eh. Kating-kati na maglaro." Sabi ni Hunter, ang mga mata ay nagpalipat-lipat sa kamay ni Tri at sa pagkakahawak sa braso ko kaya mabilis akong napapiksi.
"Pass muna ako. May hindi ako makuhang topic eh, aaralin ko muna sa library bago ako umuwi."
"I'll go with her." Nagulat ako sa sinabi ni Tri. At hindi lang ako, maging si Hunter rin. Tumatawa naman sina Dexter at Lance na tila may alam sa mga nangyayari sa amin ni Tri kahit hindi ko sabihin. Kahit magbestfriends kami ni Tri, ayaw na ayaw nitong napuntang library para mag-aral. Bukod na sa naaasar ito sa atensyong binibigay ng maraming babaeng estudyante, hindi rin ito komportable na may mga ibang tao. Marunong naman makihalubilo si Tri, ayaw lang talaga nito na nakukuyog ng mga tao. Sino naman ang may gusto diba?
"Traydor ka Tri! Aapak ka sa sagradong lugar na yon! Akala ko ba walang mag-aaral sa exam?" Pagmamaktol ni Hunter. Saktong dumaan naman si Cindy na tinignan si Hunter na parang insektong nakakadiri bago nakakalokong tumawa.
"Anong nakakatawa, Cindy?" Paghahamon ni Hunter.
"Kaya ka naman pala lowest palagi sa ranking sa klase, Hunter eh. Try mo rin mag-aral minsan, uso yun." Natatawang sabi ni Cindy na nakapagpapula sa mukha ni Hunter.
"Ako, Cindy. Hindi ako palaaral, pero kung mag-aaral ako, kaya kitang habulin sa ranking."
"Talaga ba? Parang gusto kong tumawa. You should try. Para naman machallenge akong kausap ka." Iniwan nito si Hunter na sobrang pikon na pikon.
"Makikita ng Cinduling na yon. Mag-aaral ako tapos ipapamukha ko sa kanya na kaya ko syang talunin." Ngayon ko lang nakitang inis na inis si Hunter kay Cindy. Nag-aasaran naman sila pero iba yung pamumula ng mukha ni Hunter ngayon.
"Tama na nga yan, Hunter. Tara dotA na lang tayo." Natatawang yaya ni Dexter kay Hunter.
"Ayoko! Uuwi na ako. Mag-aaral ako sa exam tapos papakainin ko ng alikabok yan si Cindy! Makikita nya. Makikita nyang talaga!" Nagdadabog na lumabas si Hunter palabas ng classroom.
"Maganda pala naidudulot ni Cindy kay Hunter. Napupwersa syang mag-aral." Komento ni Lance na ikinatawa ko ng husto.
*********
Hindi ako dapat na pumayag na sumama sa akin si Tri. Dahil mas nahihirapan ako mag aral ngayong katapat ko sya. Ni hindi nga ito nag-aaral dahil nakabukas ang laptop nito at sa paraan ng pagtipa nito sa keyboard, paniguradong nagdodotA ito. Hindi lang ito nasisita dahil nasa pinakasulok sila ng library kung kaya't nakatalikod ang laptop nito sa mga dumaraan. At sino ba nga naman ang magtatangkang sumita kay Dimitri Marius?
Kay sarap nitong pagmasdan. Parang modelo na sumungaw galing sa isang sikat na magazine. Nakakatawang pagmasdan ang mga malilit na bagay na mapupuna mo rito. Gaya ng pagkunot ng noo nito, ang mabilis na galaw ng mga daliri nito at ang pagtaas ng isang sulok ng labi nito.
"Tapos mo na ba akong pag aralan?" Tanong nito na muntikan ko ng ikahulog sa upuan ko. Nagtagpo ang mga mata namin ngunit ako ang nang bumawi.
"Napatingin lang ako." Naaasar ako sa sarili ko. Sobrang apektadong apektado ako sa simpleng ginagawa ni Tri. Samantalang napakakalmado ng composure nya.
Tiniklop nito ang laptop at tinabihan sya sa bakanteng upuan katabi nya. Tinignan ang notes nya at sinulatan ito.
"Look here, Lyx. Masyadong complex yung ginagawa mo kaya ka nalilito. Ito yung shortcut na version. At the end, same pa rin sila ng magiging results." Tinignan nya ang ginawa nito at namangha sya. Tama nga ito. Gumawa pa ito ng ilang samples para i-solve ko gamit ang tinuro nito sa akin. At madali ko naman itong nasagutan.
"Bakit di moko tinuturuan dati?" Natatawa nyang sabi rito.
"I tried but we ended up arguing because you told me that I should stop meddling with the way you study."
"I really did that?"
"You always have a bad temper. Sabi nga ni Tita Nanette para ka daw tigre na bagong panganak." Natatawang sinabi nito dahilan para mainis ako kaya kinagat ko sya sa braso dahilan para mapasigaw ito.
"Shhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!" Narinig kong saway sa amin ng librarian. Sinilip ko ang paligid, at nakita ko ang mga matatalim na matang nakatingin sa akin galing sa mga babaeng selos na selos sa akin.
Sanay naman na ako na kainisan ng mga babae kapag kausap ko si Tri. Sinusubukan pa nila akong i-harass pa minsan minsan pero hindi rin naman sila umubra. Kung malalaman ni Tri ang mga ginagawa nila, makakatikim sila ng famous death stare ni Tri. Sobrang protective ni Tri sa akin at alam kong hindi sya papayag na may manakit sa akin.
"What's with that?! Ang sakit, Lyx!" Reklamo nito na natatawa.
"Ikaw eh! Kapag hindi ka pa tumigil makakatikim ka talaga sa akin ng tadyak." Pananakot ko pa sa kanya na tila hindi naman umepekto.
"Are you done studying?" Tanong nito ng nakitang nakasarado na ang libro ko.
"Yes. Uwi na ba tayo?"
"Nope. We're gonna do something crazy. Follow me." At niyaya nya na ako palabas ng library.
___________________________
Huhuhuhuhu. Sobrang namiss ko to. :)

BINABASA MO ANG
My Best Friend's Girl (JaDine)
أدب الهواةMula sa simpleng paboritong kulay hanggang sa mga pinaka personal na problema, halos kilala at memoryado na nila ang isa't isa, kaya ng magsimulang magkaron ng pagbabago sa pagkakaibigan nila ni Tri, sinubukan lahat ni Lyx para pigilan ang nararamda...