Okay. Sobrang na-inspire ako sa rEVOLution concert ng Jadine kaya nagawa ko tong chapter na to. Enjoy! :)
Tri
Amused na amused ako sa mukha ni Lyxen habang tinitignan nya kung saan kami papunta. 2 oras na din akong nagdadrive, tinignan ko ang relo ko, 5:00 pa lang naman. Nagpaalam naman ako kay Tita Nanette na ihahatid ko pauwi si Lyxen, at dahil alam kong boto naman sa akin si Tita, madali naman syang sumang ayon. One of these days, magsasabi na ako kina Tita at Tito. Kahit ayaw pang pumayag ni Lyxen na ipaalam na nanliligaw ako sa kanya, hindi ko gustong nagtatago kina Tita Nanette at Tito Noah dahil itinuring ko na silang mga pangalawang magulang.
"Dimitri Marius. Saan ba talaga tayo papunta? Nakita ko yung isang sign, Batangas na ito ah." Linga pa ng linga si Lyxen sa bintana ng sasakyan ko na ikinatawa ko.
"Uh-huh."
"Anong uh-huh? Saan ba talaga tayo pupunta?"
"Chill, Lyx. Chill."
Mukha namang kumalma na ito kaya tumigil na sa ito sa kakatanong. Isang beses pa lang akong nakakapunta rito noong sinama ako ni Kuya Drake ng makuha nya ang driver's license nya. Hanggang sa nakita ko ang karatula na nakapaskil sa may puno. Dahan-dahan akong umikot at ipinasok ang sasakyan ko.
Gaya ng inaasahan ko, wala masyadong taong nagpupunta dito. Tinignan ko si Lyxen bago ngumiti sa kanya.
"We're here."
**********
"Kumain ka pa ng kumain. Kung nalaman ko ng maaga na paborito mo yung adobong manok, lagi na sana kitang ipinagluluto noon." Magiliw na sabi ni Tita Nanette habang kumakain ako sa dining area nila. Hindi ko napansin na napaparami pala ako ng kain dahil nagustuhan ko ang timpla ng luto ni Tita. Siguro ay nasabi ni Mama na madalang akong kumain sa bahay lalo na ng dumating si Daddy Gav. Naalala ko pa kung paano ko binalewala ang mga pasalubong nya sa amin, mga latest na gadgets at gaming consoles. Iniisip nya siguro na lahat madadaan nila sa pasalubong at mga regalo.
"Thank you." Tipid kong sabi sa kanya. Nagbabasketball ako sa court sa loob ng bahay namin ng tawagin ako ni Tita Nanette. Ilang linggo ko din syang hindi nakita dahil umuwi ito sa Samar para tignan ang kalagayan ng tatay nito, yun nga lang sumakto naman na binagyo ang Samar kung kayat nagtagal pa ito ng dalawang linggo roon. Sa ilang linggo na iyon, mas nakilala ko si Lyxen. Hindi na kami masyadong nag-aaway at aminado akong kapag wala sya ay hinahanap-hanap ko ang presensya nya. Minsan lang talaga ay may pagkamatabil ang bibig nito na sobrang ikinakainis ko. Sasabihin nito ang gusto nitong sabihin kahit masaktan man sya.
"Sinabi sa sakin ng Mama mo yung nangyari habang wala kami dito, Tri. At nagpapasalamat ako sa pagdamay mo kay Lyxen ng mga panahong wala kami. Wala rin naman kasing malapit na kaibigan si Lyxen, palibhasa kasi masyadong brusko kaya medyo ilag sa kanya yung mga kaklase nyong babae." May mga parte sa sinabi ni Tita na hindi ko masyadong naintindihan ngunit hindi nakaligtas sa pandinig ko na wala ring masyadong kaibigan si Lyxen.
Base kasi sa observation ko, masyadong strong ang personality ni Lyxen. Kapag free time namin sa PE, madalas syang nagbabasketball kasama ng mga lalaki naming kaklase. Hindi ito takot pawisan at makipagharagan sa mga kaklase naming lalaki. Ang lakas pa ng loob na hamunin ako, talo naman. Pero siguro, paraan nya yon para makahalubilo ako sa mga kaklase ko.
Naalala ko pa ng papasok kami ay niyaya ako ni Lyxen na maglaro ng counter strike na sobrang uso pa ng mga panahon na iyon. Naalala kong galit na galit ako noon dahil bago ako umalis ng bahay ay tumawag si Daddy Gav galing ibang bansa. Tinawag ako ni Mama na kausapin ko sya, ngunit dire-direcho akong lumabas ng bahay.

BINABASA MO ANG
My Best Friend's Girl (JaDine)
FanficMula sa simpleng paboritong kulay hanggang sa mga pinaka personal na problema, halos kilala at memoryado na nila ang isa't isa, kaya ng magsimulang magkaron ng pagbabago sa pagkakaibigan nila ni Tri, sinubukan lahat ni Lyx para pigilan ang nararamda...