ix

127 10 1
                                    

Di ako makapaniwala sa sinasabi ni Tri. Ang lakas lakas ng kabog ng dibdib ko at parang may milyong paru-paro na naglalaro sa kaibuturan ko. Hinawakan nya ang kamay ko at dahan-dahang inilapit sa mga labi nya.

"I'm not asking for you to answer immediately, Lyx. In fact, I don't want your answer right now. I want you to see me as a man you can fall in love with. Right now, all I wanted to do is for you to hear me out and give me a chance. Is that alright?" Ramdam na ramdam ko ang panginginig ng boses nya sa kaba.

Di ko alam kung totoo ba lahat ng naririnig ko galing kay Tri. Si Tri na akala ko ay kaibigan lang ang tingin sa akin.

Tumingin ako sa mga mata ni Tri. Sa mga mata ng kaibigan kong hindi na kaibigan ang tingin ko, kundi mas higit pa. Ngunit nalilito ako, pagmamahal na ba ang nararamdaman ko sa kanya?

"Hey, I'm here...confessing and everything, while you're there spacing out? Do I need to be worried?" Ang cute cute ni Tri kapag ninenerbyos sya. At gusto kong ako lang ang makakita ng mukha nyang yon.

"Kelan pa?"

"I don't know. Matagal na? Maybe when I hugged you after you fell on my bike when were younger? You never noticed it, right?"

"Bakit?" Di ko maipaliwanag at di ko maitago ang ngiti ko sa kanya na ginantihan nya rin ng matamis na ngiti. Para kaming baliw na nagngingitian ng walang dahilan sa tabi ng daan.

"There's no reason in falling in love with you, remember that. It's just natural, like breathing to exist."

Pakiramdam ko ang haba ng buhok ko sa mga sagot sakin ni Tri. Parang nahuhulog ako sa Eiffel Tower na walang hanggan ang babagsakan.

Ngumiti ako sa kanya bilang tugon at niyakap sya ng mahigpit. Di ko kailangan magmadaling sumagot, dahil alam kong nasa tabi ko si Tri. Naramdaman ko ang mabining halik ni Tri sa buhok ko at di ko maiwasan na hindi kiligin at sa pagganti nya sa yakap ko.

"Aantayin mo ba ako?" Tanong ko sa kanya.

"Take all the time you need." At sa pagkakasabi nyang yon, halos namatay na ako sa kilig.

****************

Alas dos na ng madaling araw pero di pa rin ako makatulog. Parang palabas lang na paulit-ulit na nagrereplay sa isip ko ang nangyari kanina. Pagkahatid sakin ni Tri sa amin, di na ako nakakain. Dire-diretso nalang akong pumanik sa taas at inirason ko na lang na marami pa akong tatapusin. Buti na lang at di na nagtanong sina mama at papa.

Iniisip kaya ako ni Tri? Ayoko naman sya itext, baka sabihin nya na napaka atat ko na makausap sya. Naisip ko na lang na buksan ang ilaw ng ng kwarto ko at simulang magpinta. Di ko alam kung ano ang ipinipinta ko, basta parang may sariling isip ang kamay ko na kumukumpas na lang at nagsasabog ng mga kulay. Kahit pagod na pagod ako sa buong maghapon na pagpipinta sa school, parang may enerhiya pa ang mga kamay ko na magpinta sa bahay.

Tumunog ang phone ko kaya pinahid ko ang kamay ko sa basahan malapit sa lamesa ko bago ko damputin ang phone ko. At agad na napalundag ang puso ko ng mabasa kung sino ang nagtext sa akin.

Tri: U should sleep now. :) i don't want you getting sick because u think too much about me. Dream of me, will you?

Lyx: so, gising ka pa din?

Tri: hmmm. Sorry. Can't help but to think about this oh-so-gorgeous lady.

Lyx: uh-huh. I bet she's pretty.

Tri: nah. Pretty is an understatement. :))))

Lyx: she's a lucky girl...

Tri: you think so? I think otherwise. I'm the lucky one...because i got the chance to meet her. So, what are you painting?

My Best Friend's Girl (JaDine)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon