Lunes.
Nasa classroom kami ngayon, inaantay ang first period ng klase. Sa unahan ako nakaupo, samantalang nasa may bandang likuran naman si Tri kasama sina Hunter, Dex at Lance. Hinanap sya ng mata ko at nakita ko syang natutulog sa upuan nya samantalang si Hunter naman ay inaasar ang katabi kong si Cindy.
"Cindy, maganda ka sana eh, kung di lang ako nakakakita." Pang-aasar ni Hunter. Ewan ko ba, pero paboritong asarin ni Hunter si Cindy, siguro dahil lumalaban din si Cindy sa pang aasar ni Hunter, di gaya ng iba na yuyuko at tatahimik na lang.
"Nagsalita ka na naman, Hunter. Kausapin mo na lang ako kapag nakakuha ka kahit kalahati lang ng grades ko." Kagaya ko at kay Tri, straight A student din si Cindy, yun nga lang ang kaibahan, matalino talaga si Tri, di gaya namin ni Cindy na may pagka bookish.
"Napakayabang mo talaga, Cindy! Sabi na nga sayo na surprise quiz yung nangyari kaya ako bumagsak eh!"
"Ganyan din sinagot mo sakin last week. Di ka ba nag-aaral araw-araw?" Nakaupo si Cindy habang nakataas ang kilay kay Hunter.
"Yan ang problema sayo, Cindy eh. Wala kang bilib sakin. Sa grupo namin nina Tri, ako ang pinakamagaling!"
"Aber. Saan ka naman magaling? Sa pagmamagaling?"
Nagpapalipat lipat lang ang tingin ko sa kanila. Para silang bata na nagdedebate sa wala namang katuturan na bagay.
"Sobra ka na Cindy, ha! Kung di ka lang-"
Di na natapos ni Hunter ang sasabihin nya ng dumating si Mrs. Servilloso, ang class adviser namin. Bumati kami lahat pwera lang kay Tri na natutulog pa din.
"Nangingibabaw na naman ang boses mo, Mr. Barbosa. Pero kapag nagtatawag ako regarding class matters, ikaw ang pinakatahimik sa lahat."
Tumawa ng malakas si Cindy habang nakangiwi naman si Hunter. Sigurado akong gaganti mamaya si Hunter kay Cindy ng asar.
"Kindly tap Mr. Edwards shoulder, please? Masyadong kumportable sa classroom, dapat yata dinalhan ko pa sya ng kumot at unan."
Tinapik ni Dexter si Tri dahilan para magising ito. Napapailing naman si Mrs. Servilloso habang tinitignan ang dalawang pasaway nyang estudyante.
"Class. The reason I was late today was because I attended the teacher's meeting. Di naman sa inyo lihim na may di pagkakaunawaan between North Crest and South Crest, ang sister school natin."
Ang Crest Integrated International ay nahahati sa dalawa, ang North at ang South. Pinamumunuan ito ng dalawang magkapatid, ngunit ng nagkaroon ng di pagkakaintindihan ang dalawa, nagsimula na din magkaron ng lamat sa pagitan ng dalawang paaralan. Nakilala ang North dahil sa kalidad na pagtuturo at pangunguna sa mga rankings ng school sa buong bansa samantalang nakilala ang South sa world class facilities at dahil mga anak ng may mga sinasabi sa lipunan ang napasok dito.
"Nagkaroon ng program sa pagitan natin at ng Southcrest. Magkakaroon tayo ng C.R.E.S.T. Program, o sa pinahabang tawag, CRest Exchange STudent Program."
Natakot ako sa sinasabi ni Mrs. Servilloso. Alam ng lahat ang mapanuring tingin at trato ng mga taga South sa North.
Kung sino man ang mapupunta sa Southcrest ay tiyak na kawawa sa magiging classmates nya don. Kahit pa sabihin na temporary lang ang mangyayari, magiging outcast kung sino man yon.
"Ma'am, parang mahirap naman po yun. Alam naman ng lahat na snob yung mga taga South Crest eh." Reklamo ng isa kong classmate.
"Saka para nyo naman kaming ipinakain non sa leon! Di naman pwede yung ganon, Ma'am!" Segunda pa ng isa.

BINABASA MO ANG
My Best Friend's Girl (JaDine)
FanficMula sa simpleng paboritong kulay hanggang sa mga pinaka personal na problema, halos kilala at memoryado na nila ang isa't isa, kaya ng magsimulang magkaron ng pagbabago sa pagkakaibigan nila ni Tri, sinubukan lahat ni Lyx para pigilan ang nararamda...