Lyxen
Umupo ako sa unahang bahagi ng classroom katabi si Candy. Nag-aayos ako ng mga gamit ko ng lumapit sya sa akin at ngumiti ng alanganin.
"Friend." Tawag nya sa akin na agad ko namang pinansin.
"Bakit, Candy?"
"May tatanong ako. Sana sagutin mo ng maayos, ha? Magkaaway ba kayo ni Tri? Napapansin ko na kasing ilang araw na kayong di nagkikibuan eh."
Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko kay Candy. Para sa akin, masyadong personal ang nangyari samin ni Tri para ikwento ko. Kahit pa malapit na kaibigan ko rin naman sya.
Kaya ako umiiwas sa mga nagtatanong katulad nina Mama at ni Candy ay dahil ayokong malaman nila ang totoo. Dahil ayokong sumama ang tingin nila kay Tri. Dahil paniguradong ako din ang masasaktan kapag may iba silang inisip kay Tri, bagay na di ko gugustuhing mangyari kahit pa magkaaway kami.
"Wala naman. Sobrang petty para maging away."
Napangiti sya sa akin at hinatak nya ang upuan ko palapit sa kanya. Hinawakan nya pa ang kamay ko na ikinagulat ko.
"Okay. So, walang problema, ha? Kayo kasi yung sinuggest ko kay Ma'am na maghandle ng para sa school exhibition ng section natin sa Wednesday hanggang Friday."
Napatayo ako sa upuan ko sa sobrang inis ko kay Candy na ikinatingin samin ng mga kaklase namin. Di naman porket president sya ay hindi nya muna ako tatanungin kung papayag ako o hindi. May Pluma ako na inaasikaso dagdag pa yung mga projects namin. At sa Wednesday na gaganapin yon. Dalawang araw mula ngayon! Anong ideya pa ang papasok sa utak ko ng dalawang araw?!
Bukod pa don, ang isipin na magsosolo kami ni Tri ang labis na bumabagabag sa akin.
"Ayoko, Candy." Sabi ko sa malamig na boses. Pinipilit kong maging mahinahon dahil kaibigan ko sya, ngunit kung ibang tao sya, malamang na mabulyawan ko sya ng todo.
"H-ha? A-akala ko ba okay kayo ni Tri?" Nakonsensya ako sa panginginig ng boses ni Candy pero ipinasa nya na lang sakin basta ang responsibilidad na dapat ay pasan naming dalawa bilang president at vice president ng klase.
"Hindi yon ang problema, Cands. Gahol na sa oras, Candy. Dalawang tao ang maghahandle para sa buong klase? Hindi namin kaya ni Tri yon. At yung totoo, kelan mo pa nalaman ang about sa exhibition ng klase?" Hinila nya ako sa kamay para umupo at hininaan ang boses.
"Last week pa. Nawala sa loob ko na sabihin. Lyx. I'm so sorry." Kumulo ang dugo ko ng sabihin nyang last week nya pa alam. Kaya pala yung ibang section kung anu-ano ang ginagawa bago kami walang kaalam-alam.
"Please, Lyxen. Kahit ngayon lang. Inassign na ako na mag organize para sa C.R.E.S.T assembly program. Malaking bahagi nito ang mapupunta sa scholarship ko. Alam mong kailangan ko yun, Lyxen. Please." Nangilid ang luha ni Candy at bago pa ako makapagdalawang isip ay tumango na ako sa kanya.
Bunso sa apat na magkakapatid na pulos lalaki at dalawang babae si Candy. Actually, hindi sya tunay na anak dahil inampon lang sya ng napakababait na mag-asawang itinuturing nyang magulang ngayon. Medyo hindi sila magkasundo ng pangatlo sa pinakamatanda, o ang nag-iisa nyang ate, dahil pinagseselosan sya nito sa atensyon at pagmamahal na hindi nya naman daw karapatan.
Kaya pinagbubutihan maigi ni Candy ang pag-aaral, dahil sa puso nya, kung makikita ng ate nya ang paghihirap nya, baka matanggap na sya nito bilang kapatid.
Kaya sa ranking ng pinakamatatalino sa senior, number 2 sya na pinangunahan ni Dimitri at pangatlo naman ako.
Kung titignan, nakakagulat na si Tri ang nangunguna sa klase dahil hindi naman sya competitive at pala-basa ng husto. Katunayan, kapag kagaling nya sa school, mangungulit muna yan sa bahay bago kumain, maligo, magcomputer ng magdamag at matulog. Pero magaling sya mag-analyze at mag-retain ng mga tinuturo ng mga teacher.

BINABASA MO ANG
My Best Friend's Girl (JaDine)
FanfictionMula sa simpleng paboritong kulay hanggang sa mga pinaka personal na problema, halos kilala at memoryado na nila ang isa't isa, kaya ng magsimulang magkaron ng pagbabago sa pagkakaibigan nila ni Tri, sinubukan lahat ni Lyx para pigilan ang nararamda...