Skyla's POV
Hindi ko namamalayan kanina pa pala ako nakatulala.
Ganito pala ang pakiramdam ng nakatira ng katol este nakaharap ang mga malaadonis at nag gagwapuhang lalaki. Oo na gwapo na.
Bumalik nalang ako sa katotohanan ng batukan ako ni Ashley.
"Yung totoo nakatira ka ba ng katol?" sabi ni Ashley na may pagkainis sa mukha. Harsh talaga ng babaeng to.
"Aray!" Sabi ni Ashley. Binatukan ko nga din. Hahaha Tapos tumawa sina Bianca at Hannah. Mga sira talaga.
"Kanina pa kami imik ng imik dito tapos ikaw lutang na lutang?" Pagsesermon naman ni Hannah na may halong pagkainis sa mukha nya.
"Oo nga kanina ka pa nakatulala." Sabi naman ni Bianca sabay irap. Arte netong mga to. Dukitin ko mata mo eh.
"Alam nyo gumagana na naman yang mga GMRC nyo." Sabi ko sa kanila habang nakangiti ng nakakaloko.
"GMRC?" Sabay-sabay nilang tanong sakin.
"German Machine-gun Ratatat Combat." Sabi ko habang tumawa ng tumawa. Waley.
Tinignan lang nila ako ng masama at biglang nagpokerface. Mga walang hiya talaga.
"Sobrang ingay nyo kasi sermon kayo ng sermon daig nyo pa ang nanay ko." Sabi ko sa kanila.
Tapos di na nila pinansin yung mga sinabi ko. Tapos tuloy tuloy na naman ang pagsasalita nila. Nakakabingi.
"Nabibwisit talaga ako dun sa isang lalaki na yun. Masyadong feeler." Sabi ni Ashley.
"Pero wag mong ikaila gwapo naman talaga yung apat na yun." Sabi naman ni Bianca. Basta gwapo magaling talaga yan si Bianca.
"Oo nga." Naki oo na lang si Hannah.
Kita nyo di lang ako ang nagwapuhan sa INFINITY na yun sila din.
Shete. Totoo naman eh.
"Pero mahahangin." Sabi ni Ashley.
"Oo nga, agree ako dun Ash." Sabi ko naman.
"Pero back to topic napano ka kanina at tulala ka. Hahaha!" Sabi ni Biance Lokaloka talaga to di ako tatantanan eh.
Tinignan ko sila. Iniintay ang mga sasabihin. Grabe inaabangan talaga ang bawat sasabihin ko.
Sinamaan ko sila ng tingin. Please makuha kayo sa tingin. Pero nakipagsamaan lang sila ng tingin.
"Ganto kasi yan, Ahmm." "Ano--" Sabi ng biglang pinutol ni Hannah yung sasabihin ko.
"Ano?!!" Hahaha. galit na eh, umuusok na ang ilong.
"Girls, ganto kasi talaga. Alam nyo late na tayo dahil may klase pa tayo!" Sabi ko sa kanila ng nakangiti. Habang sila ang lalaki ng mata. Hahaha. Best faces ever.
Nauna na kong tumakbo. Hahaha
Bahala kayo. Ang chichismosa nyo kasi.
-
At Room
Halos pawisan na kaming nakarating sa room.
Grabe naman kasi talagang pinahihirapan, ang mga dyosang kagaya namin.
Room 303. 3rd floor pa yanung taas ng hagdang inakyat namin.
Late na kami neto.
"Oh mga miss first day na first day late na agad kayo?" kung sineswerte nga naman terror kagad ang teacher namin. WTH.
"Sorry po mam. Di na po talaga mauulit." Sabay-sabay naming sagot sa teacher na terror. Nagkatinginan kaming apat habang nakangiti.
"Pinagtatawanan nyo ba ako?" Sabi ni terror.
BINABASA MO ANG
Heartless
Teen FictionSi Marco Jung ay kilala bilang isang vocalista ng isang banda na nagngangalang INFINITY. Marami pa rin ang hindi nakakaalam kung ano ba ang meron sa nakaraan niya kung bakit siya sobrang sungit na akala mo ay may period, misteryoso na maraming tinat...