Chapter 18 - Friends?

21 0 0
                                    

Skyla's POV

Halos hindi ako makagalaw dahil sa sinabi niyang yon. All this time I think were already friends. Hindi pa pala. Ang hirap pala pumasok sa buhay niya. Ang hirap palang pumasok sa mundo niya, dahil siya mismo ang ayaw magpapasok sakin.

"I thought..."

Hindi na niya pinatapos pa ang sasabihin ko. "You thought what?" He coldly said.

"I thought were already friends..." Medyo humahapdi na rin ang mga mata ko. Shiz. Skyla. Wag kang luluha sa harap niya.

He chuckled and show me his famous ngisi. "Friends? Hindi ko na kailangan nun dahil meron na ako nun."

Grabe lang talaga. Hindi ko na talaga maintindihan ang ugali niya, may sakit ba siyang bipolar. Napatingala na lang ako dahil sa mga luhang nababadyang tumula galing sa mga mata ko.

Tumawa nalang ako bahagya para hindi niya mapansin ang mga mata ko. "Fine. You don't need me as your friend. As bestfriend nalang! Wag mong sabihing marami ka na ring bestfriend?" Oo, nonsense na kung nonsense. I just want to be closer to him. Masama na ba yun? Lumalala na 'tong feelings ko.

Napailing na lang siya sa mga pinagsasabi ko. "Alam mo, Skyla. Ang kulit kulit mo. Bakit ba sobrang kulit mo? At ako pa talaga ang napili mong kulitin?"

"Gusto kasi kita!" I shouted into his face without even thinking. I never imagined that I 'll be the one who's confessing first.

Nanlaki naman ang mga mata niya na parang nagulat dahil sa mga pinagsasabi ko sa kanya nang deretso at walang kakaba kaba.

Napahawak ako sa bibig ko at napaiwas ng tingin. "I mean.. gusto kasi kitang kulitin. Kasi ang sungit sungit mo at gusto kong nakikita kang nagsusungit." Nakangiti kong palusot. Bad mouth. Mapapaamin ng wala sa oras.

"You mean, you like me?" Humakbang siya papalapit sakin.

"Hindi." Umurong ako ng konti.

"Anong hindi, I clearly heard it!" He shouted at my face. He stepped closer.

"Mali ka lang ng pagkakaintindi." Pilit na pangangatwiran ko sa kanya. Umurong ulit ako ng isa pa papalayo sa kanya.

"I'm not deaf!" Pagpupumilit niya pa. He stepped closer again and he wrapped his arms around my waist.

"Say it again!"

"Say what?"

"That, you like me!" Nakatingin lang kami sa isa't isa dahil hindi ko na talaga alam ang isasagot ko sa kanya.

"Mali ka nga lang ng pagkakadinig e." Niloloko ko din ang sarili sa ginagawa kong 'to. Halos hindi na ako makahinga dahil sa sobrang lapit niya sakin.

"Hindi nga sabi ako bingi!" Namumula na yung mukha niya na anytime magbubuga na siya ng apoy.

Huminga ako ng malalim. "Okay. Ano naman ang gagawin mo if ever nga na gusto kita?" I gave him my sweetest smile. Nakita ko sa ekspresyon nya na hindi niya makuha ang tamang salita na sasabihin niya sakin ngayon.

"Skyla, Marco? What happened?" I heard Bianca shouted at us.
  
"Marco! Sabi ko na nga ba may tama ka na dyan kay Skyla e. Grabe ka kung makapulupot e." Natatawang sabi ni Bryan. Kahit kelan talaga 'to.

Napabitaw na lang si Marco sa waist ko. That was intense. Hindi ko na talaga alam ang gagawin. Saved by the bell. Bago pa siya makasagot sa tanong ko. Nakita ko lang sa kanila ang gulat at di makapaniwala na naabutan nila kaming na ganun ang posisyon.

"I just want Marco and I to be friends but he don't want to." I immediately explained my side to them.

"You two just want to be friends? Pero mukha na kayong lovers dahil sa sobrang lapit nyo sa isa't isa!" Agad na banat sakin ni Ashley na medyo pasigaw na hindi man lang ata siya aware. Wala talagang filterang bibig nito, pag gusto niyang sabihin. Sasabihin niya talaga.

Napatungo na lang ako dahil sa sinabi ni Ashley sakin.

"Alam ko na, ayaw niya kasing just friends lang kayo!" Sabi naman ni Kenzo na tumatawa pa habang nakaakbay kay Caleb.

"Meron na daw kasi siyang friends, eh, sa nakikita ko kayong tatlo lang naman ang friends niya. Gasinu na kung dumagdag ako di ba? Kaya I offered to him na bestfriends na lang kami." Ngiting paliwanag ko sa kanya. Napahalahak ng malakas si Bryan. Baliw talaga at agad ding nagtawanan ang iba.

"Kung pag usapan nyo ako parang wala ako dito ah." Sabi nalang ni Marco. Bigla naman tumahimik sila Bryan. Pero agad na namang bumanat ng kalokohan niya.

"Skyla, he don't want you two to be just friends or just bestfriends. He wants to be your boyfriend!" Natatawang sabi na naman ni Bryan. Baliw talaga.

"Bryan Choi! Can I punch your face for that?" Sabi ni Marco kay Bryan at binangga niya ang balikat nito at lumakad na papalayo.

"I'm just kidding man! You're so serious. Chillax lang!" Sigaw niya kay Marco na umalis na at hindi na kami pinansin pa.

"Kahit kailan, pikon talaga ang isang yun!" Sabi ni Caleb na natatawa.

"Hindi lang sanay yun na may nakikipagkaibigan sa kanyang babae and that is because of his past maybe." Naagaw naman ng attensyon ko yung sinabi ni Kenzo. 'And that is because of his past'.

Almost, 2 weeks had passed. I always tells him to become my friend. He always rejects my offer. Friends lang naman ayaw niya pang ibigay.

Everytime na makakasalubong ko si Marco ay agad ko siyang babatiin. Bilang ganti niya hindi manlang ako papansinin na parang hangin lang ako sa twing magkakasalubong kami. Ano bang nagawa ko sa kanya? 

Bakit ba ang heartless niya? He don't even know how to consider the feelings of others. Pero eto ako pinipilit na maging friends kami.

Ganun na ba ako kapathetic sa harapan niya? Desperate?

Speaking of the devil, one last try. I'll try my best para maging magkaibigan kami. Pag ayaw parin niya.

Sumuko ka na, Skyla. Wala namang masama sumuko, kung alam mo naman na wala talagang pag-asa. Dahil ikaw lang din naman sa huli ang mukhang kawawa.

"Marco Rafael Jung!" Hingal na hingal na naman ako sa kakahabol sa kanya. Tumigil ako nang nasa harap na niya ako.

Nakakunot na naman ang kanyang noo. Habang nakapamulsa ang kaliwa niyang kamay at nagtataka kung bakit ko siya hinaharangan.

"What?"

"I just want the two of us to become friends, yun lang naman. Bakit ba ayaw na ayaw mo sakin?"

"Paulit-ulit nalang ba? Sinabi ko na sayo ang dahilan hindi ba? May mga kaibigan na ako at hindi na kita kailangan pa." Walang kaemo-emosyong sabi niya na nakatitig lang sa mga mata ko. 'Hindi na kita kailangan pa.'

"Yun lang ba talaga o may iba pang dahilan na pumipigil sayong makipagkaibigan sakin? Kasi kung yun lang, parang ang sobrang babaw naman." Tinatagan ko ang sarili ko. Ayan nakuha mo, Skyla. Wag mo na kasi ipilit pa.

"Ano ba ang hindi mo maintindihan dun? Hindi nga kita kailangan at kung may iba pa akong rason. Wala ka na siguro dun." Sobrang sakit ng mga salita niya. Walang hinay hinay, deretso kung deretso. Bakit ganun, palagi kong ipinipilit ang sarili ko sa kanya. Ayan na nga oh. Malinaw na, AYAW NIYA SAYO, SKYLA. KAYA TIGILAN MO NA.

"Okay, if that's what you want. I just want to be your friend but you didn't give in because you're so selfish."

Ngumiti ako at huminga ng malalim para pigilan ang mga luhang nagbabadyang tumulo mula saking mata. Tinignan ko muli siya at nakita ko ang pagtagis ng kanyang bagang.

Sinalubong niya ako at nilampasan na parang hangin,  parang walang nangyari at parang walang narinig. 

May narinig pa akong huling sinabi niya. "Ang ayoko sa lahat yung pahara-hara sa dinadaanan ko."

Ang tigas din kasi talaga ng ulo mo, Skyla. Sana noong una palang alam mo na. Ayaw niya sayo. Ayaw niya nang pahara hara sa daan. Ayaw niya ng makulit at maingay. Higit sa lahat ayaw niya sayo bilang kahit kaibigan man lang. Ayaw niya sa buong existence mo! Kaya tumigil ka na sa pagpapapansin mo sa kanya!

HeartlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon