Chapter 21 - Here

14 0 0
                                    

Skyla's POV

I don't know, kung bakit bigla na lang niyang natanong ang mga bagay na yun. Bakit nga ba? Hindi ko din alam. Baliw na talaga ako. Alam ko naman sa sarili kong gusto ko siya. Pero hinding hindi ko sasabihin sa kanya yun ng directly. Ayoko ng ganun. Hindi pwedeng ako ang magtatapat sa kanya. Kahit ba modern na ngayon. Wala akong paki, basta hindi ko sasabihin ang mga bagay na yun sa kanya.

Napahalakhak na lang ako sa mga tanong niya. "Bakit? Tinatanong mo talaga ako kung bakit? Seryoso ka ba dyan sa tanong mo?"

Tinignan naman niya ako ng seryoso na makikita mo sa expression niya na hindi siya nakikipagbiruan. "Kailan ba ako hindi naging seryoso?" Natawa naman ulit ako. Oo nga pala lagi siyang seryoso. Psh.

"Sa totoo lang hindi ko din alam. Hindi ko talaga alam kung bakit. Ang gusto ko lang naman maging magkaibigan tayo. I felt that you need a friend that can listen about your problems or whatsoever issues at handa akong maging kaibigan mo." Nginitian ko siya ng genuine. Nakita ko naman ang gulat sa kanyang mga mata na parang hindi siya makapaniwala.

"Okay lang kung ayaw mo, hindi naman kita pipilitin kaya nga lumayo na'ko sayo. Kasi ayaw mo sakin diba? Ayaw mo akong maging kaibigan." Ngumiti uli ako ng pilit. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko kung bakit ko nasasabi sa kanya ang mga bagay na'to. I can't believe it.

Hindi ko na lang siya tinignan pa at nagsimula na akong kumain. "Kumain ka na din. Mas masarap ang lugaw kapag mainit pa." Nilingon ko siya na kasalukuyang pinapanuod ako habang kumakain. "Hoy, ano ka ba okay lang sakin kung ayaw mo talaga akong maging kaibigan. Okay lang talaga. Kaya kumain ka na diyan."

Maya-maya lang din nagsimula na siyang kumain. Mabuti naman, akala ko tatanggihan din niya ang offer kong pagkain sa kanya.

"Masarap, diba? Sabi ko naman sayo masarap ang mga pagkain dito. Mga minsan akitin mo ang mga kaibigan mo dito, sigurado akong matutuwa ang mga yun." Natapos na kaming kumain kaya nagsalita na ako, ang awkward kaya dahil walang umiimik saming dalawa kanina.

Lumapit na yung waiter para kunin ang mga bayad namin. Kukuha na dapat ako sa wallet ko ng pera nang biglang naglabas si Marco ng 1000 bill at iniabot sa waiter at hindi na niya kinuha pa yung sukli.

"Hindi ko pinagbabayad ang babae kapag ako ang kasama nila kumain. Insulto kasi sakin yun." Bakit ilang babae na ba ang nakasama niyang kumain? Ano bang paki mo, Skyla?

Inirapan ko na lang siya. Napatingin naman ako sa waiter na nakatayo pa rin sa harapan namin. May ipinatong siyang keychain sa lamesa. Kulay pink and blue, hugis bowl na lalagyan ng lugaw. Nakalagay din dun ang mga katagang "Lugawan para sa mga taong iniwan." Infairness, effort pa sila dun. Nagbibigay daw talaga sila ng free souvenirs sa mga costumers nila at kami daw ang napili nilang bigyan.

"Thanks, kuya." Nakangiti ako sa kay kuya habang nagpapasalamat.

"You're always welcome. Maam, Sir. Balik po ulit kayo." Sabi niya nang may ngiti sa kanyang mga labi. May itinuro siyang bulletin board sa may pinakang-gitna na tadtad na ng sulat doon. "Pwede po kayong magsulat doon tungkol sa mga hinanakit nyo sa taong nang-iwan sa inyo gamit ang bulletin board na 'yun at naniniwala kami na nakakapagpabawas ng sama ng loob ang pagsusulat. Although, wala namang mangyayari pero atleast may napaglabasan kayo ng mga gusto niyong sabihin sa taong nang-iwan sa inyo."

Parang binuhusan ako ng isang timbang tubig na punung-puno ng yelo. Hindi ko alam kung ano ba itong nararamdaman ko. Ang alam ko lang parang naninikip ang dibdib ko at nasasaktan ako. Nararamdaman kong nag-iinit na ang mga mata ko na anytime ay kusang lalabas dito ang mga luhang nagbabadya. "Excuse me." Agad kong tinahak ang papuntang comfort room kung saan maglalabas ako ng saloobin ko. Hindi ko namalayan na tuluyan na palang nagsitakasan ang mga luha kong kanina pa nagbabadya.

HeartlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon