Chapter 13 - Mood

30 2 2
                                    

Caleb's POV

Nakatingin ako sa mukha ni Hannah. Hindi ko maitatanggi na ang ganda ganda niya.

"Pwede ba akong manligaw?--"

Ring...

Hindi ko na naituloy yung sasabihin ko kay Hannah. I looked at my phone. It's my mom and I answer her call.

Mom: Son, where are you? Please go home. Miss ka na ng mama mo.

Caleb: Nasa mall ako. Okay, papunta na ako.

Mom: I love you, my son.

Caleb: I love you too, Mom.

I ended the call. Nakakahiya tuloy kay Hannah. Napakamot tuloy ako sa ulo ko.

Hinahanap na pala ako nanay ko. Palibhasa kasi solo niya akong anak. Kaya isang tawag niya lang sakin, pumunta kaagad ako sa kanya.

Nung tumingin ako kay Hannah, sobrang pula ng mukha niya habang nakayuko.

''Ahm. Hannah, hatid na kita.'' Sabi ko at bahagya siya napatingin sa akin pero iniwas din niya agad.

''A-ano wag na, may pupuntahan pa pala ako. Tsaka, may kailangan ka pa atang puntahan. Sige alis ka na. Okay lang ako.'' Bakit hindi pa rin siya natingin sa akin?

"Hindi. Okay lang hatid na kita sa pupuntahan mo.''

''No. Malapit lang naman eh. Sige alis na ako.'' Sabi niya nang hindi pa rin tumitingin sakin. After that agad siyang nagtatakbo palabas na parking lot.

Tinawag ko ang pangalan niya pero hindi pa rin niya ako nilingon.

Pumasok na ako sa driver's seat at uuwi na ako. Hindi ko mapigilang mapangiti sa nangyari sa akin this day.

Hannah, What's your problem?

Pinilit ko alalahanin yung huli kong sinabi before nung call sa akin ni Mom. Napapalo na lang ako sa manibela nung marealize ko kung ano yung sinabi ko. WTH.

Hindi dapat yun ang sasabihin ko.

-

Hannah's POV

Nakahalumbaba ako habang nakatingin sa bintana ng room.

Bakit ba ganun ang parents ko sakin. Hindi nila nakikita yung mga achievements ko sa school dati simula elementary hanggang ngayon. Hindi ko pinapabayaan ang pag-aaral ko para naman maging proud sila sa akin.

Ang gusto ko lang naman maging proud sila sa akin eh. Ni hindi ko man lang sila nakita pag may awards ako, as in hindi sila naattend. Noong graduation ko pumunta nga sila pero umalis din naman kaagad.

Oo, naaapreciate ko naman lahat ng material things na meron ako pero mas gusto ko yung attention and time nila.

Noong last time, inakit ko sila Mommy at Daddy na magbonding man lang kami kahit isang araw lang. Pinagalitan pa nila ako, wag daw puro walang kwentang bagay ang isipin ko mag-aral daw akong mabuti. Ang sweet diba?

Ilang araw na rin ang lumipas simula nung nangyari sa mall. Isa ko pa din isipin yang si Caleb eh. Hindi ko talaga inaasahan yung sinabi niya sakin.

Is he really serious about that?

"Pwede ba akong manligaw?"

Paulit- ulit na nagfaflashed sa isipan ko kung gaano siya kaseryoso that time habang sinasabi niya yun.

"Pwede ba akong manligaw?"

"Pwede ba akong manligaw?"

Pumikit ako. Pinipilit kong alisin siya sa isip ko. "Aaahh..." Napasigaw na nalang ako sa kawalan.

HeartlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon