Chapter 6 - Trouble

50 2 1
                                    

Bianca's POV

Nakaearphone ako habang naghihintay sa tatlong yun. Saan na kaya nagsusuot yung mga yun.

Baka natabunan na ng C.R. ang mga yun, sabay sabay ba naman.

Ikaw na ba si Mr. Right?

Ano ba naman yan? Hindi ko akalaing may ganitong klaseng kakorni akong kanta sa phone.

Ikaw na ba ang love of my life..

Tapos biglang tumigil ang mundo ko. Unti-unting lumalapit sakin si Kenzo.

Sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko.

Ngumiti sya. Hindi ako makahinga. Hindi na makita yung mga mata niya.

Shete. I don't know what to do?

"Ouchhh!" Sabi ni Kenzo. Sobrang lapit kasi ng mukha nya. Hineadbat ko tuloy siya. Hayyy nako. Ang bopols mo talaga Bianca kahit kailan.

Tinanggal ko yung earphone ko sa tainga ko. 

"Sorry, hindi ko sinasadya nabigla lang ako." Akmang hahawakan ko na siya. Bigla niyang iniwas ang saril niya sakin.

"Huwag kang lalapit sakin. Ang sakit kaya nun. Bwisit kang babae ka." Nanlilisik yung mga mata niya na nakatingin sa akin.

Ouch. Arte naman nagsorry na nga e.

"Sorry na nga. Hindi ko naman talaga sinasadya. Ang lapit kasi ng mukha mo eh." Tapos nilampasan niya na ako. Fine. Hindi huwag.

Nag sosorry na nga yung tao. Ayaw pang tanggapin. Psh. Umupo nalang ulet ako. Ano ba naman kasing kashongahan ang pumasok sa isip ko at nagawa ko yun. Hay nako.

Tinignan ko sya sa may likodan, kasi dun siya mismo nakaupo sa likod ko. Siguro nga nasaktan siya dahil hinihimas- himas niya yung noo niya.

"Anong tinitingin tingin mo?"

"Sorry na kasi."

Aba inirapan ako. Bakla lang? Ang sungit ha. Nahawa na siya sa Marco-sungit niyang kaibigan.

Bahala ka sa buhay mo.

"Oh anong nangyari sa mukha mo at busangot na busangot ka?" Pang aasar pa sa akin ni Skyla. Habang nagsisitawanan. So, andyan na pala yung tatlong bruha.

"Akala ko kinain na kayo ng inidoro sa katagalan nyo e." Sabi ko ng seryoso.

Nagtinginan yung tatlo na parang nagtatanungan sa pamamagitan ng kanilang mga mata.

"Baka nabroken hearted?" Sabi ni Ashley. Baliw talaga.

"Oo nga. Iba na talaga ngayon eh no. Nagbobroken hearted eh wala namang jowa. Hahaha!" Batos naman ni Hannah.

Inasar nang inasar ako nung tatlo grabe. Lagi akong pinagtitripan. 

Buong klase akong nakikinig infairness may natutunan. 

Mahilig ako art, actually about Fashion designing and modeling. Yun na kasi ang business ng family namin. In the near future sa akin ipapamana. 

"Bianca, ano game ka? Mall tayo? Arcade. hehe" Sabi ni SKyla.

"Boyhunting mga besh? Count me in." Sabi naman ni Ashley.

"National bookstore tayo mga bruha? Gora ako." Sabi naman ni  Hannah.

Grabe magkakaiba talaga kami ng mga hilig ng mga to. Pero kahit ganun pa man. Nagkakasundo kami. Yun ang tunay na friendship. Kahit minsan grabe na kung ibully ako ng mga yan. Pero ayos lang mahal na mahal namin ang isa't isa.

HeartlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon