Skyla's POV
Akala ko kung saang lupalop ako dadalhin nitong si Marco. Andito kami ngayon sa pinakamalapit na hotel. Infairness, mabuti nalang talaga may matutuluyan kami ngayong gabi. Madalang ang mga dumaraan na sasakyan. Kaya no choice kami na mag stay dito ngayong gabi. Nakakainis na nakakakilig, magulo ba? Basta yan yung nararamdaman ko sa mga oras na'to.
Pinagmamasdan ko si Marco habang nakikipag-usap dun babae para makapag check-in na kami. Ang sarap dukutin ng mga nito eh. Ang lagkit makatingin, landi eh. Maya-maya ay inabot na sa kanya yung susi.
Lumapit na siya papunta sa kinatatayuan ko.
"Gutom ka na ba? Kumain muna tayo." Tumango na lang ako sa kanya bilang tugon.
Dumeretso na siya ng lakad. Napakarude talaga ng lalaking to. Di man lang ako inintay para sabay kaming maglakad.
NAPAKAGENTLEMAN.
Pagkakitang pagkakita ko ng restaurant nila sa loob, ang ganda mukhang pang high class. Pang high class daw kasi ang beauty ko. Feeling ko tuloy may date kami ni Marco. Sige ako na. Ako na ang assuming.
"Hoy. Wag ka nang tumunganga dyan." Sigaw ni Marco sakin. Walang modo talaga. Nagmomoment ako eh.
Pumunta na ko sa kanya. As usual, gentleman nga diba? Di man lang inusod yung chair para makaupo ako. Psh. Umupo na ko sa tabi niya.
"Anong gusto mo?" Tanong niya.
"Ikaw." Sagot ko. Nanlaki yung mga mata ko. Nanlaki din yung mga mata niya.
Bad Mouth.
"Ikaw. Ikaw na ang pumili ng kakainin natin. Hehe." Muntik na ko dun ah.
Hindi na niya ako pinansin. Tinawag na niya yung waiter. "Can I take your order, sir?" Tinignan niya saglit yung menu. "Oorderin namin lahat ng specialties nyo dito." Galante ang lolo mo.
"Okay sir. Thank you."
"Woah. Galante ah." Tapos nginitian ko siya.
"Anong galante? Hati tayo ng babayaran. Ano ka sineswerte?" Napanganga ako dun. Akala ko pa naman libre niya to.
"Akala ko pa naman libre mo?" Sabi ko nalang.
"Maraming namamatay sa maling akala." Sabi niya na parang nang iinis. Grabe talaga tong masungit na to.
"Talaga? Edi sana pala patay na ko ngayon din? Hahahah!" Nagtatawa ako dun na parang baliw.
"Hoy tumigil ka nga. Para kang baliw."
Sumimangot na lang ako. Tinignan ko siya, nakatingin din pala siya sakin nang biglang kumunot ang noo niya. "Bakit ka nakasimangot?" Tanong niya.
"Ano ba talagang gusto mo? Kanina tumatawa ako pero pinatigil mo ako dahil para akong baliw ngayon namang nakasimangot ako tinatanong mo kung bakit ako nakasimangot. Ano ba talagang gusto mong gawin ko?" Sabi ko nang di ko siya nililingon. Di ko siya maintindihan. Aish.
"Ang mahalin mo ako." Sabi niya.
Agad akong napatingin sa kanya. He is avoiding my gaze. Totoo ba yung narinig ko? Ang mahalin ko daw siya.
"A-anong sabi mo?" Nauutal ako dahil sa kanya eh.
"Ang sabi ko gutom na ako at kakain na ako. Naandito na yung mga order natin." Sabi niya sabay turo dun sa paparating na mga pagkain.
Nevermind. Di ko nalang siya pinansin. Bahala siya.
Ipinatong na yung mga order sa table namin. Ang bango. Amoy palang busog nako. Pero joke lang yun. Gutom na gutom na talaga ako.
BINABASA MO ANG
Heartless
Teen FictionSi Marco Jung ay kilala bilang isang vocalista ng isang banda na nagngangalang INFINITY. Marami pa rin ang hindi nakakaalam kung ano ba ang meron sa nakaraan niya kung bakit siya sobrang sungit na akala mo ay may period, misteryoso na maraming tinat...