Chapter 22 - Enrique

17 0 0
                                    

Skyla's POV

Mabilis na lumipas ang sembreak. Ibig sabihin back to reality. Back to University. Hello eyebags. Hindi na ulit ako makakapanuod ng kdramas. I'm so into kdramas, mamimiss ko ng sobra ang asawa kong oppa. Buong vacation ko, doon ko iginugol ang oras ko. Minsan naman dumadalaw dalaw din sa bahay yung tatlo para makipagkulitan. Sobrang nagpapasalamat din ako dahil may tatlo akong tunay na kaibigan. Mga mukha man silang loka-loka pero mga totoong tao naman sila.

"So, ayun na nga ang nangyari ang yabang talaga nung asungot na yun! Diba?" Halos gusto nang magbuga ng apoy ni Ashley habang nagkekwento siya ng tungkol kay Bryan. Hindi ko na masyadong naintindihan yung kwento niya dahil nakatulala lang ako sa spaghetti na nakahain sakin na hindi ko pa kinakain o nagagalaw man lang.

"Ewan ko ba sayo, Ash. Baka mamaya niyan may gusto ka na sa may sapak na yun na hindi mo na pala namamalayan." Marahas na pangaral ni Hannah kay Ashley. "Of course not! Over my dead sexy body." Napailing naman agad si Ashley at nagsisigaw. Natatawa na lang si Bianca sa pinag-uusapan nina Ashley at Hannah.

Maya-maya naman ay nilingon ako ni Bianca. "Hoy Skyla, hindi ka mabubusog kung titigan mo lang yang spaghetti." Kinuha niya yung tinidor niya at sumubo sa spaghetti ko. "Ganun dapat ang ginagawa sa spaghetti, nilalamon!" Hyper na paliwanag ni Bianca. Napanganga na lang ako sa pinaggagagawa niya. Ang takaw, ha!

"Bianca, ang takaw mo. Akin yun e." Tinignan ko siya ng pokerface. Tinawanan naman siya nina Ashley.

"Bianca, wag mong sabihing patay gutom ka na ngayon?!" Sigaw na sabi ni Ashley kay Bianca.

"Mga grabe talaga kayo ngayon lang ako nakisubo ng pagkain e. First time." Sabi niya na may himig pang pagtatampo. Napapailing na lang ako.

"Skyla, may balita nga pala para sayo 'yang si Bianca!" Excited na anunsya ni Hannah sa amin.

"Siguradong matutuwa ka!" Segunda naman ni Ashley. Siguraduhin lang nilang matutuwa ako sa balita nilang yan. Naku.

Tinignan ko naman si Bianca ng What-is-that-look. Niliitan ko siya ng mata. Ngumiti naman si Bianca ng matamis. Napanganga ako sa posibleng naisip ko at napatakip yung kamay ko sa bibig ko. "Bruha, tell me the truth! Buntis ka ba? Sinong ama? Walanghiya yun ah!" Histerikal sa sabi ko sa kanya at hindi ko namalayan na napalakas pala yung boses ko kaya nagtinginan samin yung ibang students. Humagalpak naman ng tawa sina Hannah at Ashley.

Tinakpan ni Bianca yung bibig ko gamit ang maalat niyang kamay. "What the heck!" Iritang sigaw ni Bianca. Marahas kong tinanggal yung kamay niya. "Grabe ha, Bianca ang alat ng kamay mo!" Agad siyang tinawanan nung dalawa.

"Hoy kayong dalawa dyan manahimik nga kayo!" Mataray na saway ni Bianca dun sa dalawa na nagpipigil na ng tawa.

"Ohmygosh! Skyla. What happen to your brains na ba? Me? Pregnant? Are kidding me?" Pagtatanong niya sakin ng pokerface. Namumula na ang mukha niya sa kahihiyan. Sorry na, tao lang nagkakamali.

"So, hindi ka nga buntis?" Ngumiti ako sa kanya ng alanganin. Napapalo nalang siya sa noo niya habang umiiling-iling. Yung dalawang bruha, humagalpak na ng tawa. Mabuti naman at masaya sila.

"Seriously, Skyla. Do you think magpapabuntis ako ng ganun ganun lang?" Tinawanan  na lang namin yung tanong niya.

Natatawang inaawat ni Hannah si Bianca. "Chill ka lang, Bianca!"

"Baka ma-high blood ka na niyan, Relax." Batos naman ni Ashley sa kanila.

Itinaas ko ang dalawa kong kamay bilang pagsuko sa kanya. Galit na e. "Joke lang bruha, hindi ka naman mabiro e." Sabi ko sa kanya tapos nagpeace sign pa ako sa kanya. Napailing na lang si Bianca sa pinaggagagawa ko. Walang ibang ginawa sina Ashley at Hannah kundi ang tawanan kaming dalawa ni Bianca.

HeartlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon