Chapter 23 - Problem

11 0 0
                                    

Skyla's POV

Hindi ako makapaniwala na bumalik na si Enrique. All these years, wala akong nababalitaan sa kanya tapos ngayon bigla bigla na lang siyang parang kabute na sumusulpot.

"What do you think, Sky? I'll treat you tomorrow. Say yes, please." Pangungulit niya sa'kin kanina pa. Ipinakita niya sakin yung mukha na nagmamakaawa. Inaaya niya kasi akong lumabas na kaming dalawa lang. Ewan ko ba, kung anong iniisip nito at sobra niya akong kinukulit.

Tinignan ko siyang mabuti at pinanliitan ng mata. Napabuntong hininga na lang ako. Hindi ko siya matanggihan.

Pumorma naman ang mga labi niya ng isang ngiti. "I know, you can't resist my charms." Sabay baba-taas ng mga kilay niya at nagpakawala siya ng isang halakhak.

"Fine." Ngiting sagot ko sa kanya.

Alam kong hindi ko matitiis ang lalaking 'to kahit na may atraso siya sa akin. He's my close friend, after all. Hindi man lang kasi siya nagpaalam ng personal noong umalis siya ng Pinas papuntang Korea. I can't use it against him.

Nahagip naman ng mga mata ng Prof namin si Enrique. Sinabi sa kanya na magpakilala siya.  "Hi." Panimula niya. Nag-iritan naman ang mga babae naming kaklase. "My name is Enrique. Enrique Lee, but you can also call me yours." He introduced himself confidently and he gave his boyish smile then wink. Lalong umingay ang buong silid.

Masasabi kong madami ang babeng  nagkakandarapa sa kanya.

Bumalik siya sa pwesto niya na katabi ko. Pinaupo kasi siya ni Bianca sa upuan niya mismo at nag-adjust sila para magkakatabi pa rin kami.

Kinwentuhan niya naman ako ng kung anu-ano tungkol sa Korea. Syempre, interesado ako dahil fan ako ng mga kdramas. "I miss you so much, Skyla. Babawi talaga ako sayo." He's looking at me intently.

Napatawa naman ako ng bahagya at tumango. "I mis-" Hindi ko na naituloy pa yung sasabihin ko kay Enrique nang bigla nalang umimik si Marco.

"Can you please stop talking? Nakakawala kasi kayo ng concentration sa pakikinig eh." Sabi niya ng casual. Tinignan ko naman siya na nakaupo sa likod namin. Bored siyang nakatingin sa Prof habang nakikinig. After that hindi na lang ulit kami umimik.

Paglingon ko kay Enrique na nagtagis ang kanyang panga. I saw his hand formed into closed fist na parang nagpipigil na manuntok na lang. Hinawakan ko na lang ang kamay niya at agad siyang kumalma.

What's your problem this time? Marco.




Kinabukasan, sinundo ako ni Enrique sa bahay at talagang ipinagpaalam niya pa ako kay mama na pupunta lang kami ng mall para mamasyal. What a gentleman. "Huwag po kayong mag-alala. Iingatan ko po siya." Sabi niya sa Mama ko. Tinignan naman ako ni Mama na parang may hindi ako sinasabi sa kanya.

He always keeping on saying that I'm beautiful. "Can you please stop saying that? Feeling ko tuloy binobola mo lang ako." Nahihiya ako sa mga sinasabi niya. Tumawa lang siya habang pinagmamasdan ang mukha ko. Hindi ako makatingin ng diretso sa kanya. My gosh. Hindi ko alam kung bakit?

"You think, I'm just joking you around. I'm just telling you the truth!" Nakatingin siya sa mga mata ko at kita kong sincere siya sa mga sinasabi niya.

He gave me his boyish smile. "Whatever." Pinalo ko siya sa braso niya. Nauna na akong maglakad sa kanya. Narinig ko naman ang tawa niya mula sa likuran ko.

"I missed you so much, Skyla!" He shouted. I look at him in the back. Pinanlakihan ko siya ng mata. Ang daming mga matang nakapukol sa amin ngayon. Nakakahiya. Gusto ko tuloy takpan ang mukha ko.

HeartlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon