Skyla's POV
Hindi ko na alam kung anong gagawin namin. Eto na naman yung sinasabing ang hirap maging maganda. Nakakainis. Pag nga naman minamalas kami oh.
Sa totoo lang halos nanginginig na ang mga tuhod namin.
Nakakatakot ang mga pagmumukha nila. Punong- puno ng mga tattoo ang mga braso nitong mga pangit na 'to. Hindi lang yun, mga mukha silang adik.
Mukha silang mga goons kagaya sa mga movies na napapanuod ko.
Mali, di pala dapat ganun ang pag describe ko sa kanila. Honestly mga mukha silang Homo sapiens. In other word unggoy. Kaya andaming naniniwala sa Theory of Evolution ni Charles Darwin eh, may mga mukha kasing unggoy.
"Hi mga miss. Aanyayahan sana namin kayo." Sabi nung pinakamalaki sa kanilang lahat. Ngumiti pa talaga 'to. Bakulaw.
"Sorry po pero hindi po kami sumasama sa mga hindi namin kilala lalo na po sa mga pangit na tulad nyo." Walang emosyong sabi ko sa kanila. Ayokong magpakita ng kahit anong takot sa mukha ko pero deep inside. Nanginginig na ang kalamnan ko sa takot. Leche.
"Alam nyo mga miss kung ayaw nyong masaktan sumama na lang kayo sa amin." Sabi nung naman nung isang mukhang Zombie. Literally.
"Atsaka kita naman sa mga mukha niyo na hindi kayo katiwa-tiwala." Si Ashley na hindi narin napigilang magsalita. Ewan ko ba kung saan kami humuhugot ng lakas ng loob para sagot-sagutin tong mga to.
"Ang sakit niyo namang mgasalita. Mga bata kuhanin niyo yang mga yan!" Sigaw nung pinakamalaki sa kanila.
Eto na naman yung sinasabi ko. Sa tuwing lalabas kami o mamasyal kami. Palagi nalang may mga epal na manghaharang samin na mga mukang rapist. Bwisit.
Susunggaban na ako nung isang mukang adik. Syempre nakaiwas ako at sinipa ko yung kanyang hinaharap. Sumugod yung isa pang mukhang unggoy then I punched his ugly face at napahiga siya.
Narinig ko naman ang mura nito. Hindi ko aakalain na ganun parin pala ako kalakas manuntok. Oo, nag aral talaga kami ng pang self defense kagaya ng matial arts, karate and taekwondo. Dahil alam namin na masyado nang mapanganib ang paligid ngayon.
Tiningnan ko naman yung mga kaibigan ko. Kagaya padin ng dati napataob nila yung iba pa. Nagawa pa nilang mag OK sign na sumisimbulo na sisiw lang ang mga unggoy nato.
Nang inilibot ko ang paningin ko halos lahat pala ng mga pangit nato is tulog na. I mean, halos lahat lang pala. Pero yung pinakamalaki sa kanila buhay na buhay pa. Itong kapre, bakulaw ewan kung anong tawag sa kanya.
"Magaling, magaling, magaling. Hindi ko aakalain na ganun niyo kabilis mapapatumba ang mga bata ko." Pamapalakpak pa ang walang hiyang to. Sumipol siya. Maraming mga mukhang unggoy ang naglabasan. Ano to Rise of the Planet of the Apes?
Nagkatinginan na kaming apat dahil hindi na namin alam ang gagawin namin. Isa lang ang solusyon dito. "TAKBO!" Sabi ko sa kanila. Pagpihit namin sa likodan. Aba, napaghandaan nila, dahil meron ding mga nakaabang. Bwisit.
"Shete. Ano nang gagawin natin?"
"Ang papangit nila!"
"Basta tumakbo lang tayo then the fight is on!"
Tumakbo lang kami ng tumakbo. Suntok doon. Sipa dito. What the heck, right?
Bakit ganun hindi sila nauubos?
"Aray, ngayon pa ako nadapa." Inis na sabi ni Hannah. Binalikan namin sya para muling itayo. Nung naitayo na namin sya. Nacorner na kami ng mga unggoy na 'to.
BINABASA MO ANG
Heartless
Teen FictionSi Marco Jung ay kilala bilang isang vocalista ng isang banda na nagngangalang INFINITY. Marami pa rin ang hindi nakakaalam kung ano ba ang meron sa nakaraan niya kung bakit siya sobrang sungit na akala mo ay may period, misteryoso na maraming tinat...