Chapter 3 - Aso't Pusa

59 2 1
                                    

Bryan's POV

Hi ako nga pala si Bryan Choi. Handsome, hot, fresh, smart, cool and habulin ng mga chikababes. Hindi sa pagmamayabang pero totoo lahat ng sinabi kong yun. Hahaha

Sikat kaming magkakaibigan kahit nga saan kami pumunta, tinitilian at hinahabol ng mga kababaihan. Iba na talaga pag gwapo. Yan ang INFINITY.

Hindi lang pala kami tinitilian at hinahabol. Hinaharangan din pala. Hayss ang hirap talagang maging gwapo. Minsan nga iniisip ko bakit kaya ako pinanganak ng gwapo. Ang dami tuloy na babaeng nababaliw sa kagwapuhan ko.

May apat na babaeng pahara-hara sa dinadaanan namin.

Ayan na nga. Hindi na napigilang umimik ng leader ng banda naming si Marco Jung. Masungit ang lalaking yan hindi namin alam kung bakit. Pero sanay na kami sa kasungitan niya.

"Excuse me, Miss."

That's what I'm thinking a while ago. Natulala sila sa kagwapuhan namin. Hahaha!

Infairness, magaganda naman sila, makikinis at mapuputi.

Pero naagaw ng atensyon ng mga mata ko itong babaeng blonde ang buhok na may bangs. Ang ganda niya at mukang palaban.

"Mga miss kanina pa kayo nakatayo dyan, hindi nyo ba kami papadaanin?" Sabi ng drummer naming si Kenzo Chan.

"Mga bro, nagwapuhan ata sakin yang mga yan kaya nakatulala. Hahaha." Sabi ko ng confident habang tumatawa. Totoo naman eh.

"Hoy FYI, Hindi noh, masyado ka atang feelingero. Kung sa bagay libre namang mangarap." Sabi ni Miss blonde hair. Nagulat ako sa sinabi niyang yun. Wala pang tumatanggi sa kagwapuhan ko.

Umalis na agad si Marco kaya sumunod nalang kami dahil may klase pa.

-Room

Ano ba yan. Ang taray netong teacher na'to. Siguro matandang dalaga ito tapos hindi na nag asawa kasi iniwan siya. Kahit ako kung ganyan kataray ay iiwan ko talaga. O kaya menopause na ito Hahaha!

May apat na babaeng sumulpot sa harapan ng pintuan ng room namin. Pagkatingin ko sa mga babae. Sila na naman. Pag nga naman sineswerte andyan si Miss blonde hair.

"Aba, diba sila yung apat na babaeng nakahara sa daan kanina." Sabi ko kay Caleb at tumango lang siya bilang sagot. Sarap batukan eh. Nice talking bro. Masyadong seryoso sa buhay. Hindi makausap ng matino.

At nagpakilala na yung apat na babaeng pahara hara sa daanan kanina.

"I'm Hannah Park"

" I'm Ashley Yoon. Sinasabi ko ang gusto kong sabihin meaning prangka ako kaya inuunahan ko na ang pagsasabi sa inyo."

So Ashley Yoon pala ang name niya tamang tama may mabibwisit na ako araw-araw. Yung kaprangkahan at katarayan niya tutupi yan sa charms at kagwapuhan ko. Chinachallenge niya ako masyado.

"Bro, diba sila yung mga babae kanina na nakahara sa daan?" Tanong sakin ni Kenzo. Mabuti pa tong si Kenzo magandang kausap masyadong observative lahat nalang napansin pati nga kulangot ko sa ilong napapansin niya eh. Hahaha!

"Oo nga sila yung natulala sa kagwapuhan ko." Nagtawanan silang lahat sa sinabi ko.

Nakakatawa ba ang kagwapuhan ko?

Tiningnan ko ang reaksyon ni Ashley ansama ng tingin sakin. Akala mo'y papatayin ako sa mga tingin nyang yun at inirapan pa talaga ako.

"Class. Tumahimik kayo. Wala namang nakakatawa." Sabi ni Mam ng nakapokerface. Kill joy talaga tong teacher na to di marunong makiride on.

HeartlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon