Chapter 15 - Zoltar

12 2 1
                                    

Kenzo's POV

Matagal ko nang pinag iisipan to. Ang gumanti sa kanya. Hindi ko naman aakalain na muli kaming magkikita, ni Bianca Lee. My First Love and my first heartbreak.

Oo, alam kong mali yung iniisip ko pero masisisi nyo ba ako? Hindi maaalis yun dito sa puso't isip ko na ang katotohanang sinaktan niya ako at ginamit.

Hindi naman ganito ang itsura ko dati. Nerd ako kung tawagin noon. Noon yun nung mga panahon inosente pa ako at uto-uto. I changed a lot now. I can't change the fact that I used to be that stupid nerd and begging her just to love me back.

-Flashback

Katatapos lang ng klase namin ngayong araw. Sobrang saya ko dahil kay Bianca. Excited na akong kausapin siya. Sa totoo lang sobrang saya ko nung pinayagan niya akong manligaw sa kanya.

Ginagawa ko talaga ang lahat ng effort para maipakita ko sa kanya na seryoso ako sa nakakaramdaman ko para sa kanya. Araw-araw ko siyang binibigyan ng gift. And everytime she's asking for help in our assignments, I help her without any hesitations.

Sobrang ganda niya, matalino, mabait at palakaibigan siya. Para sakin sobrang perfect niya. I know, the day that I met her. She's the one for me.

Siguro 2 years ko ding tinago tong nararamdaman ko. Junior na kami ngayon and I think that it is the right time to tell her na manliligaw ako sa kanya at yun nga pinayagan na niya ako.

Dumating yung point na pinaghandaan ko na yung araw na gusto ko nang malaman yung sagot niya sa tanong ko. Will you be my girlfriend?

I exert all my efforts just to make her mine. Pinaghandaan kong mabuti, pinalagyan ko yung buong gymnasium ng decorations like flowers, balloons, stuff toys and hearts.

Madaming nakikiusyoso. Dumating na siya sa loob ng gym.

"What are you doing, Zoltar?" I love the feeling, the way she say my name. My real name is Kenneth Zoltar Chan. But she calls me Zoltar and it means shining brightly. Everytime that I'm with her everything shines.

"Ito na yung panahon na hinintay ko. Una palang kitang nakilala, gusto na kita. Bakit? Napadaming dahilan para magustuhan ka." Napatawa ako ng konti at pinagpatuloy ko ang pagsasalita ko. "Hindi ko na kailangan pang isa-isahin ang mga yun. Hindi nga lang kita gusto e. Pakiramdam ko mahal na kita at alam kong totoo tong nararamdaman ko." Habang nagsasalita ako sobrang kinakabahan ako kung ano ang irereact niya. Hindi ko mabasa kung anong iniisip niya. Blanko lang yung mukha niya.

"Zoltar. I'm.." Sabi niya na hindi ko muna siya pinatapos sa sasabihin niya.

"Alam mo bang ako yung pinakamasayang nilalang nung pinayagan mo akong manligaw sayo? Sobrang saya."

"And finally, I want to ask you now. I promise you that I will never break your heart. Bianca Lee, the girl who stole my heart. Will you be my girlfriend?" Lumuhod ako sa harap niya. I smiled at her and looked into her eyes. I can see her fears.

"Zoltar. Look, I appreciate all your efforts. But." Huminga siya ng malalim at pinagpatuloy yung mga sinasabi nya. "I'm sorry. I like you as a person, a friend." Nagulat ako sa mga sinabi niya.

"I thought you feel the same way?" Sabi ko na nagkacrack na yung boses ko.

"Pinayagan lang kitang manligaw dahil ang bait mo sakin at syempre ayokong saktan ang feelings mo."

"Pero sinaktan mo na ako!" Hindi ko na napigilang itaas ang tono ng boses ko. "Baka naman gusto mo rin ako hindi mo lang inaamin."

Tumayo ako at mag kasing lebel na kaming magkaharap ngayon. Lumapit ako sa kanya at hinawakan ko ang braso niya. Inalis niya yung pagkakahawak ko sa kanya. "Zoltar, I'm sorry."

Lumuhod uli ako sa kanya. "Please, Bianca. I love you."

Pilit kong hinahawakan yung mga kamay niya. All I can do is beg her to love me. Nararamdaman kong bumabagsak ang luha ko. Damn it.

Hinigpitan ko pa yung pagkakahawak ko sa mga kamay niya. "Ano ba Zoltar tigilan mo na yan. Hindi ako desrving sa lahat ng effort mo, okay." Hindi ko pa rin ako tumitigil sa pagmamakaawa na mahalin din niya ako.

"Hindi, Bianca. I know that you have feelings for me. I can feel it." Pilit siyang kumakawala sa pagkakahawak ko sa kanya.

"You know what, Zoltar. Stop it now because I can't give the same feelings that you have for me."

"Okay lang, basta tanggapin mo yung pagmamahal ko sayo. Basta andyan lang ako sa tabi mo. Hayaan mo lang akong ipakita sayo kung gaano kita kamahal. Maghihintay ako hanggang mahalin mo din ako."

"Zoltar! Please, stop. I don't love you and I can't love you. You want to know why? Because of yourself. Look at yourself." Kita ko yung pagkairita ng itsura at boses niya. The way she looks at me na parang nandidiri siya sakin.

"Okay. I can change myself for you. Dahil ba sa pananamit ko at ayos ko?" Dismayang sabi ko. Akala ko iba siya. Pero ganun din pala ang tingin niya sakin. Walang kwentang nerd.

"No need. Alam mo bang ginamit lang kita para tulungan mo ako sa mga requirements natin. Kasi diba nga ikaw yung pinakamatalino at pinakamasipag. Luckily I grabbed the chance na gusto mong manligaw sakin. Yun lang yun, I'm sorry Zoltar. I didn't want to used you. I'm really sorry." That words hurt me, so badly.

Hindi ako makapag isip ng maayos. Yun na yun. Ginamit lang niya ako. Damn it. I hate myself for being so stupid.

"And, one more thing Zoltar. Please, Stop begging at me. I'm not worth it. I'm with someone else." Unti-unti ko nang kinalas yung pagkakahawak ko sa kanya kasabay din noon na unti-unti ko na ding tatanggalin siya sa buhay ko.

Ano yun? Pinagmukha lang talaga niya akong tanga? May boyfriend siya pero pumayag siyang magpaligaw sakin. Ang sakit lang kasi eh. Nakakabading.

Then she turned her back to me and walk away.

-End of Flashback

Tadhana nga naman. Gumagawa ng paraan para mapaglapit kami. Gusto kong iparamdam sa kanya yung feeling na masaktan kagaya nang ginawa niya sakin dati.

Nakakatawa lang talaga. Binago ko ang sarili ko dahil sa nangyari. Don't get wrong not because of her but for myself. Nakilala ko pa yung mga ugok. Thanks for them na nakilala ko kung sino talaga ako tuwing kasama ko ang Infinity. Sila din yung nagbigay sakin ng nickname na Kenzo.

Naglalakad si Bianca ngayon papunta sakin habang nakangiti. "Hi, Kenzo."

Of course, I smiled at her. Knowingly na wala siyang kamalay-malay na ako yung stupid Zoltar na nagmakaawa sa kanya noon.

HeartlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon