Skyla's POV
Napaaga ang pasok ko ngayon. Wala trip ko lang pumasok agad. Siguro nadala na ako nung minsan dahil nalate kami. Hangga't maaari ayoko nang malate. Ayoko nang ipahiya ang sarili ko. Hahaha!
Halos isang linggo na rin pala ang nakalipas. Hindi ko na masyadong namalayan.
Sa isang linggong yun hindi naman halos nagklase at nagpakita lang yung mga prof then nagbigay ng class cards. Syempre maliban kay miss Minchin always nagkaklase. KJ yun, eh.
Ang tagal naman nila Bianca. Huwag mong sabihin late na naman sila?
Speaking of bruhas. Andyan na pala yung tatlong bruha."Good morning girls." Sabi ko sa kanila habang nakangiti hanggang tenga.
"Good morn-. Teka mukang ang saya mo ngayon ah. Anong meron?" Natatawang tanong ni Bianca.
"Oo nga." Sabi din nung dalwa.
"Masama bang maging masaya? Walang karapatan? Syempre wala na kayo dun." Hahaha! Sabi ko sa kanila nang medyo seryoso.
Masaya lang ako. Dinagdagan ba naman ni Mama ang baon ko. Konting lambing ko lang sa kanya eh. Oo na ganito talaga ako kababaw. Inaapreciate ko lang naman ang mga blessing.
"Grabe ka naman nagtatanong lang kami. Hahaha Nakakacurious lang kasi." Sabi naman ni Hannah.
"Masyadong kang seryoso eh. Akala ko lang kasi INLOVE KA!" Sabi ni Ashley tapos tumawa ng tumawa. Walang hiyang babae to, iemphasize ba naman yung INLOVE KA.
Eh saktong dating nung naggagwapuhang mga lalaki. Akala mo'y F4. Feeling lang nila yun. Che.
Hindi ko napansin madami narin palang tao sa loob nitong room. Busy kasi ako pakikipagchikahan sa mga bruhang to.
Biglang nagbulungan yung mga babae kong kaklase. Nagbulungan pa sila eh dinig na dinig naman.
Girl 1: Grabe ang swerte natin no? Kaklase natin yang apat.
Girl 2: Oo nga maging jowa ko lang ang isa jan pwede nakong kunin ni Lord.
Girl 3: Bobo mo naman . Edi hindi mo naramdaman yung feeling na naging jowa mo yung isa jan.
Girl 2: Oo nga no. Bobo ko talaga.
Hay naku. Natatawa nalang ako bigla sa mga narinig ko.
Napatingin na naman ang mga mata ko sa mga mata niya. Emotionless. Bakit kaya?
Nevermind. Bakit ko ba siya poproblemahin?
Dahil interesado ka sa kanya!
Nakaupo na sila dun sa likod namin. Nagsiupuan na rin kaming lahat. Parating na siguro yung prof namin.
"Hi miss blonde hair." Bati ni Bryan Choi kay Ashley. Hay naku kahit kelan talaga to. Bibwisitin na naman niya si Ashley. Palagi lang naman siyang dinededma. Hahaha.
"Oyy pansinin mo naman ako." Pangungulit ni Bryan, habang inuuga yung upuan ni Ashley. Ang kulet din talaga ng lahi nito. Kapag hindi sya tumigil makakatikim yan kay Ashley, oo man. Hahaha.
"Wag kang makulit." Malumanay yung pagkakasabi ni Ashley dahil ayaw na ngang pansinin.
"Oy pansinin mo na kasi ako." Inuuga nya padin yung upuan ni Ash.
"Sinabing wag kang makulit eh." Sigaw ni Ash tapos sinuntok niya sa mukha si Bryan. Hahahaha! Literal. Sa mukha talaga.
"Sinabi na kasing wag kang makulit ayan tuloy napala mo." Pang aasar ni Kenzo tapos tinawaan pa namin.
BINABASA MO ANG
Heartless
Teen FictionSi Marco Jung ay kilala bilang isang vocalista ng isang banda na nagngangalang INFINITY. Marami pa rin ang hindi nakakaalam kung ano ba ang meron sa nakaraan niya kung bakit siya sobrang sungit na akala mo ay may period, misteryoso na maraming tinat...