"EDELL!"
Napaunat mula sa pagkakasandal sa tagiliran ng kotse ang binata nang marinig ang pagtawag sa kanyang pangalan. Nakahimpil siya malapit sa gate ng Universidad de San Felipe kung saan ay susunduin niya dito si Francheska.
"Edell!"
Nagyakap ang dalawa.
"Akala ko hindi mo natanggap 'yung sulat."
Nag-isip ng bagong istilo ang grupo ni Edell kung paanong makakausap ang dalaga dahil nang muli nila itong dalawin matapos ang pagkakahuli sa kanila ay may rehas na ang mga bintana ng silid nito.
"Nabuksan na ni Papa bago nakarating sa akin. Buti na lang at matalino ang naisip ninyo kaya hindi siya naghinala...nagtaka lang!"
"Ha? Bakit? Ano bang nakasulat?"
Napakunot ng noo si Francheska. "Hindi ba ikaw ang nagsulat?"
"Si Crisanto."
Kinuha ng dalaga sa bag ang isang sobre. Hinugot niya mula sa loob nito ang sulat at binasa...
To: Francheska Daet
Ponciano Funeral Homes will be giving away free casket via a raffle draw outside your university tomorrow at 4:30 pm. Be there for a chance of winning.
From: Apollo
Sunud-sunod na napaubo si Edell dahil sa pagpigil ng tawa. Isinilid kasi agad ng kaibigan ang isinulat nito sa sobre kaya hindi na niya ito nabasa. At abala rin naman ang kanyang isip nang mga oras na 'yun kay Francheska.
"Alam mo bang may nagawang mabuti ang sulat na 'to?" sabay nakangiting wagayway sa papel na hawak.
Natigil sa pag-ubo ang binata at nagtatakang napatingin sa kaharap, "Talaga?"
"Well, tinanong ako ni Papa kung bakit ako nagkaroon ng koneksyon sa Ponciano Funeral Homes at ano ba daw ang kinalaman ko sa ipamimigay nilang libreng kabaong? Ang sabi ko, nag-advance booking na ako para sa funeral service dahil balak kong magpakamatay..."
"Magpapakamatay ka?!"
"Ano ka ba? Panakot ko lang 'yun!"
"At pati ako, tinakot mo. Huwag na huwag mo 'yung gagawin kung ayaw mong sundan kita!"
"Hindi, 'no? Gusto ko pang makita ang magiging lahi ni Apollo."
"Buti naman." Nakahinga ito nang maluwang, "Ano nga palang reaksyon nila?"
"Siyempre, natakot sila. Kaya ibinalik na nila sa akin ang kalayaan ko."
"Malaya na tayo? Uhm, ibig kong sabihin...puwede na uli kitang haranahin?"
Tumamlay ang ekspresyon sa mukha ni Francheska. Marahan itong umiling.
"Naiintindihan ko," malungkot na wika nito.
"Bawal kang pumunta nang bahay, pero hindi naman nila sinabing bawal akong pumunta ng rancho," bumalik ang kasiyahan ng dalaga. "Ano sa tingin mo, Don Romantiko?"
Umarko sa labi ni Edell ang malapad na ngiti. "Siguradong matutuwa si Apollo kapag nakita ka!"
"Tara na?"
"Let's go!"
Sa halip na umangkla sa braso ng binata ay inakbayan na lamang ito ni Francheska dahil mas abot niya ang balikat nito.
"Hi, Franz!"
Napatigil sa paghakbang ang dalawa na patungo sana sa direksyon nang passenger's seat.
"Sino siya?" tanong nang isa sa apat na kaklase ng dalaga. "Inaanak mo?" pagtukoy nito kay Edell.
Naramdaman ni Francheska ang paglaglag nang balikat na kinapapatungan ng kanyang braso. "Hindi," taas-kilay nito. "Boyfriend ko! Bakit?"
"Hindi nga?"
Hindi napigil nang magkakaklase na magkatawanan.
"Nagkaroon ka lang ng korona, nawalan ka na nang taste. Ew!" sabay talikod nito na sinundan agad ng mga kasama.
Gigil na susugurin sana ng dalaga ang apat nang maagap itong hawakan ni Edell. "Hayaan mo na lang sila!"
"Hindi! Dapat matuto kang ipagtanggol ang sarili mo!"
Umiling ang binata. "Pinipili kong manahimik dahil ipinapaubaya ko na lang sa Diyos ang lahat."
"Ako na lang ang magtatanggol sa'yo!" Inililis nito ang magkabilang manggas ng uniporme, "Kahit title-holder ako at reigning beauty queen ng Universidad de San Felipe ay kayang-kaya ko silang patumbahin!"
Ibinaba ni Edell ang manggas at masuyong pinisil ang pisngi ng dalaga, "Masaya na ako ngayon dahil nand'yan ka."
Nagkatitigan at nagkangitian ang dalawa.
"Halika na?" pagyaya ni Francheska.
Matapos makasakay ay nilisan na ng sasakyan ang lugar. Agad naman itong sinundan nang karo na nasa 'di kalayuan lamang. Napag-usapan kasi ng magkakaibigan na aantabay sila kung sakaling mabulilyaso ang pagsundo ni Edell.
----
"NAKU naman, Edell!"
"Tayo agad!"
"Huwag ka ngang palampa-lampa!"
"Anak, kailangang ipakita mo na isa kang Saturnino. Wala sa lahi natin ang mahihina!"
"Hijo, gusto mo ba ng gatas?"
"Fatima, bata lang ang umiinom ng gatas!"
"Pampalakas nang buto 'yun!"
"Ikuha mo na lang siya ng alak."
Napabuga nang hangin sa bibig si Edell mula sa pagkakadapa sa sahig. Pawisan at nanghihina na ang mga kalamnan nito partikular ang kanyang paa na nakasuot ng sapatos na may taas na walong pulgada. Pinasadya pa ito ng ama sa Pateros, Laguna bilang paghahanda sa nalalapit na ika-labing walong kaarawan ni Francheska. At nais ng dalaga na siya ang maging escort.
"Huwag mo ngang tinuturuan ang anak natin na uminom nang alak!"
"Binata na si Edellberto kaya huwag mo na siyang tinatratong bata."
"Inlab na nga siya," singit ni Edric.
"At mukhang malapit nang makasungkit ng puso," segunda ni Roberto.
"Ang swerte nga naman," komento ni Crisanto. "Bulag man ang pag-ibig, hindi bingi ang puso sa totoong pintig lalo na kung ang katumbas nito ay langit!"
"Wow! Ang lalim, ah?"
"Parang mas malalim pa sa hukay na pinaglilibingan ng mga hatid-sundo mong patay, 'no?"
Binigyan ng tig-isang hampas sa batok ni Crisanto ang dalawang nang-aasar na kaibigan.
"Puwede bang magpahinga muna?" reklamado ni Edell. Bumangon ito at hinilot ang mga paa, "Masakit na talaga!"
"Anak, kailangan mong magdoble-ensayo dahil sa Sabado na ang okasyon. Ayokong mapahiya ka dahil baka hindi na ako makapagpigil at masugod ko na ang lalakeng 'yun!" pagtukoy ng don sa ama ni Francheska na patuloy umaalipusta sa kanyang anak.
Napaangat ng mukha ang binata at isa-isang tiningnan ang mga kasama na naroon sa sala. Suportado siya ng mga magulang at kaibigan kaya lalong lumalakas ang loob niya.
"Nagsasayang ka ng oras, Don Romantiko!" wika ni Edric. "Get up, bro!"
"Yes, time is ticking!" sang-ayon ni Roberto.
"Huwag kang papatay-patay!" saad naman ni Crisanto.
"Ganyan nga, anak!" nasisiyahang bulalas ni Don Lucio nang tumayo si Edell at muling nagpalakad-lakad para sanayin ang mga paa nito sa mataas na sapatos.
Maraming beses pang natumba at nadapa ang binata bago nito nakuha ang tamang panimbang o balanse ng katawan. Hanggang dumating na ang gabing susukat sa bunga ng kanyang pagsisikap...
----
"STAND and walk with confidence."
"And put aside first your worries."
"It will kill you."
Napatingin ang magkakaibigan kay Crisanto.
"Wala ka na ba talagang bukam-bibig kundi patay?" tanong ni Edric.
"Huwag ka nang magtaka dahil 'yun na ang araw-araw niyang buhay," pahayag ni Roberto. "Tagapagmana nga ng punerarya, 'di ba?"
Nagkatawanan ang lahat.
"Don't be rude!"
"Just expressing my self."
"Well, that's not bad! Exercising democracy-"
"Teka nga," singit ni Edell na nagpahinto sa usapan ng tatlo. "Bakit ba kanina pa kayo ingles nang ingles?"
Maagap na itinaas ni Crisanto ang mga kamay na nagpatikom sa bibig ng dalawang kaibigan na akto sanang magsasalita, "Let me do the honor to answer such ignorance!"
Pigil nina Edric at Roberto ang pagtawa.
"To remind you, Mr. Saturnino, we're heading to a place where no one likes the sight of you!" Pinasadahan pa nito ng tingin ang tinutukoy na nakaupo sa kanyang harapan, "We are about to enter our enemies' lare. We are about to con-"
"Puwede bang Tagalog-in mo na lang?" asik ni Edell.
"Sa madaling salita, kailangan nating magkunwari na galing tayo sa mayaman at kilalang pamilya. Kuha mo na?"
"Oo na."
"Then twist your tounge like this..." Binigyan nito ng demonstrasyon ang kaibigan sa pamamagitan nang pagpakislot ng sariling dila, "And practice the foreign language that will make you elite like no other!"
"Wow! Ibang level talaga ang talino mo, pare!" papuri ni Roberto.
"Gusto mong makisusyo sa punerarya? Naghahanap kami ng investor!"
"No, thanks!"
Muling napuno nang tawanan ang paligid.
"Sir, nandito na po tayo!"
Natahimik ang grupo sa naging anunsiyo ng drayber na sinasakyan nila. Muli namang bumalik ang kaba sa dibdib ni Edell, ngunit agad itong pinawi nang mga kaibigan.
"Isipin mo lang si Francheska," pampalakas-loob ni Roberto.
"At hindi tayo dapat mabuko ng kanyang pamilya lalo na nang papa niya," paalala ni Edric.
"Kapag nangyari 'yan, siguradong sukat na ang kabaong natin at deretso na tayo sa hukay!"
Hindi na naman napigilan ng apat ang magkatawanan hanggang humimpil ang kanilang sinasakyan sa tapat nang bahay nina Francheska. At mula sa loob ng malawak na bakuran kung saan gaganapin ang okasyon ay napatingin ang karamihang bisita sa magarang limousine na huminto.
Magkakasabay na bumaba sa sasakyan ang apat na binatang nagpanganga sa mga kababaihan. Their attire in an Elvis Presley's Style made them look so masculine even a mask covered the identity.
Ito ang ideyang naisip ni Francheska upang makadalo at maging escort niya si Edell. The Masquerade Ball, where everyone in the occasion will wear a mask.
Hindi nga lang inaasahan ng dalaga na ang magiging kapareha niya sa kanyang debut ay isang makisig, matipuno at MATANGKAD na binata. Don Romantiko definitely made an effort to transform into a mouth-watery casanova.
BINABASA MO ANG
DON ROMANTIKO (BOOK 4: RANCHO DE APPOLO) BY: LORNA TULISANA
RomanceSYNOPSIS: Nakilala siya bilang DON ROMANTIKO noong kanyang kabataan. Ang panliligaw niya, idinadaan sa harana. Si EDELLBERTO SATURNINO. Nangangarap magkaroon ng makulay na pag-ibig, ngunit laging BASTED. He was not an every woman's fantasy; Mataba...
