Chapter 11

1.3K 49 0
                                        

  "ANAK?"

Hindi nagmulat si Edell mula sa patagilid na pagkakahiga nang marinig ang pagtawag ng ina at pag-upo nito sa kanyang kama.

"Hanggang kailan ka ba ganyan? Ilang araw nang hindi mo ginagalaw ang mga pagkaing dinadala ko dito. Baka pumayat ka n'yan?"

Napakislot ang binata sa huling mga katagang narinig, ngunit nanatili lang itong tahimik.

"Ibig kong sabihin, baka magkasakit ka. Nag-aalala na kami ng papa mo sa'yo."

"Gusto kong mapag-isa, 'ma. Hayaan muna ninyo ako."

Sandaling hindi umimik si Donya Fatima. "Bueno, ikaw ang bahala."

"Please, paki-lock po ng pinto."

Pabuntong-hiningang tumayo ang ginang matapos iwanan nang masuyong halik at haplos ang bunsong anak. "Bumangon ka muna d'yan dahil may bisitang naghihintay sa'yo sa baba."

"Pakisabi na lang na patay na ako."

"Matutuwa n'yan si Crisanto," himig-pagbibiro nito. "Kapag usapang PATAY, buhay na buhay lagi ang dugo nang kaibigan mo."

Napangiti si Edell.

"Sasabihin ko na lang sa bisita na ayaw mo siyang makita." Nilagyan ng diin at ingay ni Donya Fatima ang mga hakbang upang ipahiwatig sa anak ang pagtungo niya sa pinto, "Ano kayang magiging reaksyon ni FRANCHESKA?"

Mabilis na napabalikwas ang binata. "Nandito si Francheska?"

"Kanina pa. Baka nga nainip na 'yun at uma-"

Hindi na natapos ng ginang ang iba pang sasabihin nang halos lumilipad na dumaan sa kanyang tagiliran ang anak.

"Bakit ngayon mo lang po sinabi?"

"Teka! Edell, sandali..."

Wala nang nagawa si Donya Fatima upang pigilan ang binata. Napailing na lamang ito habang nakasunod ng tanaw dito.

Nakalimutan kasi ni Edell ang suot nitong boxer short na may larawan pa ng malaking SMILEY sa harap at likod. These was matched with a white sando where infront, TELETUBBIES printed on it.

Kaya naman halos lumubog sa kahihiyan ang binata nang humarap ito kay Francheska na nagitla at umiwas agad ng tingin sa kanya.

"Masyado kasing excited!"

Hindi pinansin ni Edell ang nakasalubong na ina sa hagdan nang patakbo itong bumalik sa silid upang magbihis. His feeling of agony and dreadfulness for the past few days was now totally gone as he laid his eyes again sa babaing dahilan nang kanyang lungkot at kaligayahan.

Mahal siya ni Francheska. At sinagot na nito ang kanyang pag-ibig noong gabi bago naganap ang kahihiyang nangyari sa tanang buhay niya.

Magkasintahan na sila. Nobya na niya ang babaing pinapangarap ng bawat Adan. He will be no longer SINGLE on his status...

----

"BREAK na tayo, Edell."

That was the hardest part of being IN RELATIONSHIP when suddenly it turned into COMPLICATED.

"I'm sorry!" Napayuko si Francheska mula sa pagkakaupo nito sa mabatong pampang ng sapa, "Patawad kung kailangan ko itong gawin."

Tigalgal ang binata. Walang salita na gustong lumabas sa bibig nito. Ang kaninang kasiyahan na naramdaman ng kanyang puso ay agad napalitan nang pagluluksa.

"Ayokong saktan sina Mama at Papa, mahal ko sila kahit hindi nila kayang ibigay sa akin ang sarili kong kaligayahan."

Tila sasabog ang dibdib ni Edell dahil sa narinig. Marami na siyang kabiguan na naranasan, pero ito na yata ang pinakamasakit sa lahat.

How long he'd been waited for someone to came along and loved him in return? Matagal. Matagal siyang naghintay. Dumating nga ito, pero hindi man lang umabot kahit isang linggo.

"Huwag mo sana akong kamuhian. Totoong minahal kita sa maikling panahong nagkakilala tayo."

"Ang totoong pagmamahal, ipinaglalaban." Bumakas sa tinig ni Edell ang magkahalong sakit at pait, "Gaano man karami ang umaayaw o humahadlang, hinding-hindi ito basta isinusuko."

Napaluha si Francheska. "Wala ka sa sitwasyon ko kaya maaaring hindi mo ako maintindihan," pinahid nito ang basang mga pisngi. "Nakaratay pa rin si Papa sa ospital at parang ayaw na niyang mabuhay."

Tumanaw sa malayo si Edell. Kahit papaano ay nakaramdam din ito ng lungkot sa sinapit nang taong umalipusta sa kanya.

"K-kahapon..." Nag-alinlangan ang dalaga, "Nagkaroon siya ng response."

"Mabuti naman."

"Nagbitiw kasi ako ng pangako sa kanya," bumaba ang pagkakayuko nito. "Sinabi kong iiwasan na kita."

Marahang tumango ang binata. Pinipiga man ang sugatang puso niya sa matinding kirot, wala siya magagawa kundi ang magbigay ng pag-unawa.

"At baka huling pagkikita na natin 'to," sabay harap sa kausap. Huwag mo sana akong kasuklaman dahil alam ng Diyos kung ano ang katotohanan."

"Hindi mangyayari 'yun." Pinilit nitong ngumiti, "Hindi ko magagawang kamuhian ang taong alam kong mamahalin ko habangbuhay."

Ginagap ni Francheska ang kamay ng katabi at masuyo itong pinisil. "Buksan mo pa rin ang puso mo, baka iba ang nakatakdang magpapaligaya sa'yo."

Marahang umiling si Edell. "Ngayon pa lang ay ikakandado ko na ito," sinapo nito ang tapat ng dibdib.

"Please..."

"Halika!" Tumayo ang binata at hinatak si Francheska, "Sulitin natin ang huling araw mo dito sa rancho."

"Anong gagawin natin?"

"Ipapasyal natin si Apollo dahil siguradong araw-araw ka niyang mami-miss."

Pareho mang mabigat ang kalooban ng dalawa ay pilit nilang pinasaya ang isa't isa. Nag-ikot sila sa malawak na rancho at namingwit sa sapa habang ikinukwento ang kanilang kabataan.

Ilang beses ring hinarana ni Edell ang dalagang ipinangako niyang huling mamahalin ng kanyang puso. Malulungkot man ang mga awiting sumasabay sa gitara ay puno naman ito nang walang hanggang pag-ibig.

Sinulit nga ng dalawa ang buong araw. At matapos ang kanilang picnic na tanging si Apollo lang ang nakaubos ng mga pagkain, magkatabi silang nahiga sa malapad na telang nakalatag sa damuhan. Dito ay muling pinalipas nila ang sandali sa kuwentuhan hanggang sila ay makatulog.

Nagising na lamang sina Edell at Francheska dahil sa malakas na kulog. Bumungad sa kanila ang makulimlim na kalangitang nagbabadya nang masamang panahon.

"Halika na!" yaya ng binata. "Teka, nasaan si Apollo?"

Walang kahit anino ng kabayo sa paligid. Marahil ay bumalik na ito sa kuwadra at natulog. Malayo pa naman ang mansyon sa kanilang kinaroroonan.

"Tumakbo na lang tayo," suhestiyon ng dalaga.

Iniwan na lamang ni Edell ang picnic basket upang hindi ito maging sagabal sa kanyang pagtakbo.

"Whooaaaa!" sabay na napasigaw ang dalawa nang bumuhos ang ulan na agad sinundan ng malakas na kidlat.

"Doon tayo!" turo ng binata sa direksyon ng tree house na kapapatayo pa lang nang kanyang ama. Dinala na niya dito si Francheska at minsan na ring natulugan nilang magkakaibigan.

It was a forty-square meter wooden house which was built on top of a huge tree, elevated above the ground at twenty feet high and with spiral staircase.

"Okay ka lang?"

"Malamig."

Basang-basa na ang dalawa bago pa man nakarating sa kanilang destinasyon.

"Titingnan ko kung may mahahanap akong pampalit natin."

Iilan lang ang gamit sa loob. Isang malaking kutson na nakalatag sa sahig, low-legged round table with four cushion bilang upuan, wine area, at maliit na wardrobe.

"Huh?"

"Meron ba?" Humakbang si Francheska sa kinaroroonan ng binata, ngunit hindi pa man siya nakakalapit nang bigla nitong isara ang pinto ng kabinet. "Bakit?"

"U-uhm, nadala ko yata."

"Alin?"

Napakamot muna sa ulo si Edell bago kinuha sa loob ng wardrobe ang damit na sinuot nang dalaga noong una nitong tapak sa Rancho de Apollo. Wala siyang natatandaan na dinala niya ito dahil maayos itong nakatupi sa damitan ng kanyang silid sa mansyon.

"Uy! Mabuti naman at nandito 'to," kinuha nito ang damit. "Kumpleto, ah?"

Namula ang binata nang makita na nakaipit sa t-shirt ang bra at panty na maraming beses na niyang itinabi sa kanyang pagtulog. "Magpalit ka muna, lalabas lang ako."

Mabilis nang tumalikod si Edell bago pa man mahalata ang pagiging inosente niya. Kung sino man ang nagdala at naglagay ng mga damit sa tree house ay marahil tumawag muna ito sa PAG-ASA Weather Forecast para alamin ang lagay ng panahon sa araw na iyon.

"Hindi ka ba magbibihis?"

"Ha?"

Hindi inaasahan ng binata na sa biglang paglingon ay mabubungaran ang nakahubad na kasama. At kahit nakatalikod ito, malinaw na nagpanganga sa kanya ang makurba at makinis nitong katawan.

"Magpalit ka rin..."

Mabilis na iniiwas ni Edell ang mga mata sa mainit-init na grasya bago pa man siya mahuli ng dalaga.

"Baka magkasakit ka n'yan. O, heto ang mga damit." Inabot nito sa binata ang tuyong pangbihis, "Okay ka lang ba? Namumutla ka yata?"

"H-ha?" Napasapo ito sa magkabilang pisngi, "Dala lang siguro ng lamig. Doon na ako sa labas magbibihis."

"Ano ka ba? Dito na kasi malakas ang ulan, baka mabasa ka ulit."

"Sige."

Tumalikod si Francheska. "Promise, hindi ako maninilip."

Matapos ang ilang sandali ay pareho nang tuyo ang dalawa, ngunit nanatili pa ring masama ang panahon.

"Siguradong ipapahanap din agad tayo ni Papa," wika ni Edell na nagsalin nang alak sa wineglass at ibinigay ang isa sa dalaga. "Umiinom ka ba nito?"

"Nope, but I want to try."

"Saying goodbye is really hard, is it?"

Marahang tumango si Francheska. "Mahirap magpaalam sa taong mahalaga sa'yo." Itinaas nito ang wineglass, "Cheers for the future!"

"I cheers for your happiness."

Sabay na tinungga ng dalawa ang inumin. Nasundan pa ito nang mga tagay hanggang masaid nila ang bote.

"Alam mo ba kung ano ang nagustuhan ko sa'yo?"

Madaldal na ang dalaga. Namumungay na ang mga mata nito maging si Edell.

"Ramdam ko dito..." Itinuro nito ang tapat ng dibdib, "kung gaano ka kasarap magmahal."

Napangiti ang binata.

"Nakailang nobyo na ba ako?" tanong ni Francheska sa sarili. "Nakalimutan ko na, tatlo o apat? Hindi ako sigurado, pero ikaw lang ang nagpakita sa akin nang katapatan. Those idiots, I mean EX'es, they are only after my beauty and body."

Hindi umimik si Edell.

"Ikaw? Kahit minsan ba ay hindi mo ako pinagnasaan?"

"I respect women especially those who are close to my heart."

"Ilan ba kami sa puso mo?"

"Tatlo. My mum and lola."

Tumagilid ng upo ang dalaga. Ipinatong nito sa mesa ang isang siko at inihilig sa palad ang kanang pisngi. Ngumiti ito, "Halikan mo ako."

"Ha?!"

"Ang sabi ko, halikan mo ako." Ibinuka nang malaya nitong kamay ang bibig ng binata, "Wala ka nang braces kaya siguradong masarap ka ng humalik. Hindi tulad noong first kiss natin na tinamaan ng bakal mo ang labi ko."

Nagkulay-kamatis ang buong mukha ni Edell.

"Hahalikan mo ba ako o hindi?"

"Franz, lasing ka na. Mabuti pa ay itu-"

Hindi na natapos ng binata ang iba pang sasabihin nang hatakin ito sa batok ni Francheska at siilin ng halik.  

DON ROMANTIKO (BOOK 4: RANCHO DE APPOLO) BY: LORNA TULISANAMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon