Chapter 10

1.3K 41 0
                                        

  HE walked like a superstar in a red-carpet premier. And with a guitar strap on his back, Edell's fear drown away. Kakaiba nga ang espiritu na nakalukob sa katauhan ng binata nang mga oras na 'yun habang ang mata ng karamihan ay nakatuon sa kanilang direksyon.

"Ganito pala ang sikat?" pabulong ni Crisanto. "Parang gusto ko na tuloy pasukin ang showbiz at mag-artista."

"Pa'no ang punerarya ninyo?" tanong ni Roberto.

Pinigil ng apat na huwag matawa lalo pa't nakatutok sa kanila ang pamilya ni Francheska.

"Anak, sino sila?" pagtatakang tanong ni Palmiano.

"Ho? Uhm..." Mabilis itong nag-isip dahil wala namang nabanggit sa kanya ang magkakaibigan tungkol sa dinadalang pangalan nang grupo ng mga ito, "Romantiko Siblings."

"Romantiko Siblings?" pabulong na pag-uulit ng ginoo na hinagilap pa sa utak kung narinig na ba niya ang ganoong klaseng katawagan o apelyido. "Magkakapatid sila?"

Marahang tumango ang dalaga na nadako ang mga mata sa paanan ni Edell. Nakatago sa mahahabang laylayan ng Elvis Presley's pants ang dahilan nang pagtangkad nito. Huwag nga lang sana itong malasin. She crossed he fingers.

"Ganyan ang mga lalakeng nababagay sa'yo, hija." Nakalarawan sa mukha ni Letecia ang magkahalong kasiyahan at paghanga, "Hindi ang katulad nang bansot na umaali-aligid sa'yo!"

"Mama, hindi bansot si Edell!"

Inakbayan ni Palmiano ang anak. "Espesyal na araw mo ito kaya magsaya na lang tayo," pasimple nitong iginiya si Francheska palapit sa mga bagong dating. "Hello, gentlemen!" Magiliw nitong bati na inisa-isa pang kinamayan ang apat na magkakaibigan, "Thank you for coming!"

"The party was extravagant!" panimula ni Crisanto na nilagyan pa ng slang-effect ang naging pahayag.

"Indeed," segunda ni Edric. "Elegance was detailed at its best!" dagdag nito na nilapatan pa ng British-accent ang naging papuri.

Pinili ni Roberto na huwag umimik dahil baka mahalata na ang kanilang kasinungalingan. Simple at ordinaryo lang naman kasi ang okasyon, walang makikita ditong ETRAVAGANT at ELEGANCE tulad nang sinasabi ng kanyang dalawang kaibigan.

"Just fit for a princess!" saad ni Edell habang nakatitig ang pinapungay na mga mata sa napakagandang debutante.

Rumihestro sa mukha ni Palmiano ang kasiyahan. Bahagya nitong iniliyad ang dibdib para ipahiwatig sa mga taong naroon na may bisita silang nagmula sa elite clan kahit hindi pa siya sigurado kung mayaman o pamoso nga ba ang Romantiko Siblings. "Salamat, salamat. Salamat sa pagdalo ninyo!"

"The pleasure is ours..." Inabot ng binata ang isang kamay ni Francheska at ginawaran ito nang masuyong halik, "Maligayang kaarawan."

Itinulos lang sa kinatatayuan ang dalaga. The feeling was starstruck na para bang ala-Richard Gomez ang nasa harapan niya. At kahit nakakubli ang mukha nito sa itim na maskara, she can see the familiriaty. It was the man who always made her special.

"A precious gift for a precious lady," inilahad at binuksan ni Edell ang isang maliit na pulang kahon na hinugot sa likurang bulsa ng damit.

Parehong nanlaki ang mga mata nina Palmiano at Letecia nang mahantad sa kanilang paningin ang kumikinang na kuwintas na yari sa maliliit na brilyante.

"Salamat, pero hindi ko matatanggap 'yan." Nakaramdam nang pagkadismaya si Francheska dahil pinakaayaw niya sa lahat ang binibigyan siya ng mga materyal na mamahalin, "Okay lang naman sa akin ang simple at mumurahin."

"Anak, masama ang tumanggi sa grasya."

"Oo nga," sang-ayon ng ginang. "Sayang din naman."

Hindi na naghintay nang pangalawang komento si Edell mula sa dalaga. Isinuot na niya sa leeg nito ang alahas at agad na bumulong dito bago pa man ito makatanggi, "Puwet ng baso lang 'yan."

Napanganga si Francheska.

"Mamaya ko ibibigay ang totoong regalo," dagdag pahayag nito bago lumayo matapos mailagay ang kuwintas. "Beautiful!" nakangiti nitong bulalas.

"Magnificent!"

"Splendid!"

"Breath-taking!"

Isa-isang pinukol nang tingin ng dalaga ang magkakaibigan. Mukhang gumugol talaga ang mga ito ng panahon para masaulo ang kani-kanilang SCRIPT sa araw na iyon. "Perfect!"

Mag-aaper sana ang nasiyahang apat nang makita nila ang kakaibang tingin sa kanila ni Palmiano. Nakakunot ang noo nito at pilit hinahagilap ng mga mata ang tila pamilyaridad sa tinaguriang Romantiko Siblings. Agad naman itong napansin ni Francheska na biglang nakaramdam ng kaba.

"Papa, puwede na ba nating simulan ang selebrasyon?"

"Ha?" Natauhan ito mula sa malalim na pag-iisip at pagdududa, "Oo naman. Masama nga palang pinaghihintay ang mga bisita."

Nakahinga nang maluwang ang lahat.

"Pero..."

Ipinako sa posisyon si Edell nang pumatong sa balikat nito ang braso ng ginoo na muling nakaarko sa mga labi ang ngiti.

"Mag-uusap tayo mamaya dahil kinikilala ko na ngayon nang lubos ang mga manliligaw ng aking anak. Madalas kasing may nakakalusot na bansot!"

Napalunok ang magkakaibigan. Pinagpawisan ang mga ito sa likod nang suot nilang maskara.

"Mukhang wala naman siya dito," wika ni Letecia na pinagala ang tingin sa paligid.

"Kailangan pa rin nating magmatyag. Maraming paraan na naiisip ang unanong 'yun!"

"Hindi unano si Edell!" pagtatanggol ng dalaga. "Maliit lang siya!"

"Bawal pa rin siya dito sa teritoryo ko! At kapag nakita ko uli sila nang mga kaibigan niya, ihahanda ko na ang magiging kabaong nila!"

"May special price kami ngayon," biglang singit ni Crisanto. Basta usaping may kinalaman sa hanapbuhay ng kanilang pamilya, lumalabas ang kanyang pagiging negosyante. "U-uhm, ako na ang gagastos sa magiging libingan nila!" biglang pagbawi nito sa pagkakadulas ng dila nang mapansin ang mga matang nakatingin sa kanya.

----

NAGSIMULA nang matiwasay ang debut party ni Francheska. Maraming kalalakihan ang pumila para maisayaw ito, pero matindi ang pagkakabakod dito ng makisig nitong escort.

Nanatili nga lang si Edell sa tabi ng debutante. Sinasamantala niya ang pagkakataon na matagal itong makasama. At ayaw niyang may ibang umaali-aligid dito dahil seloso siya. Kaya naman kapag may lalakeng lalapit sa kanilang mesa, agad nilang tutunguhin ang dance floor.

"Mukhang kanina pa hindi humihiwalay ang tingin sa akin ng Papa mo?" puna ng binata habang magkayakap silang sumasayaw ni Francheska sa malamyos na awitin. "Nakakahalata o nakikilala na yata niya kami." Napasulyap ito sa mga kaibigan na abala sa kani-kanilang kaparehang babae, "Mabuti pang ibigay ko na ang regalo bago pa magkabukuhan." Dinukot nito sa bulsa ang isang maliit na kahon at kinuha mula dito ang singsing.

"Engagement ring?"

"Infinity ring. Sumisimbolo daw ito nang walang katapusang pagmamahal..."

Nagkatitigan ang dalawa.

"Mahal kita, Franz. Siguro wala sa akin ang mga katangian ng isang ideal man, pero may puso akong handa kang mahalin habangbuhay."

Napangiti ang dalaga.

"Malaki man ang pagkakaiba ko sa mga manlili-"

"Mahal din kita, Edell."

"T-talaga?" Hindi ito makapaniwala sa narinig, "May nobya na ako?"

Tumango si Francheska.

"Sampalin mo nga ako."

"Ha?"

"Baka nananaginip lang ako."

"Gising ka at hindi panaginip ang narinig mo." Ipinatong nito ang dalawang braso sa magkabilang balikat ng kaharap, "Minahal kita dahil alam kong maibibigay mo sa akin ang pagmamahal na hindi ko na makikita pa sa iba. Minahal kita dahil masaya ako kapag magkasama tayo. Minahal kita dahil handa mong gawin ang lahat para patunayan ito. Sapat na ba 'yung mga sagot?"

Napasapo sa tapat nang dibdib ang binata.

"Okay ka lang?"

"Aatakehin yata ako."

"Halika, maupo muna tayo."

Humakbang si Edell, ngunit sa kamalasan ay hindi sumunod dito ang isang SUWELAS nang walong pulgada nitong sapatos dahilan upang mawalan ito ng panimbang at bumagsak sa lupa.

Lahat ng mata nang mga naroon sa okasyon ay nagpalipat-lipat sa nakatumbang binata at naiwang suwelas.

Mabilis namang tumayo ang tatlong magkakaibigan at agad na sumaklolo.

"Sinasabi ko na nga ba!" sigaw ni Palmiano.

"Bilis!"

Hinubad ni Edell ang natirang panyapak at tumakbo na, ngunit sumabay sa kanila ang malakas na tawanan.

Halos lumubog sa kahihiyan ang binata lalo na nang pagbabatuhin ito ng kung anu-anong pagkain sa mesa ng mga bisita.

"Francheska!" magkasabay na pagtawag ng mag-asawang Palmiano at Letecia nang takbuhin ng anak nila ang papalayong grupo.

"Teka!"

Lumingon si Edell.

"Sasama ako!" Inabot nito ang kamay ng nobyo at sumunod na sa mga naunang tatlo hanggang sa naghihintay na limo.

"Francheska, bumalik ka dito!"

Huminto ang dalaga sa bukana ng pinto at pinukol ng matalim na tingin ang mga magulang. "Babalik lang ako dito kapag natuto na kayong gumalang sainyong kapwa!"

"Hindi ka sasama sa bansot na 'yan!" Hinatak nito ang anak at inalayo sa sasakyan, "Wala kang magiging kinabukasan sa kanya!"

"Mayaman ako, Mr. Daet!"

"Mayaman ka man, ayoko pa rin na magkaroon ng manugang na bansot!"

"Mahal ko si Edell, papa!"

"Palmiano, ginamitan yata ng gayuma ang anak natin!"

"Hindi na ako magtataka!"

"Huwag ninyong bastusin ang nobyo ko!"

"Nobyo mo na siya?"

"Oo, papa. At magtatanan na kami!"

"Nahihibang ka na talaga! Kapag ipinilit mo ang ka-"

Hindi na natapos pa ng ginoo ang iba pa nitong litanya nang makaramdam ito ng paninikip ng dibdib.

"Papa?!"

DON ROMANTIKO (BOOK 4: RANCHO DE APPOLO) BY: LORNA TULISANAMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon