Chapter 12

1.4K 49 0
                                        

  IT was a devilish temptation that cannot easily control. Pilit man ang pagpigil ni Edell sa matinding sensasyong hatid nang nakalapat na labi sa kanya, his manhood jerk in delight.

Damang-dama nga ng binata ang pagtigas ng 'kargada' sa loob ng suot na short. Tila gusto nitong umalpas at SINDAKIN ang dahilan ng kanyang pagkakagising na ilang taon ding natulog mula nang mauso ang salitang TULI.

"Ohhhhh!"

Dala na rin ng espiritu nang alak ay tuluyan na ngang nakalimot ang dalawa. Lumapat sila sa sahig, nagpalitan ng puwesto at nagpagulong-gulong hanggang marating nila ang kutson.

Malamig man ang temperatura sa labas, the inside was sizzling and extremely hot. Kaya naman pareho ng naghubad nang kasusuot lang na damit sina Edell at Francheska.

Hindi na alintana ng binata ang paglabasan nang kanyang mga bilbil. What important to him that very moment was to savour the taste of heaven. He didn't even mind his height...

4'11 and 5'8? Who cares about it? As the two flatten their back on the soft bed, everything seems perfect. Pantay na nga sila habang ang kanilang mga labi ay nanatiling magkadikit.

"Ooohhhh!"

Muling napaungol si Francheska nang humiwalay ang labi sa kanya at gumapang ito sa ilalim ng tenga niya, paibaba sa leeg, patungo sa cleveage na nakalitaw sa suot na pulang bra.

Red color for Edell was undesirable, kaya naman agad na niya itong tinanggal bago pa man mawala ang kanyang mood.

"Aaaaaahhhhh!"

Hindi malaman ng dalaga kung anong sigaw o ungol ang gagawin. Napasinghap at napaliyad ito nang sakupin ng bibig ang kanyang mga dibdib. It was a great sensation that she wished to stay longer or forever.

Both are unexperience, but the work doesn't need an expert. Tanging katawan lamang ng dalawa ang gumiya sa kanila hanggang marating nila ang langit...

Iyon na ang huling sandaling nakasama ni Edell ang babaing nagpalasap sa kanya ng totoong pagmamahal at kaligayahan. Nagising na lang siya kinaumagahan na wala na ito sa kanyang tabi at hindi na nakita pa.

Mahigit tatlong dekada na rin ang lumipas, ganoon kabilis ang pagdaan ng panahon.

"Lolo?"

Itinaas ni Don Edell ang isang kamay na nagpatikom kay Nathan. His eyes was fixed to someone he longed for so many years.

Humakbang ang don patungo sa direksyon nang grupo ni Lirika. Hindi nito inaalis ang mga mata sa matangkad na babaing kausap ng dalaga.

"Its just happen that this place is very familiar to me. Minsan na akong naging bahagi ng lugar na 'to..."

Edell was dumbstruck as he heard the voice that once and forever captured his heart. "Franz?!"

Dalawang pares na mata ang walang kurap na nagkatitigan. Ang kislap na matagal na panahon ding nawala ay bumalik at tila ba ang tagpong iyon ay kapana-panabik.

"K-kumusta ka na, Edell?"

Pasimpleng napasapo sa ulo ang don. Mabuti na lang pala at sinunod niya ang payo ni Opium na lumapit sa espesyalista kaya tamang-tama ang tubo ng kanyang buhok sa tuktok para sa muling pagkikita nila ng babaing naging bahagi ng masaya at makulay niyang nakaraan. "Okay naman! Kasama mo ba ang asawa mo?"

"Hindi. Hindi na ako nag-asawa pa."

"Bakit?"

"Dumaan na kasi sa buhay ko ang totoong pag-ibig at wala na akong mahanap na tulad niya."

Iwinaksi ni Edell ang isiping siya ang tinutukoy ng kaharap. Ayaw niyang umasa, baka masaktan lang siya.

"Ikaw? Nasaan ang asawa mo?"

Umiling ito, "Hindi na rin ako nag-asawa."

"Bakit?" balik-tanong ni Francheska.

"Hindi ko na matagpuan ang babaing hihigit sa una kong minahal!"

----

PAREHONG nakaramdam ng pagkaasiwa sina Don Edell at Francheska habang magkaabay sila sa paglalakad.

The night was in dead silent, but their hearts were alive. Tila ba nabuhay ang mga ito sa muli nilang pagkikita.

"Ilang taon na ba, Edell?"

"Matagal na, pero sariwa pa rin sa akin ang lahat na para bang kahapon lang tayo naghiwalay."

Napayuko ang ginang, "I'm sorry."

Sandaling nabalot ng katahimikan ang pagitan ng dalawa.

"Pinuntahan kita nang araw na 'yun kahit pinigilan ako nina Mama at Papa dahil sa iniwan mong habilin na huwag kitang susundan."

Nagpakawala muna nang malalim na buntong-hininga si Francheska."Alam kong hindi sapat ang paghingi ng tawad upang maibalik ang lahat," huminto ito sa paghakbang at tumingala sa mabituing kalangitan.

"Nagsisi ka ba?"

Bumaba ang tingin ng ginang kay Edell. "Mahalaga pa bang marinig mo ang sagot?"

Tipid na ngumiti ang don, "Baka sakaling mapawi nito ang mahabang panahong lumipas."

Mabilis na iniiwas ni Francheska ang mga mata upang maikubli ang pagpatak ng mga luha. Pasimple muna niya itong pinahid bago ipinagpatuloy ang paghakbang. "Kinaumagahan nang araw na 'yun ay lumipad kami ng New York para doon ipagamot si Papa. He recovered, but we need to stay there longer dahil..."

Sinundan ni Edell ang muling paghinto nang babaing hanggang ngayon ay sinisinta pa rin ng kanyang puso.

Francheska had a second-thought. Minabuti nitong sarilinin na lamang ang nais sanang ilahad, hindi pa siya handang magtapat. "Gusto ng pamilya ko na doon na lang kami manirahan." She silently curse herself, "I finished my degree hanggang pumanaw si Papa. After a year, bumalik kami ni Mama dito sa Pilipinas habang nagpaiwan naman ang dalawa kong kapatid sa New York."

"Naghintay kami ni Apollo."

"Kumuha lang ako ng tamang pagkakataon, p-pero..."

Ramdam ng matandang don na tila may nais ipagtapat sa kanya ang dating kasintahan. "Nagkaroon ka ba ng problema o may problema ka ngayon? Alam mong handa akong makinig at tumulong."

Sunud-sunod na umiling si Francheska. Napasapo pa ito sa sintido at pumikit.

"Franz?" Aktong lalapitan nito ang ginang nang mabilis itong tumalikod at tumakbo, "Franz!"

Sumunod agad ang don, ngunit parehong napahinto ang dalawa nang mula sa kanilang unahan ay natanaw nila ang pagliwanag ng direksyong kinaroroonan nang tree house.

Biglang nagbago ang atmospera sa paligid. Nawala ang tensyon at lungkot na kanina ay nakalukob dito, napalitan ito nang tila pagbabalik sa isang makulay na nakaraang puno ng pagmamahal.

Nagkatinginan sina Don Edell at Francheska, muling nangusap ang kanilang mga mata. Nagkangitian.

Walang nagbago sa tibok ng puso nila. Tulad pa rin ito nang dati na para bang musika na sumasabay sa hangin at idinuduyan sa kasiyahan ang kanilang pakiramdam.

Love is not about ages. It's a feeling that will always remain young. Nag-iiba man ang pisikal na panlabas, hindi ang pagmamahal na wagas.

"Naalala mo ba noong una tayong magkita?" pagbasag ng don sa katahimikan. "Ipinagtapat sa akin ni Papa na nang araw na 'yun ay may inupahan silang babae na magkukunwaring dinala sa akin ng tadhana. Ganoon siya kadesperado na magkanobya ako."

Napangiti si Francheska.

"Gumastos siya nang milyones para sa planong 'yun..."

"At nasayang lang dahil ibang babae ang nakatagpo mo. Tama ba ako?"

Umiling si Edell. "Walang nasayang dahil ang ibinigay sa akin ng tadhana ay higit pa sa milyones ang katumbas."

Muling nagkatitigan at nagkangitian ang dalawa.

"Shall we?"

Napatitig ang ginang sa nakalahad na palad.

"Huwag kang mag-alala, maganda ang panahon ngayon." Tumingala ito, "Siguradong hindi uulan."

Sa halip na abutin ang kamay ng kaharap ay inakbayan ito ni Francheska tulad nang lagi niyang ginagawa noon. "Wala ka pa ring ipinagbago, Edell. You're still romantic as what I have known you before."

Magkaabay nang naglakad ang dalawa. Hindi naman maipaliwanag ng don ang kaligayahang nararamdaman na akala niya ay habangbuhay nang mawawala. Tama ang kaibigan niyang si Roberto, wala sa pagkulubot ng balat o pagkalagas nang mga ngipin ang totoong pag-ibig.

"Alam mo ba na magkikita tayo ngayong araw, Edell?"

"Hindi, pero araw-araw akong naghihintay."

"Mukhang lagi ring nakahanda ang tree house," pagtukoy nito sa maliwanag na direksyon.

Hindi nakaimik si Edell dahil wala siyang ideya. Mula nang matuto sa larong bahay-bahayan sina Apollo at Frangela ay pinagbawalan na ng mga ito ang sinuman na lumapit dito.

Lumarawan ang pagkamangha sa mukha ni Francheska nang madatnan nila ang isang napakaromantikong tanawin. Taliwas naman ito sa naging reaksyon ng don na itinulos sa kinatatayuan.

The place was indeed very romantic. Nakapalibot sa buong paligid ang iba't ibang makukulay na bombilya. At lalo pang tumingkad ang liwanag dito dahil sa hugis-pusong yari sa mga talutot ng pulang rosas kung saan sa pinakagitna nito ay naroon ang puting upuan.

"You never fail to entertain me, Don Romantiko! Inihanda mo ba talaga ito sa akin?"

"Only for a royal queen," yumukod ito.

"Am I?"

"As always."

Tinungo ni Don Edell ang gitarang nahagip ng kanyang mga mata. Dinampot niya ito at napansin ang tiara na nasa lupa.

"I think we're not too young for this."

Ipinutong ng don sa ibabaw nang ulo ni Francheska ang kumikislap na tiara, "Isipin mo na lang na ito ang unang araw na hinarana kita." Iginiya niya ito sa upuan at dito ay muli niyang inawit ang kantang nakadikit na sa kanyang pangalan.

"O, ilaw.
Sa gabing madilim..."

Fate has its own way to create such beautiful story. Nawalan man nang tanglaw ang ilang taon nilang paghihiwalay, ngayon ay nagliwanag ito na tila ba parehong nakangiti sa kalangitan ang buwan at araw.  

DON ROMANTIKO (BOOK 4: RANCHO DE APPOLO) BY: LORNA TULISANAMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon