Pinipigilan nalang ng dalaga ang sarili tinapos niya na ang paggawa ng kape para sa binata. "Here inumin mo na muna iyan para mabawasan ang hang-over mo.'' ngiting wika nito sa binata.
''Thank you.'' sabay kuha ng kape at hinigop ito. ''Marami kapa bang gagawin?'' biglang tanong ni Dexter sa dalaga.
"Hindi naman masyado, natapos ko na ang cupcakes, ito na magsisimula narin ako ng cake birthday kasi ni Steph, kaya ako na ang nagpresintang gumawa ng mga ito." Paliwanag nito sa binata.
''You need help?'' wika ng binata sabay higop ng kape.
Tumawa naman ang dalaga. ''No need I can handle, kunti lang naman ito at isa pa nakakahiya naman sa'yo.'' sagot ng dalaga na pinipigilan ang sarili na kiligin. Masyadong mababa ang kaligayahan niya pagdating kay Dexter kaya naman kahit sa simpleng ngiti nito ay nag-uumapaw na sa saya ang puso niya.
Lumapit naman ng kunti sa kanya si Dexter sabay kurot ng ilong nito. "Sus 'wag kanang mahiya sa akin, ito talaga parang wala tayong pinagsamahan." pagbibiro pa ng binata.
"Hindi naman sa ganun, kaso lang-----.'' Hindi niya natuloy ang sasabihin ng pigilan ito ng binata sa pagsasalita gamit ang hintuturo nito na tinapat sa mga labi nito.
"Dami pang satsat, akin na nga iyan." sabay kuha nito sa itlog nahawak-hawak ng dalaga. Kaya wala naring nagawa ang dalaga kumuha nalang ito ng apron para sa binata.
"Use this." inabot nito ang apron sa binata.
"Thank you! May recipe book kaba?" tanong ng binata sa dalaga.
"Yes I have, wait kukunin ko muna.'' kinuha naman ng dalaga sa drawer ang nakatagong recipe book niya.
"You don't use recipe book if you are making a cake?" Takang tanong ng binata.
''Sometimes I use, but not all the time basta alam ko lang iyong mga Ingredients okay na makakagawa na ako ng cake."
"How about the procedure and measurement? Hindi mo na tinitingnan dito?'' Sabay taas ng cooking book na hawak hawak nito.
Tumawa naman ng mahina si Dane sa tanong ng binata, na akala mo malaking kasalanan kapag nagluluto ng cake na walang cook book. "Bigyan kita ng kunting tip kahit sa anong luto." Nakangiting wika nito.
"TIP?!" tanong nito na animo'y kabigla bigla ang sinabi ni Dane.
''Yup." maikling sagot nito habang busy ang mga kamay niya sa pagbebake ng cake.
"Ano naman iyon?" intresadong tanong nito sa dalaga.
"If you cook, do not over-rely on the instructions from one recipe book. Cooking is an art which requires your own observations and judgement.'' Nakangiting wika ng dalaga. "At syempre dapat mula sa puso ang pagluluto, kasi kahit anong dami ng ingredients ang ilalagay mo sa putahi mo kung wala sa puso ang pagluluto mo, isa lang ang magiging resulta niyan hindi masarap."
Namangha naman ang binata sa narinig sa dalaga. "Wow mukha kanang 30 years old ah." Napasimangot naman ang dalaga sa pagbibiro ng binata.
"Tse!" kunwaring tampo nito sa binata, naikinatawa naman ni Dexter.
"Kaya kita na miss eh, namiss ko iyang lagi mong pagtatampo kunyari sa akin pagbinibiro kita." Sabay lagay ng binata ng icing sa ilong ng dalaga.
Hindi rin nag pautang ang dalaga, kaya kumuha din siya ng icing at nilagay din iyon sa binata sabay takbo nito sa kabilang mesa. Nahinabol naman ng binata para malagyan din ulit ng icing ang dalaga, tawa naman ng tawa ang dalaga dahil sa paghahabulan nila sa loob ng kusina, para silang mga bata na naglalaro ng taguan.
Hanggang sa mahuli ito ni Dexter habang hawak hawak ang balakang ng dalaga, napinaharap nito sa kanya habang tawa ito ng tawa. Nakaramdam ng kakaiba ang binata, na para bang anghel na tumatawa ang naririnig niya hanggang sa tumigil na rin ang dalaga sa kakatawa, at nilagyan ng icing ang mukha ni Dexter na nakatulala parin na nakatingin sa dalaga.
"Oi ang dami na iyang nilagay mo sa mukha ko ha.'' natatawa naring wika nito sa dalaga. Kaya naman kumuha ulit ang binata ng icing para ilagay sa mukha ni Dane habang hawak hawak parin nito ang dalaga, sa kakaiwas ng dalaga ay pati ang mga labi niya ay nalagyan ng icing, kaya naman ng matapos na ang binata sa kalalagay ng icing sa dalaga ay nagkatinginan silang dalawa.
Hindi naman maiwasan ni Dane mapalunok ng makita niyang unti-unti bumababa ang mukha ng binata sa mga labi niya, kaya naman hindi niya namalayan, she lick her lips and a slow motion na akala mo nang-aakit.
Kaya naman ang huli niyang narinig na sinabi ni Dexter ay ''I'm sorry but I want to kiss your lips.'' kaya naman naramdaman na ni Dane ang mga labi ng binata na banayad na hinahalikan ang mga labi nito, kasabay ng pagtatanggal nito sa icing na nakapalibot sa labi ng dalaga, wala na siyang nagawa kundi pumikit habang ninamnam ang halik ng binata sa kanya. Si Dexter palang ang unang nakahalik sa kanya, kaya naman hindi niya alam kung ano ang itutugon sa binata.
''Open your mounth angel.'' Nang marinig ni Dane ang sinabi ng binata ay para siyang binuhusan ng malamig na tubig.
Nabigla naman ang binata ng bumitaw ang dalaga at tinulak siya ng kunti.
''I'm sorry.'' agad na hinging paumanhin ng binata sa kanya.
''It's okay, Excuse me maghihilamos lang ako.'' pamamaalam ng dalaga kay Dexter.
Nang nasa washing room na siya ay hindi niya naman maiwasan haplusin ang kanyang labi na namumula pa dahil sa halik na ginawa ng binata sa kanya.
Naghilamos na siya at pinagsabihan ang sarili. "Act like nothing happen Dane, ginusto mo iyan kaya panindigan mo.'' Lumabas na siya sa washing na parang walang nangyari. Nakita niya ang binata na nakatingin sa kanya ng seryoso.
''Maghilamos kana.'' nakangiting wika nito sa binata. Tumango naman ang binata at pumunta narin sa washing room at inayos ang sarili. Bumalik naman si Dane sa kanyang ginagawa.
NATAPOS NARIN ang mga ginawa nilang cake and cupcakes, ginawa nila iyon na parang walang nangyaring halikan sa kanilang dalawa.
"Wow It's beautiful, perfect pwedi kana magpatayo ng sarili mong pastry like Ashley." Napatigil naman si Dane sa ginagawa nito at tiningnan ang binata na busy sa kakalagay ng icing sa ibang bahagi ng cake.
''Kailan kaya iyong panahon na ang pangalan ko naman ang lagi mong binabanggit?"
"'May sinasabi kaba?" Tanong ng binata.
''Wala may kinakanta lang ako.'' Sinabayan niya pa ng matamis na ngiti.
BINABASA MO ANG
COUNT ON YOU (Book 2: Stubborn Heart) by: Lee Ann Pradas
RomanceHe is DEXTER MONTIVILLA, a boy-next-door type man whose passion is music. He's a man in every woman's dream. He's not only literally rich, but his heart is gold to give love unconditionally to ASHLEY MARIE GUEVARA na minahal niya nang higit pa sa ka...