PARANG ANG BILIS ng panahon, isang linggo nalang ang natitira sa one month na pinagkasunduan nila ni Dexter.
Sa mga araw na lumipas mas lalo niyang minahal ang binata, Dexter act like a real boyfriend to her, maalaga, mapagmahal, lahat na ng katangian ng isang boyfriend ay nakay Dexter na, pero ang napag-usapan ay napag-usapan, isa pa nangako siya sa pinsan niya na pagkatapos ng isang buwan, titigilan niya na ang kahibangan niya sa binata, sa katunayan nga may ticket na siya pauwi ng Pilipinas.
Araw ng linggo, naglalambing siya kay Dexter na doon matutulog ang binata sa condo niya, gusto niya kasi itong ipagluto.
"Araw-araw naman tayo nagsasama pero mukhang miss mo na agad Ako ah.'' Pagbibiro ni Dexter sa kanya. Napalabi lang si Dane sa sinabi ng binata.
"Okay, lang naman kung ayaw mo." Kunwaring tampo na wika nito.
Niyakap naman siya ng binata saka hinalikan sa tuktuk ng ilong nito. "Nagtatampo agad, binibiro lang naman kita, basta sa isang kundisyon." Sabay bulong nito kay Dane. Nanlaki naman ang mata ng dalaga sa sinabi ng binata. Tawa naman ng tawa si Dexter.
Exited siya sa araw na iyon marami siyang niluto para sa kanila ni Dexter nag-ayos din siya ng sarili niya para maiba naman ang look niya she put light make up on her face. Sinipat niya muna ang repleksiyon niya sa salamin bago niya binuksan ang nagdodoorbell.
Napatigil naman si Dexter ng mabungaran niya si Dane na nakaayos, tila ba'y nakakita siya ng isang Anghel sa ganda nito.
"Naglalaway kana oh," natatawang biro nito sa binata.
''You look stunning.'' Hindi mapigilan ni Dexter na purihin si Dane.
"Thanks." Sabay kuha ng bulaklak na dala ng binata na inabot sa kanya. Ninakawan naman siya ng halik ni Dexter bago pumasok. Namumulang sinundan nalang ni Dane ang binata.
Kung titingnan silang dalawa para talaga silang nagmamahal sa isa't isa. Kung sana walang one month na expiration ang relasyon nila, siya na sana ang pinakamasayang babae sa buong mundo. Pero hindi, hindi nakikiayon ang kapalaran sa kanya, dahil kahit anong gawin niya may nag mamay-ari sa puso ng lalaking mahal niya. Hindi napigilan ng dalaga tumulo ang luha niya, agad niya namang pinunasan iyon.
Pinagsaluhan nila ang pagkain na inihanda ni Dane, umupo sila sa veranda at doon nagpahangin habang nakatingala sa kalangitan, na tila ba nakikiayon sa kanila dahil sa mga bituing tila sumasayaw at inaaliw sila.
Nakahilig ang ulo ni Dane sa dibdib ng dbinata habang si Dexter naman ay nakayakap sa kanya. She take a selfie picture sa ganoong ayos nila.
Walang may nagsalita sa kanila tahimik silang pareho, kaya naman hinila na ng antok ang dalaga, nang mapansin ni Dexter na nakatulog na si Dane, dahan-dahan niya itong inayos at binuhat papuntang kwarto ng dalaga, pinalitan niya ang damit ni Dane, pinunasan ang mukha ng dalaga. Pagkatapos niyang bihisan ang dalaga ay hinalikan niya ito at tumabi naring natulog sa dalaga.
Nagising si Dane ng hating gabi pagmulat niya mukha si Dexter ang nakita niya, hinaplos niya ito, na para bang kinakabisa ang bawat bahagi ng mukha ng binata. Isang araw nalang flight niya na pauwing Pilipinas, ngayon palang mamimiss niya na ang binata.
Umungol naman si Dexter dahil sa ginawa ni Dane. Kaya naman na pangiti ang dalaga. "Mamimiss kita.". Wika nito sabay yakap sa binata.
KINABUKASAN ay kinausap ni Sherwin si Dane. ''Flight mo na bukas bunso, sigurado kana ba?" Nababahalang tanong nito kay Dane.
"I already made a promised to you kuya, hindi ko sisirain iyon and beside para din naman ito sa akin." Malungkot na turan ni Dane labag man sa loob ang pag-uwi niya ng Pilipinas kailangan niya iyong kayanin.
Tinulungan siya ni Sherwin mag ligpit ng mga gamit niya. "I want to sleep with him tonight kuya, sunduin mo nalang ako in the middle of the night.'' Hiling nito sa pinsan, wala naman may nagawa si Sherwin kaya pumawag na din siya.
Pagkatapos ng Gig nila ay dumiritso na sina Dane sa bahay nina Dexter.
"Pagod ka ba?" Malumanay na tanong ni Dexter sa dalaga habang nasa byahe sila.
Ngumiti lang si Dane sa binata. Kinuha naman ni Dexter ang palad ng dalaga saka dinampian ng halik.
Parang sasabog sa sakit ang puso ni Dane dahil sa ginagawa ng binata sa kanya.
They made love for how many times, para bang sinusulit nila ang oras na magkasama sila.
Kinintilan ng halik ni Dexter si Dane bago ito pumikit at natulog. Tiningnan ni Dane ang orasan mag-aalas tres na ng umaga, agad niyang hinagilap ang cellphone niya. Saka nag send ng message kay Sherwin.
Pagkatapos niyang magbihis, kinuha nito ang cellphone at pinicturan ang binata habang himbing na himbing sa pagtulog. Sinulyapan niya ito sa huling sandali, kasabay non ay ang pagpatak ng luha niya.
Paglabas niya ng bahay nina Dexter agad niyang natanaw ang pinsan nito, hindi niya naman maiwasan na tumakbo at umiyak sa mga bisig ni Sherwin.
Awang hinaplos ni Sherwin ang likod ni Dane. "Tahan na." Pang-aalo ni Sherwin sa pinsan nito. Kahit anong pigil niya na hindi na iiyak ay umagos parin ng kusa ang mga luha niya.
Dumiritso na sila sa Airport inayos muna ni Dane ang sarili bago bumababa sa kotse ng pinsan nito, ganun din ang ginawa ni Sherwin. Bumuntong hininga muna ang dalaga bago nag check-in, kinuha na nito ang mga gamit sa pinsan bago siya tumalikod na parang wala sa sarili.
"Bunso!" Tawag ni Sherwin sa kanya. Nilingon naman iyon ni Dane niyakap siya ni Sherwin. "Everything will be fine.'' Wika nito habang yakap-yakap si Dane.
"Thank you kuya." Saka tumalikod na sa pinsan.
SAMANTALA nagising si Dexter na may ngiti sa lagi, isang buwan na buhat ng naging sila ni Dane, so far he feel good, parang biglang nabuo ang pagkatao niya ng dahil kay Dane.
Kinapa niya ang tabi niya para sana yakapin ito, ngunit napamulat siya ng kanyang mata, wala si Dane sa tabi, dali-dali siyang tumayo at bumaba sa kusina nila pero wala doon ang dalaga, sinubukan niya din tingnan sa Music Room, sa Cr, pero wala si Dane kahit saang sulok ng bahay nila. Hindi niya alam pero nakaramdam siya ng kaba, tinakbo niya ang cellphone nito sa kwarto nito. Sinubukan niyang tawagan si Dane pero out coverage area ito.
Hindi niya alam pero kinakabahan talaga siya. Kahit hindi nakapagbihis ang binata ay napagdesisyunan niyang puntahan ito sa condo ng dalaga. Ngunit ilang buzzer na ang ginawa niya walang Dane na nagbukas sa kanya.
Wala sa sariling nagdrive siya patungo sa bahay ni Sherwin.
Ilang katok ang ginawa niya bago siya binuksan ng kaibigan.
Pagbukas ni Sherwin ng pintuan niya ay nabigla pa ito ng nakita si Dexter.
''Bro, sorry kung nabulabog kita, It's Dane is here?'' Niluwagan naman ni Sherwin ang kanyang pintuan para makapasok ang binata.
Nang nasa sala na sila ay agad nagsimulang magsalita si Sherwin. ''She's not here bro.'' Sabay tingin kay Dexter.
''Sige tatawagan ko nalang ulit siya." Sabay tayo ni Dexter.
"Dex, she's already in airport a minute later, she's going to flight back in Philippines." Habol ni Sherwin kay Dexter.
''Philippines?" Hindi makapaniwalang tanong nito. Sabay talikod nito.
"Bro!" Tawag ni Sherwin kay Dexter.
Tinaas lang nito ang kamay saka lumabas ng bahay ni Sherwin.
Wala sa sariling nagmaneho siya pauwi sa bahay nila.
Gusto niyang magwala, gusto niyang sumigaw, pero ano ang maitutulong no'n sa kanya?
Ginala niya ang mga mata niya sa kabuuan ng bahay nila, mukha ni Dane ang nakikita niya sa bawat sulok ng bahay nila.
Ilang araw ng hindi lumalabas si Dexter sa bahay nila, pinatay niya din ang cellphone nito.
"Iyan nalang ba ang kaya mong gawin?" Napalingon si Dexter sa nagsalita.
"Ma?" Binuka naman ng INA nito ang mga kamay para mayakap ang anak.
"M-ma?" Garalgal na wika nito. '
''Nasasaktan ka naman ba?" Tanong ng Ina nito sabay hagod ng likod ni Dexter.
"Hindi pa ba sapat iyong pinakita ko sa kanya Ma?" Niyaya niya namang umupo si Dexter.
"Sigurado ka bang pinakita mo at pinaramdam mo sa kanya na kailangan mo siya? Na mahal mo na pala siya? Kaming mga babae kailangan namin ng assurance mula sa inyong mga lalaki, hindi batayan ang ginawa niyo sa kama, hindi iyon ang magiging dahilan para manatili kami sa inyong mga lalaki, nasasaktan kami lalo pa't sa simula palang wala ng kasiguraduhan ang relasyong pinasok namin." Paliwanag ng Ina niya.
"Ayusin mo sarili mo, alamin mo kung ano ang tamang gagawin mo, hindi makakatulong ang pagmumukmok mo dito.'' Wika ng Ina nito.
Maaring tama ang kanyang Ina, pero bago niya gagawin iyon kailangan niya munang tuldukan ang nakaraan niya para maging buo siya paghinarap niya si Dane.
BINABASA MO ANG
COUNT ON YOU (Book 2: Stubborn Heart) by: Lee Ann Pradas
RomanceHe is DEXTER MONTIVILLA, a boy-next-door type man whose passion is music. He's a man in every woman's dream. He's not only literally rich, but his heart is gold to give love unconditionally to ASHLEY MARIE GUEVARA na minahal niya nang higit pa sa ka...