NAKALABAS na si Ashley sa hospital, ganun din si Dane. Hindi na muna nagpakita si Dexter kay Dane, tinatanaw nalang nito sa malayo ang dalaga. Lagi siyang nakambay sa labas ng bahay ng mga ito. Kagaya nalang ngayon, tinawagan siya ni Ashley na doon daw siya magdi-dinner sa bahay nila. Dumaan lamang siya kina Dane para makita ito, she missed her so much, ganon na pala kalalim ang pagkamiss niya sa dalaga.
Bumuntong hininga muna siya bago niya pinaandar ang sasakyan nito, hiniram niya pa ito sa pinsan niya para hindi halata ang lagiang pagtatambay niya.
Nakarating na siya sa bahay ng mag-asawang John at Ashley, agad naman siyang pinagbuksan ng security ng bahay.
Nang makababa na siya ng sasakyan ay agad siyang sinalubong ng mag-asawa, si Ashley naman ay agad lumapit sa kanya at hinalikan sa pisngi si Dexter, her sweet Ashley nakasanayan niya na itong gawin kay Dexter, wala naman iyong malisya para kay Ashley pero dahil sa mga gesture nito naalala niya noong limang taon na ginugol niya ang buhay kay Ashley, kaya hanggang ngayon ay hindi buo ang pagkatao niya.
''I miss you,'' malambing na wika ni Ashley sa kanya habang nakakawit ang mga kamay nito sa braso ng binata. Si John naman ay busy sa anak nito, bumati lang ito sa kanya saka binaling agad ang tingin sa anak.
"I miss you too Angel." Anas ni Dexter.
Ngumiti naman si Ashley sa kanya. Saka nagpaalam kay John. ''Dad, usap lang kami ni Dexter ha.'' Paalam nito sa asawa. Nakangiting tumango naman si John.
Pumunta sila sa mini garden ng bahay nina Ashley. Umupo sila sa upuan ng garden.
''Masyado talagang galanti ang napangasawa mo ah, may mansyon, may play ground, may garden. I can't count how many cars do you have in the granage.'' Nakangiting sabi ni Dexter, no wonder, Hero is for her Princess. Pinatunayan iyon sa mga nakikita niya ngayon. He look to her, he found happiness and contentment on Ashley eyes.
"Dex, kamusta kana.'' Pag-iiba ni Ashley ng usapan.'' Napaupo naman ng matuwid si Dexter.
"I don't know, wala akong tamang sagot sa tanong mo Angel, because until now I feel the pain inside.'' Sabay turo nito sa dibdib niya, awang tinitigan ni Ashley ang binata.
"I'm sorry.'' Tanging nasabi ni Ashley.
"No, you don't need to say sorry, dahil wala kang kasalanan, I know you tried to choose me, pero alam ko hindi ako ang kaligayahan mo. Seeing you happy right now, ay masaya na ako. I already accept the fact, that we're not meant to be. Hindi naman kasi basta basta mawawala iyong sakit, dahil mahirap pahilumin ang sugat, lalo na't malalim ang dulot nito, pero kahit gaano pa kalalim at kasakit ang sugat na iyon, ay unti-unti din iyong maghihilom sa tamang panahon." Wika ni Dexter.
''That's why I want to talk with you, dahil gusto ko ng closure between us, hindi man tayo naging officially lovers, pero mas malalim at madami tayong memory together na higit pa sa magkasintahan. Yes, I admit to my self mahal kita, pero mas mahal ko siya.'' Sabay yuko ni Ashley.
"I know Angel, alam ko iyon, mas okay din naman itong nakapag-usap tayo, para palayain na natin ang isa't-isa. Don't worry about me kaya ako bumalik sa Pilipinas ay para ayusin ko ang sarili ko, at ito ang tamang kailangan kung gawin.'' Sabi nito.
Kinuha naman ni Ashley ang kamay nito na nakapatong sa lamesa. "Dex, I'm sorry dahil sa akin nasasaktan ka, pero sana lagi mong iisip you are a big part of my life at lagi ka lang nasa puso ko, that's why every day and night I pray, hoping that you'll find happiness to someone else, don't stuck yourself to me Dex, dahil hindi ako napapanatag," napaluhang wika ni Ashley, ang laki ng tulong at sakripsyo sa kanya ni Dexter.
Pinunasan naman ni Dexter ang luha ni Ashley. "Don't cry because of me, ayaw kung nakikita kang umiiyak ng dahil sa akin, As I told you I just come her to fix my self." Habang patuloy parin ang pagpunas niya ng luha ni Ashley.
"Always remember that I'm always here for you Dex, as your friend." Sabay yakap ni Ashley kay Dexter.
Sa di kalayuan naman ay nakatanaw si John sa dalawa, he thanks god dahil binigyan niya ng opportunity ang dalawa para makapag-usap, hindi siya nakaramdam ng selos, bagkus masaya siya sa pag-uusap ng dalawa, malaking bagay ang dapat niyang ipasalamat kay Dexter kaya deserved lang nito ang maayos na pakikitungo buhat sa kanya.
Tumalikod siya at pumasok sa loob ng bahay, ngayon mapapanatag na siya, masaya at maayos ang pagsasama nila ni Ashley lalo na ngayon may isang Anghel na dumating sa buhay nila.
Closure lang ang kailangan nilang dalawa, pagmamahalan nila na hanggang magkaibigan lang. "Be happy always okay, 'wag ka nang-iyakin ha.'' Nangiting wika ni Dexter habang tinutuyo ang luha ni Ashley, ang papel niya kay Ashley ay isang taga punas ng luha nito, pero hindi niya iyon pinagsisihan, being with Ashley is the most precious part of his life.
"May hindi ka ba sinasabi sa akin Dex?" Pansin ni Ashley dahil nararamdaman niyang balisa ang binata.
Tiningnan niya muna si Ashley, then he let out a deep long sigh. "I hurt someone.'' Panimula nito na sa malayo nakatingin.
Umupo naman ng maayos si Ashley. "Don't hesitate to tell me Dex, go on. Andito ako para makinig sa'yo.'' Nakangiting wika ni Ashley.
''Naging makasarili ako, naging mapanggamit, iniisip ko lang ang sarili ko, hindi ko na naisip may masasaktan pala ako.'' Nakikinig lang si Ashley, habang kinukwento ni Dexter dito ang nangyari sa New York.
"Oh My God....! Did you do that? Alam mo ang sarap mong pukpokin ng martilyo. I never imagine na si Dexter na minahal ko ay kayang manakit ng babae,'' malungkot na turan ni Ashley. "Pero hindi naman kita masisi, dahil ako ang may kasalanan kung bakit ka nagkakaganyan.'' Dugtong pa nito.
''Please Angel, don't blame yourself, ako ang may kasalanan sinamantala ko ang pagmamahal ni Dane sa akin para makalimot, but she did nakalimutan kita nang kami ay magkasama pa, kaya nga umuwi ako dito sa Pilipinas para makausap ka, at maayos ko na ang sa amin ni Dane lalo pa ngayon na nagdadalang tao siya.'' Namilog ang mga mata ni Ashley sa sinabi ni Dex.
Maya-maya lang ay nagtitili na ito. Kaya pati si John ay humahangos na pumunta sa kanila. "Princess what happen?'' Nababahalang wika nito. Lumapit naman si Ashley sa asawa. ''Oh my God Dad, Dexter also become a Daddy soon.'' Tuwang kinukwento nito sa Asawa.
Binalingan naman ni John si Dexter. "Wow, that's good news bro, malay mo mga anak pala natin ang magkatuluyan.'' Sabay tawa nito ng malakas kaya naman napalo ito ni Ashley.
''Hindi pa nga natin alam kung ano ang magiging gender ng baby kung ano-ano na ang pinagsasabi mo.'' Wika nito sa Asawa.
''Ano ka ba, I'm just kidding.'' Sabay halik sa noo ni Ashley.
Natatawa naman si Dexter sa dalawa, malaking tulong ang pag-uusap nila ni Ashley dahil wala na siyang nararamdamang sakit marahil natanggap na nito na hindi talaga sila para sa isa't-isa.
"Sino kaya ang maswerting babaing magiging INA ng anak mo?'' Tanong ni John na may halong biro kay Dexter.
Ngumiti lang si Dexter sa tanong ni John. ''Okay, let eat na para makalayas na si Dexter." Wika ni Ashley na ikinataas ng kilay si John.
"Porke ba magiging daddy na si Dexter, palalayasin mo na agad? Selos ka ano?'' Biro nito sa asawa.
''Aba, walang hiya talaga itong asawa ko.'' Sabay hampas kay John, ang huli naman ay tawa ng tawa saka hinuli ang mga kamay ni Ashley.
''Stop it, Princess nagbibiro lang naman ako.'' Sabay kindat nito kay Ashley.
''Kung magbangayan kayo parang wala ako sa harapan niyo ah.'' Natatawang wika ni Dexter. Kaya natawa nalang silang tatlo.
"Pasok na tayo sa loob, lalamig na ang mga pagkaing hinanda nila.'' Wika nito John, sabay akbay sa asawa nito.
Sumunod naman si Dexter habang tinitingnan ang mag-asawa sa harapan niya. Bigla naman pumasok si Dane sa isip nito. He missed her badly, kaya magpapakita na siya mamaya sa dalaga. Kailangan niya nang harapin ang dapat niyang harapin, lalo pa ngayon na nakapag-usap na sila ni Ashley.
Masaya nilang pinagsaluhan ang hapunan nila. Pagkatapos nilang kumain ay nagpaalam na si Dexter sa mag-asawa.
''If you need help just call me okay.'' Bilin ni Ashley kay Dexter. Tumango naman si Dexter bilang tugon dito. Saka umalis na.
Hindi niya alam kung bakit sobrang excited siyang nagda-drive patungong bahay nina Dane. Dumaan muna siya sa flower shop at bumili rin siya ng mga prutas.
SAMANTALA kinausap naman si Dane ng mga magulang nito.
"Anak, kausapin muna si Dexter, araw-araw nang nakatambay sa labas iyong tao.'' Wika ng Ama ni Dane.
"Kausapin mo na anak, ano ba kinagagalit mo doon? Kilala ko si Dexter simula pagkabata mabait iyon, irrisponsable, kaya nga hindi kami na bahala ng sinabi mo na siya ang Ama ng dinadala mo, dahil panigurado ako na pananagutan ka niya." Oo nga naman ano nga ba ang inaarte niya, si Dexter na iyong lumalapit ngayon, iyon naman ang gusto niya noon.
''Okay Mom, Dad kakausapin ko na po.'' Sagot nito sa mga magulang para hindi na sila mag-alala.
Ngumiti naman ang mga magulang niya, masaya sa desisyon ng anak.
Nasa labas sila ng hardin ngayon, nagpapahangin sila kakatapos lang nilang kumain ng hapunan. Mamaya lang ay pinuntahan sila ng katulong ng mga ito. ''Ma'am may naghahanap po ko Ma'am Dane.'' Wika ng katulong nila. Agad naman nabalisa si Dane.
"Sige papasukin mo na Manang.'' Sabi ng Ama ni Dane.
Nang bumalik ang katulong ay kasunod na nito si Dexter na may dala-dalang bulaklak at isang basket ng prutas.
"Hijo, ikaw pala." Bati ng Ina ni Dane.
"Come and join us Hijo.'' Dugtong naman ng Ama ng dalaga. Nagmano naman ito sa mga magulang ng dalaga bago ito tumabi sa kanya.
''Hi." Bati nito kay Dane sabay abot ang bulaklak sa dalaga.
"Thank you.'' Pasasalamat nito bago kinuha ang bulaklak.
"Kumain kana ba Hijo?" Tanong ng INA ng dalaga.
"Opo tapos na po." Nakangiting sagot nito.
''O siya mauna na kaming pumasok sa loob ng bahay ha, mag-usap lang kayo diyan." Wika ng Ama ni Dane sabay tayo nito at sumunod narin ang kabiyak nito.
Nang makaalis ang mga magulang ay hindi naman maiwasan ni Dane ang mapalunok.
"Can we talk?" Malumanay na tanong ni Dexter.
She swallowed hard. "Tungkol ba sa pinagbubuntis ko ang pag-uusapan natin?" Diretsong tanong nito.
''Yes, I mean No.'' Nalilitong sagot ni Dexter.
"I'm sleepy.'' Sabay tayo ni Dane.
Bigla naman na alarma ang binata kaya napatayo na din ito.
"Dane, please can we talk.'' Nagsusumamong wika nito.
"Talk? About what? For the baby? Don't worry Dex ipapakilala kita bilang Ama niya." Sabay talikod nito, agad naman siyang nahawakan ni Dexter ang braso niya, saka hinarap ito sa kanya.
"I missed you so much,'' wika nito sabay halik sa noo ni Dane. Hindi naman maiwasan ni Dane ang mapasinghap dahil sa ginawa ni Dexter, sobrang miss niya din ang binata. Hindi niya alam pero biglang tumulo ang luha niya.
Ngayon alam na ni Dexter kung ano ang naramdaman niya kay Dane. Sa yakap na ginawa niya dito ay biglang gumaan ang pakiramdam niya. Alam niya ito ang para sa kanya. Ang magiging pamilya niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/62617809-288-k98454.jpg)
BINABASA MO ANG
COUNT ON YOU (Book 2: Stubborn Heart) by: Lee Ann Pradas
RomansaHe is DEXTER MONTIVILLA, a boy-next-door type man whose passion is music. He's a man in every woman's dream. He's not only literally rich, but his heart is gold to give love unconditionally to ASHLEY MARIE GUEVARA na minahal niya nang higit pa sa ka...