''Sige na, matutulog na ako, bukas may check up ako sa Doctor, baka gusto mong sumama 9am sharp." Malamig na wika ni Dane, she really missed Dexter, pero hindi niya alam kung bakit mainit parin ang ulo niya sa binata. She want to blame her hormones ganito talaga siguro pagbuntis, tupakin , mainitin ang ulo. Tumalikod na si Dane, pero hindi pa siya nakakailang hakbang ay nagsalita si Dexter.
"I love you." Mahinang sabi ni Dexter pero malinaw iyon sa pandinig ni Dane. Napasinghap siya. Wala sa loob na napahawak sa dibdib. Umaagos ang kaligayahan sa dibdib niya, ito ang mga katagang matagal niyang inasam. Napaharap siya sa binata.
Napatitig dito. Gusto niyang tumakbo sa mga bisig nito at yumakap. Pero hindi niya ginawa, ipinako niya ang sarili dahil gusto niyang makatiyak.
"Y-you're telling me that you love me because...'' Hindi matuloy-tuloy na sasabihin nito. ''Because I'm pregnant? You want to make things right?'' Malungkot na turan ni Dane...
''Walang may pumilit sa akin na panagutan ka, Dane. If you think I am a that noble, then think. Basta ang alam ko lang ngayon Mahal na kita, I wish you can believe me, with or without the baby. Kaya ako umuwi dito sa Pilipinas para sundan ka at maayos na ang sarili ko, I didn't expect na may sorpresa akong matutuklasan, na magiging Ama na pala ako.'' May ngiti sa labi na wika ni Dexter
Tinawid ni Dexter ang espasyo sa pagitan nila, niyakap siya nito, pulled her closer, bending to brush a quick kiss over shaking mounth. May namuong luha sa mga mata niya hindi parin siya makapaniwala.
''Don't cry baby, I don't want to see you cry because of me." He said while wiping Dane tears.
"I want to marry you, if you give me one more chance.'' Wika ni Dexter habang nakakulong parin si Dane sa mga bisig nito.
Inilayo ni Dane ang sarili kay Dexter, her spine rigid with pride. 'K-kaya mo lang sinasabing mahal mo ako dahil buntis ako. Hindi ko kailangang ang awa mo Dex. Magiging Ama ka ng anak natin, na hindi na kailangan pang magsinungaling, hindi mo pweding ipilit ang sarili mo sa akin, dahil lang buntis ako.'' Wika ni Dane na pinipigilang lumuha.
Huminga nang malalim si Dexter at hinawakan siya sa magkabilang balikat. ''Please, listen to me, I love you.''
''How? When? Paano mo nalaman na mahal mo ako, at kailan iyon nangyari?'' Naluluhang tanong ni Dane, bakit kailangan pa ng binata magsinungaling.
Bakit kailangan niya pang bumuo ng kwento na mahal siya nito, mas pinapahirapan niya lang ang sitwasyon.
"I love you. I've been in love with you since, our first date, seeing you that time was heaven. Perhaps I already in love the first we've meet, natatakot lang siguro ako noon na magmahal ulit.'' Wika ni Dexter.
She wanted to believe him. She ached to believe him.
Itinaas nito ang mukha niya. ''Dane, I love you. Please give me a chance to prove to you, how much I love you.'' He beg her, napaluhod pa ito sa harapan ni Dane.
"Dex, please don't....'' Pag pipigil ni Dane na lumuhod si Dexter, but Dexter did, ginawa niya just to prove to Dane.
Nag-uupaw sa tuwa ang puso ni Dane, she never thought na darating ang araw na ito, na mahalin din siya ni Dexter, nakikita niya sa mga mata ng binata ang sinseridad nito.
Tumingala si Dexter sa kanya, sinalubong naman nito ang mga mata ng huli. Hinahanap niya roon kung nagsasabi ito ng totoo. Wanting with all heart to believe him.
"You're sure you love me?'' Paninigurado nito.
''More than I can ever tell you. I feel so empty when you leave me that day. I need you and I love you, Oo aaminin ko noong magkasama pa tayo sa New York, naguguluhan ako, nasasaktan ako, but I assure you this time, wala na akong pag-aalinlangan sigurado na ako sa naramdaman ko sa'yo. Dahil bago ako pumunta dito, I already talked to Ashley, at doon ko napatunayan na unti-unti ng naghihilom ang sugat, dahil ikaw na ang laman ng puso ko.'' Paliwanag nito.
Umaagos na ang luha ng dalaga hindi niya mapaniwalaan ang naririnig. ''Her heart beating so fast. She drew a deep breath. Saka pinatayo si Dexter. ''I love you too Dex, I always love you since then.'' Dexter wipe her tears, then he cupped her face and kissed her with all he feel for Dane. Ito ang para sa kanya, ang totoong kanya, wala siyang kahati sa pagmamahal nito. Naramdaman niya na unti-unting nabubuo ang pagkatao niya sa bawat halik na ginawad niya kay Dane ay sinagot naman ng huli ng buong pagmamahal na nagsasabi, andito ako mahal kita at mamahalin pa kita.
Natigil nalang ang dalawa sa paghahalikan ng marinig nila ang palakpakan, nakita nila ang mga magulang ni Dane na masayang nakatunghay sa kanila.
"Finally, okay na sila kaya pasok na tayo Hon.'' Wika ng Ama ni Dane na inakay na ang asawa.
''You can sleep here, if you want young boy.'' Pahabol ng Ama ni Dane na ikinatawa nilang dalawa.
"Sabi ni Daddy, pwedi daw akong matulog dito.'' Bulong nito kay Dane, kaya kinurot naman ito ni Dane.
Tawa naman ng tawa si Dexter habang hinuhuli ang mga kamay ni Dane.
''Halika na miss na kita, gawin nating kambal ang baby natin.'' Biro nito kay Dane, naikanapamula ng huli.
Kumuha si Dane ng damit ni Sherwin sa kabilang kwarto para makapagbihis si Dexter. ''Here you can use this.'' Sabay abot kay Dexter ng damit.
''Hindi naman ata kailangan iyan, huhubarin lang naman iyan mamaya.'' Nabato naman ito ni Dane ng unan dahil sa sinabi nito.
''Ikaw na lalaki ka, wala kana talagang mainisip na matino, kundi iyang mga kabastusan na iyan.'' Singhal ni Dane kay Dexter.
''Baby naman E, nagsasabi lang naman ako ng totoo. Diba tama naman ako?'' Sabay kindat kay Dane.
Inirapan naman ito ng dalaga. Saka nahiga na sa kama. Tumabi naman si Dexter sa kanya, pinaunan nito ang braso kay Dane. ''Thank you.'' Usal nito kay Dane.
"Thank you for what?'' Takang tanong nito.
''Thank you dahil binuo mo ulit ang buhay ko.'' Sabay halik sa buhok ni Dane.
''Sabi mo nag-usap kayo ni Ashley? How is she?'' Tanong nito, dapat masanay na siyang pag-usapan ang past ni Dexter.
"She's fine, happy and contended to her life, lalo na ngayon na may anak na sila ni John." Sagot nito kay Dane.
''Nanganak na pala siya?" Tanong ulit ni Dane.
''Oo, nong araw na magkabanggaan tayo, kaya ko rin nalaman na buntis ka, dahil magkatabi lang kayo ng kwarto noong nanganak siya." Sagot nito kay Dane. Magtatanong pa sana si Dane ng tumunog ang cellphone ng binata.
Agad naman iyon sinagot ng binata, dahil nasa bulsa lang naman iyon ng pantalon niya.
Si Ashley ang tumatawag. "Hello Angel?'' Sagot ni Dexter na ikina luwag ng yakap ni Dane sa binata.
''Kamusta na nakausap mo na ba siya?'' Tanong ni Ashley sa kabilang linya. Umalis naman si Dane sa pagkakahiga sa braso ng binata, agad naman itong pinigilan ni Dexter. ''Stay.'' Utos nito kay Dane.
''Oo, okay na kami ngayon, sa katunayan nga iniistorbo mo kami ngayon.'' Biro ni Dexter kay Ashley, narinig naman iyon ni Dane kaya kinurot nito ang binata.
''W-what? Oh my God, I'm sorry,'' sabay tawa ni Ashley ng malakas. "Okay, before I hang up the phone, gusto ko kayong imbitahin sa binyag ni baby DJ, sa susunod na araw.'' Wika ni Ashley bago binaba ang tawag.
''Ikaw talaga ang loko mo.'' Nakasimangot na wika ni Dane.
"Iniimbita nila tayo para sa binyag ni baby DJ.'' Wika ni Dexter sabay yakap ng mahigpit kay Dane. Saka ipinikit ang mata nito. Hanggang sa makatulog na sila.
Kinaumagahan, gaya ng napag-usapan ay sumama si Dexter para sa check-up niya pagkatapos noon, dumeritso sila sa Mall para bumili ng regalo sa anak ni Ashley na bibinyagan. Masaya silang namimili ng iriregalo ng biglang may tumawag sa pangalan ni Dexter. ''Dex?'' Napalingon naman si Dane sa babaing tumawag kay Dexter.
Si Ashley ang babaing iyon, ang ganda niya ngayon dahil nanganak na ito, bigla naman na conscious si Dane, nabigla nalang siya nang inakbayan siya ni Dexter.
"Hi Angel.'' Bati nito kay Ashley. Lumapit naman ang huli para halikan ito sa pisngi na ikinasinghap ni Dane.
''You must be Dane right?'' Tanong nito sabay halik sa pisngi niya. Feeling close lang te? Sigaw ng isang bahagi ng utak ni Dane.
"Hi I'm Ashley.'' Pakilala ni Ashley sa sarili niya kay Dane, pero parang walang narinig si Dane. "Masakit ang ulo ko." Wika nito.
"Huh? Are you alright?" Natarantang wika ni Ashley.
Binalingan naman ito ni Dexter. "Okay ka lang ba?'' Tanong nito.
''Bigla lang sumakit ang ulo ko, may naamoy lang akong masamang hangin.'' Wika nito na nakatingin kay Ashley.
Wala sa sarili namang tumawa si Dexter. "Silly.'' Sabay kurot ng ilong ni Dane, si Ashley naman ay parang pinaprocess kung ano iyong sinabi ni Dane na ikinatawa ni Dexter.
''Princess, andito ka lang pala.'' Sabi ng boses na nasa likod nina Dane.
"Dex, what are you doing here?" Sabay kamay sa binata.
"Bumili kami ng gift para kay DJ para bukas.'' Sagot ni Dexter.
''Sino naman itong magandang binibini na nasa tabi mo?'' Aliw na tanong ni John.
Ngumiti muna si Dexter bago sumagot. ''She's soon to be my Mrs. Montivilla.'' Sabay kindat kay Dane.
Tuwang lumapit naman si Ashley kay Dane at niyakap ito. ''Finally, na meet narin kita.'' Wika nito habang yakap yakap pa din siya.
''Double date tayo, since andito narin lang tayo." Suhesyon ni John.
''Where's DJ?'' Maang na tanong ni Dexter.
''Hiniram ni Joanna, siya daw muna ang magbabantay sa pamangkin niya.'' Sagot ni Ashley.
"Kaya pala buhay binata at dalaga kayong mag-asawa.'' Biro ni Dexter sa kanila. Nakinatawa naman ng dalawa, they look good together.
Si Dane naman ay tahimik lang. "Hi I'm John, Ashley husband.'' Pag-iiba ni John ng usapan lalo pa't napansin nitong tahimik lang si Dane.
Nakangiti naman na nilahad ni Dane ang kamay kay John. ''Hi, I'm Dane.'' Wika nito, sabay tingin kay Ashley na nakangiti sa kanya, mukhang mabait naman ito kaya nilahad na din ni Dane ang kamay niya kay Ashley. ''Dane Gomez.'' Wika nito.
''And soon to be Mrs. Montivilla.'' Nakangiting wika nito kay Dane sabay lahad din ng kamay sa dalaga.
"Kain tayo, my treat.'' Wika ni John sa lahat, na agad naman sinang-ayon ng lahat.
Nang nasa Restaurant na sila, ay nakapalagayan naman agad ni Dane ng loob si Ashley, sa unang tingin mukha itong suplada, pero pagnakasama at nakausap mo na pala ay masayahin ito, at palatawa, mabait din ito, maliban nalang sa masyado itong malambing sa dalawang lalaki. Pero baka ugali niya na talaga iyon. Makwento din ito. Minsan nga nakikitawa narin si Dane sa mga kwento nito.
Nang matapos ang pagkain nila ay nagpaalamanan na sila na uuwi. ''Kulang ang oras sa kwentuhan, ipagpatuloy nalang natin bukas ha.'' Wika ni Ashley kina Dane at Dexter.
"Sure.'' Nakangiting sagot ni Dane. Mabait naman si Ashley at nakikita niyang masaya ito sa feeling ng asawa nito, kaya wala dapat siyang ipagselos.
''She's nice.'' Wika ni Dane ng nasa sasakyan na sila ni Dexter. Kinuha naman ni Dexter ang kamay niya saka dinala iyon sa labi at hinalikan. "I'm glad you like her, 'wag mo siyang pagselosan ha. Isa na lamang siyang nakaraan at ikaw naman ang nasa kasalukuyan.'' Hindi naman maiwasan ni Dane ang kiligin sa sinabi ni Dexter.
Tama nga naman ito wala siyang dapat ipagselos ang importante okay sila ni Dexter.
Napakunot noo si Dane ng dumating sila ng bahay nila ay nakasarado lahat ng ilaw.
Si Dexter pa mismo ang nagbukas ng gate nila, kahit security nila ay wala. ''Dahan-dahan lang.'' Alalay ni Dexter kay Dane pababa ng sasakyan.
"Where are they?'' Takang tanong ng dalaga habang kinakapa ang susi sa bag nito. Nang mahanap niya ay inabot niya iyon kay Dexter para buksan ang main door nila.
''I don't know where is the switch." Anas ni Dexter ng buksan ang main Door. Kaya kinapa na ni Dane ang switch ng ilaw nila, kasabay ng pagkabukas ng ilaw ay ang pagkamangh sa nakikita, puno ng balloon ang bahay nila, at nakasabit ang mga pictures nila ni Dexter doon, malaki ang sala nila pero punong-puno ng mga balloons ang kisame nila, sa baba naman ay iba-ibang hugis ng mga balloon na nakapalibot sa kanya. Tiningnan niya si Dexter, nakangiti lang ito sa kanya, pero hindi pa man siya nakabawi ay may isa-isang lumabas galing sa kusina nila, unang lumabas ay sina Joanna, Carl, Mommy ni Dexter at ang Ama ni Ashley. They all smiling ear to ear, habang may dala-dalang mga litrang gawa sa isang matigas na papel, maya-maya lang ay sabay-sabay silang pumilang apat at nilabas ang mga hawak na letr, sunod-sunod ng may lumabas sa kusina nila. Ngayon na bubuo niya ng basahin ang mga letrang hawak ng lahat. WILL YOU MARRY ME.
W-Joanna
I- Carl
L- Mommy Devine
L- Daddy ni Ashley
Y- Mommy ni Dane
O- Daddy ni Dane
U- James pinsan ni Dexter
M- Carlo
A- Ricky
R- Arlo
R- Sherwin
Y- Stephanie
M- Ashley
E- John
Hindi makapagsalita si Dane ng tingnan niya ang mga nasa harapan niya na lahat nakangiti sa kanya. Binalingan nito si Dexter na ngayon ay nakaluhod na pala sa harapan niya.
''I'm sorry kung ito lang ang style ng proposal ko, gusto ko man mag propose ng unforgettable proposal hindi ko na magawa dahil kulang na ako sa oras.
Napaluha naman siya ng hindi niya namamalayan, lately nagiging iyakin siya dala na rin siguro ng pagbubuntis niya.
''Oh, common bro, sa lagay na ito hindi pa bongga ang proposal mo? Aba! Mahal din ang ticket from New York to Philippines ah.'' Napatawa naman ang lahat sa sinabi ni Arlo.
''Sagot niya lahat ng ticket namin para lang sa proposal niya sa'yo bunso.'' Dugtong din ni Ricky.
"Take note, with allowance pa yon, para lang suportahan namin siya sa proposal niya.'' Natatawang wika ni Carlo.
''Panira kayo sa moment ng dalawa, can you please keep your mounth shut." Saway ni Sherwin sa mga kaibigan na ikinatawa naman ng lahat.
''Will you be my wife, Ms. Danry Gomez?'' Tanong ni Dexter kay Dane , sabay bukas ng maliit na pulang kahon.
"Yes." Sagot nito kay Dexter. Sinuot naman ni Dexter ang singsing kay Dane, saka niyakap ito ng mahigpit. Lahat naman ay masaya para sa kanilang dalawa.
"Let's celebrate." Sigaw ng Ama ni Dane sabay bukas ng wine. May mga hinandang pagkain, kaya nagsalo-salo silang lahat sa hapag kainan.
Nang matapos silang kumain ay lumabas muna si Dane ng mapansin niyang lumabas si Ashley. Marahil magpapahangin siguro ito.
"Hi.'' Bati nito kay Ashley habang nakatalikod ang huli.
"Hi Dane, congrats." Wika nito sa masayang himig.
"Thanks," Sagot naman ni Dane. "Can we talk?" Tanong nito.
"Sure." Walang pag-aatubiling sagot ni Ashley.
"I just want to apologize about my behaviour a while ago." Ang tinutukoy nito ay ang pagkikita sa mall.
"Ano kaba, wala iyon, I understand.'' Nakangiting sabi ni Ashley.
"Excuse me Ladies.'' Sulpot ni Sherwin.
"His my cousin, Ash this is my cousin Sherwin." Pakilala ni Dane sa dalawa.
"Hi, nice to meet you, now I know kung bakit baliw na baliw si Dexter sa'yo.'' Biro nito sabay lahad ng kamay kay Ashley.
''Kuya....!'' Suway naman ni Dane sa pinsan.
"Whooahhh, easy my dear cousin di pa ako tapos, ang kinababaliwan ni Dexter noon, pero hindi na ngayon.'' Napatawa naman si Ashley sa sinabi ni Sherwin.
''Nice to meet you too.'' Nakangiting tinanggap naman ni Ashley ang nakalahad na kamay ni Sherwin.
''I want to have a long conversation with you guys, kaso lang baka hinahanap na ako ng asawa ko.'' Wika ni Ashley at nagpaalam na siyang pumasok ulit sa loob ng bahay.
''Congrats bunso.'' Bati ni Sherwin sa pinsan ng wala na si Ashley.
''Thank you kuya.'' Sabay yakap sa pinsan nito.
"You're welcome, be happy okay.'' Bilin nito sa pinsan.
"I will kuya.'' Sagot nito kay Sherwin.
''Halika na sa loob.'' Yaya ni Sherwin sa kanya.
Nang pumasok sila sa loob ay agad niyang natanaw na masayang nilalaro ni Dexter at Ashley si Baby DJ.
''Kung nakakatunaw lang iyang tingin mo, sigurado maaga akong mawalan ng asawa.'' Ani ni John.
Napalingon naman si Dane sa kanya. ''Hi.'' Tanging nasabi nito kay John.
''Masanay kana sa dalawang iyan.'' Ani nito saka dinako ang paningin kina Dexter at Ashley.
''Paano mo naha-handle na hindi magselos?'' Wala sa loob na tanong ni Dane.
Tumawa naman si John bago nagsalita. ''Simple lang because I trust them both, Dexter is a good guy a gentleman one. Malaki ang utang na loob ko kay Dexter, kaya he deserved to treat willl came from me.'' Namamangha ni Dane sa sinasabi ni John.
''At isa pa, I love my wife, kaya hindi ko pwedi ipagkait sa kanya ang mga taong naging parte ng buhay niya, I trust her, at Kuntento ako sa pagmamahal niya sa akin, kaya confident ako na kahit anong mangyari she still my wife.'' Dugtong pa nito.
''H'wag mong isipin kung ano ang nakaraan ni Dexter at Ashley noon, dahil magiging kwento nalang iyon, ang gawin mo ngayon, enjoy the moment with him, gumawa ka ng sariling kwento niyo ni Dexter.'' Wika ulit ni John.
''Nakakabilib ka naman.'' Tanging nasambit ni Dane.
''Ganyan lang pag nagmahal, we don't need to be selfish, matuto tayong intindihin ang mga bagay-bagay, para sa ikaliligaya ng lahat.'' Nakangiting wika ni John.
''Ehem....! mukhang seryoso ata kayo ah.'' Pang-aagaw pansin ni Dexter kina John at Dane.
''We just talked about random thing pare don't worry.'' Sapat pat ng balikat ni Dexter saka nagpaalam na sa dalawa.
''Kamusta na ang mahal ko?'' Lambing ni Dexter sa kanya, tama nga si John, kakalimutan niya ang nakaraan at haharapin ang kasalukuyan.
''Okay naman ako, sobrang happy.'' Wika nito sabay pulupot ng kamay sa leeg ni Dexter.
''Good to hear, me too I'm happy, sobrang saya ko. Gusto ko ng hilahin ang araw para maging officially misis Montivilla kana.'' Ani ni Dexter sabay halik kay Dane. Walang masidhan ang kaligayahang nadarama nila.
Umaapaw sa saya ang naramdaman ni Dane wala na siyang hihilingin pa, dahil nasa kanya na si Dexter.
BINABASA MO ANG
COUNT ON YOU (Book 2: Stubborn Heart) by: Lee Ann Pradas
RomanceHe is DEXTER MONTIVILLA, a boy-next-door type man whose passion is music. He's a man in every woman's dream. He's not only literally rich, but his heart is gold to give love unconditionally to ASHLEY MARIE GUEVARA na minahal niya nang higit pa sa ka...