NATAGPUAN nalang ng binata ang sarili na nagkukuwento sa dalaga. Hindi naman kumukurap si Dane sa pakikinig sa mga sinasabi nito. May kunting kirot siyang nararamdaman hindi lang sa sarili niya pati narin sa binata. Hanggang sa hindi niya namalayan nakayakap na pala si Dexter sa kanya habang umiiyak.
"Ilabas mo lang ang sakit, hindi kawalan sa isang lalaki ang umiyak, patunay lang iyan na marunong kang magmahal at masaktan." Pang-aalo ng dalaga sa binata habang hinahagod nito ang likod ng binata. Halos kalahating oras din na ganun ang ayos nilang dalawa hanggang sa nakatulog na ang binata sa balikat ng dalaga.
Dahan-dahan niyang inayos ang binata sa sofa, nakatulog ito marahil sa pagod at sa alak na nainom nito. Kinuha nito ang jacket na nakasabit sa likod ng pintuan at kinumot sa binata. Pagkatapos niyang masigurong maayos na ang binata ay nagdesisyon siyang umuwi narin, ngunit nang akmang tatayo na siya ay pinigilan ito ng binata.
"Please stay." Wika ng binata na nakapikit parin ang mga mata.
Tiningnan niya ang oras it's almost two o'clock in the midnight, wala narin siyang nagawa kaya napagdesisyunan niya naring magpalipas nalang ng umaga kasama si Dexter. Naghanap siya ng maari niyang sandalan para kahit papano makaidlip siya, hanggang sa mapadako ang mga mata niya sa gawi ng piano. "Hmmp.. pwede narin siguro dito." Kausap nito sa sarili habang papunta sa harapan ng piano pinatong nito ang mga kamay upang maging silbing unan niya, yumuko na siya at pinikit ang mata na may ngiti sa labi. Ilang saglit pa ay hinila narin siya ng antok.
NAALIMPUNGATAN ang dalaga dahil nakaramdam siya ng pananakit nang liig nito. Kaya unti-unti niyang binuksan ang mga mata ngunit agad naman napakunot ang noo nito, kung bakit wala siya sa sariling silid nito. Pinikit niya ulit ang mga mata saka binuksan ulit baka kasi nanaginip lamang siya. Sakto naman na pagmulat niya ay nabungaran niya si Dexter na nasa harapan niya. Kinusot ulit ni Dane ang mga mata para masiguradong hindi siya nanaginip. Ngunit ng buksan niya ang isang mata niya ay nandoon parin ang binata na ngayon ay nakangiti sa kanya. Hanggang sa marealized niyang wala nga siya sa kwarto niya. Nanlaki ang mga mata niya ng maalalang kagigising niya lang, wala pa siyang suklay, baka gulo-gulo ang buhok niya di kaya may muta pa siya. " My God bakit ngayon pa?" Bulong nito sa sarili.
" Good morning sunshine." Bati ni Dexter sa kanya.
"Good morning." Walang ngiting balik bati nito sa binata. " I think I need to go." At walang lingon-lingon na lumabas siya sa nakaawang na pintuan, masyado siyang naco- conscious sa itsura niya. Pero bago pa siya makalampas sa pintuan ay napigilan na nito ng binata.
"Hep! At saan ka sa tingin mo pupunta?" Tanong ng binata kay Dane habang hawak nito ang braso ng dalaga.
"Ah... Eh..." Tanging naisagot ng dalaga. Kaya hinila na ito ng binata patungo sa kusina.
"I cooked some food for you, kaya di ka pweding umuwi na hindi kumakain." Wow! sobrang kilig to the bones naman ang naramdaman ng dalaga.
Hinila naman ni Dexter ang isang upuan upang makaupo na ang dalaga, then he place the plate in front of her na puno na ng pagkain.
"Hmmmp.... Can I excuse first?" Paalam nito sa binata at nagtungo sa washing room para magmumog at maghilamos. Mga ilang minuto pa ay natapos narin ang morning routine niya. Habang si Dexter naman ay nagsisimula ng kumain.
"Asan na ang plate ko?" Takang tanong ng dalaga dahil wala na iyong unang plate na inilagay ng binata na puno ng pagkain at ang natira nalang isang maliit na plato na may isang fried egg at slice bread.
"I take it out, maybe you don't like heavy breakfast." Sagot naman ng binata.
Napasimangot naman si Dane. " Do you think mabubusog ako ng isang fried egg and one slice of bread? I'm starving you know?!" Nakasimangot paring wika ng dalaga, totoo naman kasi gutom na talaga siya.
"I thought you don' t eat heavy breakfast."
"Nah, I'm not one of them na mahilig mag diet at isa pa wala sa vokabularyo ko ang diet, hihimatayin ako pag walang kanin sa umaga." Agad naman tumayo si Dexter at kinuha ulit ang unang hinain niya para sa dalaga.
"Here." Ngumiti naman si Dane ng mailapag na ni Dexter ang pagkain sa harapan niya.
"Thanks." Wika nito sabay subo. Naaliw naman ang binata sa katitingin kay Dane habang maganang kumakain. Nang makalahati na ng dalaga ang pagkain na nasa plato nito ay bigla itong nabulunan. Agad naman tumayo si Dexter at lumapit sa dalaga sabay abot ng tubig sa dalaga saka hinagod ang likod nito.
"Dahan-dahan kasing kumain walang aagaw ng pagkain mo." Hindi naman umimik si Dane. Yumuko ito at dahan-dahang kumain.
Bumalik narin si Dexter sa upuan nito at tinapos ang pagkain. "May lakad ka ba mamaya?" Biglang tanong ni Dexter sa dalaga.
"Mamaya pa magsisimba ako." Sagot naman nito sa binata.
''Sama ako." Bigla naman napataas ng tingin ang dalaga sa narinig.
"What did you say?" Tanong ulit ng dalaga baka kasi nagkamali lang ang pandinig niya.
"I said I want to go with you." Bigla naman na excite ang dalaga. Kaya ngumiti ito sa binata.
"Yah sure." Masayang sagot nito sa binata, bahala na si batman kung masyado na siyang obvious sa mga kilos niya.
"After we eat ihahatid na kita." Tumango naman ang dalaga. Abah! Hindi niya na tatanggihan ang opportunity na makasama ang binata ng matagal.
Mga ilang minuto pa natapos narin ang breakfast nila, pinagtulungan na nilang hugasan ang pinagkainan nila.
"Hatid na kita para makapagpahinga kana." Tumango naman ang dalaga.
Bigla naman hinagod ng tingin ni Dexter si Dane. Kaya naman hindi mapalagay ang dalaga, naka above the knee dress siya tapos tube pa iyon, ito pa ang damit niya sa party ng kaibigan.
"Wait may kukunin lang ako sa taas." Paalam saglit ng binata sa kanya.
Agad naman tumakbo si Dane sa banyo upang tingnan ang sarili. Parang gusto niyang sumigaw sa itsura niya. Wala na sa ayos ang buhok niya. Nangingitim pa ang ilalim ng mga mata niya tapos masyado ng mababa ang tube dress niya. Hindi niya iyon napansin kanina ng maghilamos siya dahil sa sobrang gutom kahapon pa kasi siya walang kain.
Paglabas niya ng banyo ay naghihintay na si Dexter sa kanya sa labas na may dala-dalang leather jacket na inabot sa kanya.
"Wear this." Napatingin lang si Dane sa jacket hindi lang naman siya kumilos para kunin ang inaabot na jacket ni Dexter. Kaya naman namalayan nalang ng dalaga na sinusuot na ng binata ang jacket sa kanya.
"Next time don't wear that kind of cloth or wear blazer di kaya magdala ka ng pwede mong ipatong sa likod mo para hindi ka lamigin." Mahabang litanya ng binata habang sinusuot ang jacket sa kanya. Kaya pala may nakapatong na jacket kanina paggising niya ngayon niya lang naalala. Gustong kurutin ni Dane ang sarili dahil sa di mapigilang saya sa ginawa ni Dexter sa kanya.
"Shall we." Sabay hila sa dalaga palabas ng bahay, pag dating sa sasakyan umibis ang binata para mapagbuksan si Dane at tinulungan itong makasakay sa sasakyan. Ito ang mga katangian ng binata kaya nahulog ang loob ni Dane sa binata. Masyado itong mabait, masyadong maalalahanin at maalaga.
''Thank you." Tipid na wika ng dalaga. Ngiti naman ang sinagot ni Dexter sa kanya at sumakay na din sa sasakyan.
Paniguradong todo tili na naman siya mamaya pagdating sa Condo niya. Wala silang imikan habang nasa byahe, kaya naman hinilig nalang ng dalaga ang ulo nito at ilang sandali pa'y nakatulog narin siya.
Napailing naman si Dexter ng masulyapan niyang mahimbing ang tulog ni Dane. Nakarating na sila sa Condo ng dalaga pero mahimbing parin itong natutulog. "Dane?" Tawag nito sa dalaga, pero masarap parin ang tulog nito.
"Sleepy head wake up." Yugyug ni Dexter sa dalaga. Mga ilang beses niya din ginawa iyon bago nagising ang dalaga.
Napamulat ito ng mata. "I'm sorry nakatulog ako." Hinging paumanhin nito sa binata.
"It's okay." Sabay baba sa sasakyan para mapagbuksan si Dane ng pintuan. Nilahad nito ang kaliwang palad para makababa ng maayos si Dane. Ipinatong naman ni Dane ang palad niya sa binata, hiling niya lang sana hindi maramdaman ng binata ang panlalamig niya. Dahil sa kung ano-ano ang iniisip ng dalaga bigla siyang na out balance sa pagbaba ng sasakyan maagap naman itong nahawakan ng binata na payakap. "Be careful." Bulong ng binata sa kanya habang nakayakap parin sa dalaga.
Naramdaman naman ni Dane ang init na hatid ng pagbulong ng binata sa punong tainga niya. Kaya pinikit nitob ang mga mata niya hanggang sa.
"Ehem!" Agad naman napamulat ng mata ang dalaga ng marinig niya ang pamilyar na boses ng pinsan nito.
"Kuya?!" Bulalas na tanong nito dahil sa pagkabigla, umayos naman siya ng tayo.
"Good morning bunso." Walang ngiting-ngiti bati ng pinsan niya sa kanya. She know pagagalitan na naman siya ng pinsan nito, lalo't pa't nakalimutan nito ang pagtawag dito kagabi sigurado nag-alala na naman ito. Kaya wala sa sariling napatampal ang dalaga sa noo nito.
"You two, we need to talk." Sabay talikod ni Sherwin at nauna na itong naglakad. Nagkatinginan naman ang dalawa.
"I'm dead." Kinakabahang wika ng dalaga.
"Don't worry pananagutan naman kita." Saad ni Dexter sa dalaga sabay tawa ng malakas.
Kaya napasimangot naman si Dane. "I'm serious! You know kuya Sherwin daig pa ang mga magulang ko sa pagiging protected." Pinisil naman ni Dexter ang ilong ng dalaga. Saka hinila si Dane para sumunod Kay Sherwin.
![](https://img.wattpad.com/cover/62617809-288-k98454.jpg)
BINABASA MO ANG
COUNT ON YOU (Book 2: Stubborn Heart) by: Lee Ann Pradas
RomansaHe is DEXTER MONTIVILLA, a boy-next-door type man whose passion is music. He's a man in every woman's dream. He's not only literally rich, but his heart is gold to give love unconditionally to ASHLEY MARIE GUEVARA na minahal niya nang higit pa sa ka...