AKAY-AKAY parin ni Dexter si Dane habang nakasunod kay Sherwin.
"Magpalit kana ng damit mo, may pag-uusapan lang kami ni Dexter." Baling ni Sherwin sa pinsan.
Wala naman nagawa ang dalaga sinunod nalang nito ang sinabi ng pinsan. Beside alam niyang may kasalanan siya sa pinsan niya, panigurado siyang sobrang nag-alala ito kagabi dahil nakalimutan niyang magpaalam bago sumama kay Dexter. Tumalikod na ang dalaga at pumunta sa silid nito para magbihis.
Nakasunod lang ang mga mata ng dalawang binata sa dalaga. Hinintay muna nilang makapasok ito sa sariling silid bago sila nag-usap. ''What did you do to my cousin?!" Deritsong tanong nito kay Dexter na may himig na pagkayamot.
"Whoooahh! Easy bro." Sabay taas ng dalawang kamay nito.
"Alam ko ang pinagdadaanan mo ngayon bro, sana naman hindi si Dane ang magiging panakip-butas mo sa sakit na nararamdaman mo ngayon." Saad ni Sherwin kay Dexter.
Umupo naman si Dexter sa katabi nitong sofa bago nagsalita. "What are you talking about? Where did you get that idea? Panakit butas? Si Dane? Dane is like a sister to me, alam ko na alam mo iyan. Kaya walang dahilan para magiging panakit butas ko siya.'' Mahinahong wika ni Dexter.
Kahit papano napanatag naman si Sherwin sa sinabi ng kaibigan. Naniniwala siya dito pero ang problema niya ay ang pinsan niya alam niyang aasa ito at iyon ang ayaw niyang mangyari na masasaktan ito ni Dexter na walang kamalay-malay ang huli.
"Don't worry bro, nothing happen last night we just talked about our past, kung paano siya natuto magpiano at mag guitar." Sabay tawa ng mahina ni Dexter.
''After that she sang a song for me, iba na nga ang Dane na nakilala ko noon. Hindi na siya iyong batang iyakin nagiging matured na siya, nakakatuwa lang kasi kahit papano napagaan niya ang loob ko. " Patuloy na kuwento ni Dexter sa kaibigan.
"But next time you should call me if Dane is with you, para hindi ako nag-aalala."
"I will bro." Sabay tapik sa balikat ni Sherwin.
"I trust you bro, kaya pinagkakatiwala ko ang pinsan ko sa'yo." Napangiti naman si Dexter sa sinabi ng kaibigan. He know that Sherwin love her cousin too much kaya naman naiintindihan niya ito.
"And by the way, h'wag mong paasahin iyang pinsan ko ha.'' Napakunot noo naman si Dexter sa sinabi ng kaibigan.
"What do you mean." Takang tanong ni Dexter sa kaibigan.
"She's inlove......." Naputol ang gustong sabihin ni Sherwin ng biglang magsalita si Dane.
"Mukhang seryoso ata ang pinag-uusapan niyo ah." Bungad ng dalaga sa dalawa.
"Ah--- nothing, we're just talking about our band." Napatango nalang ang dalaga sa sinabi ng pinsan. Gusto niya sanang ipaalam kay Dexter ang nararamdaman ni Dane dito para naman maging aware ito.
"Kuya?" Tawag nito sa pinsan.
"Yes?"
"I just want to apologize about lastnight." Hinging paumanhin ng dalaga.
"Apology accepted but......" Hindi na pinatapos ni Dane ang sasabihin ng pinsan bigla niya na itong niyakap.
"Hindi ako makahinga bunso!" Saway nito sa pinsan dahil sa higpit na yakap nito.
"Ay, sorry." Wika ng dalaga sabay bitaw sa pagkakayakap nito sa pinsan.
"Ikaw alam na alam mo kung paano ako utuin." Naiiling na wika ni Sherwin sabay gulo ng buhok ni Dane.
Napalabi naman si Dane sa sinabi ng pinsan. Napatawa naman si Dexter habang nakatingin kay Dane. Bigla naman na waglit sa isipan ng dalaga na nandoon pala si Dexter sabay pa silang napalingon ni Sherwin sa gawi nito.
Tumayo naman si Dexter. " I'll go ahead." Paalam ng binata.
"Akala ko may pag-uusapan tayong tatlo?" Wika ni Dane na may pagtataka.
"I told you pananagutan kita." Wika ni Dexter sabay tawa ng malakas.
Nahampas naman ito ni Dane dahil sa sinabi nito. Baliwala naman ang hampas ni Dane sa binata tawa parin ito ng tawa.
Nang hindi parin tumigil si Dane sa kakahampas kay Dexter ay hinuli na ng binata ang mga kamay nito. "Okay, I'll go ahead." Wika nito na hawak-hawak parin ang kamay ng dalaga habang nagpapaalam. Tiningnan naman nito si Dane na nakasimangot parin. "And you prepare yourself for our date, treat ko." Sabay kindat kay Dane ang huli naman ay biglang namula sa ginawa ng binata. Hindi alam ni Dane kung pumayag ba siya sa alok ng binata o hindi para kasi siyang lumulutang sa hangin.
Napansin nalang ni Dane na may binubulong si Dexter kay Sherwin. "Hihiramin ko muna ang pinsan mo ha, I just want to treat her dahil kagabi." Napatango naman si Sherwin.
"I'll pick you up around 3pm para makahabol tayo sa Mass." Baling ulit nito kay Dane na nakatingin lang din sa kanya.
"Okay." Tanging nasagot ng dalaga. Umalis narin si Dexter kaya naman may pagkakataon na si Sherwin na kausapin ang pinsan.
"Hoy?" Tawag pansin nito sa pinsan na nakangiti habang nakatingin sa pintuan kung saan lumabas si Dexter.
Naiiling na kinalabit ni Sherwin si Dane. "Hoy bunso! Pag ganyan ka ng ganyan pagbabawalan ko ng makipagkita sa'yo si Dexter." Sa narinig ni Dane ay agad nitong binalingan si Sherwin.
"Kuya naman." Maktol na wika nito.
"Can we talk?"
"Kuya naman eh, di pa ba tapos ang issue tungkol kagabi? I thought apology accepted nah?" Malambing na wika nito sa pinsam
"Can you please sit down!" Asik nito sa dalaga, nahihilo na kasi siya sa ginagawa ni Dane pabalik-balik ito sa harapan niya.
She sit quitely habang kagat-kagat ang kuko sa daliri nito.
" Dane can you please stop doing that! You look like a stupid cow." Singhal ni Sherwin sa pinsan.
"Kuya naman, sa dinami-daming ihahalintulad sa akin sa cow pa talaga." Angal nito habang umayos na nang upo.
"I talked Dexter already." Sabay tingin sa gawi ni Dane.
"Then?" Tanong naman ni Dane.
"Please stop loving him, wala kang mapapala sa kaya, kapatid lang ang turing niya sayo bunso." Bigla naman rumihistro ang sakit sa mukha ng dalaga. She felt pain in her chest alam niya na tama ang pinsan niya pero nakapagdesisyon na siya, susundin niya parin ang nararamdaman niya.
"I know kuya, but still I want to try. Kahit pa ang kapalit noon ay ang sakit gusto ko paring subukan para naman sa huli wala akong pagsisihan." Sagot nito sa pinsan.
"You know that I love you bunso. Andito lang ako lagi para sayo pag iyan ang desisyon mo go ahead." Saad ni Sherwin alam niya naman kasi na kahit anong pigil na gawin niya sa pinsan hindi na ito makikinig lalo pa't ang nararamdaman niya para Kay Dexter ang pinag-uusapan.
"Thank you kuya." Sabay yakap kay Sherwin.
"Sige na magpahinga kana." Sabay halik sa noo ni Dane.
NAGISING si Dane munting tinig na tumatawag sa pangalan niya kaya naman minulat niya ang kanyang mga mata.
Laking gulat nalang ng dalaga ng mapag sino ang nabungaran niya sa kanyang pagmulat.
"Dex...!" Gulat na tawag nito sa binata.
"Get up sleepyhead." Nakangiting wika ng binata.
''Paano ka nakapasok dito?" Tanong nito sa binata.
"I guess sa pintuan." Maikling sagot nito habang ginagala ang mata sa kabuuan ng kanyang kwarto.
" Sige na bumangon kana diyan, hihintayin kita sa labas." Saka lumabas na ang binata. Dali dali namang bumangon ang dalaga at naligo.
Habang sinusuklay niya ang kanyang buhok bigla siyang napatigil sabay buntong hininga. "Pinili ko to kaya ko kung ano man ang magiging resulta." Kausap nito sa sarili sabay inikot ang sarili sa salamin bago lumabas.
Napatitig naman si Dexter kay Dane ng lumabas na ito sa silid. Tinawagan kasi siya ni Sherwin na agahan ang pagpunta sa condo ni Dane. May pupuntahan kasi itong importante kaya umalis ito ng dumating siya.
"DO I LOOK all right?" Tanong nito kay Dexter sabay inikot ang sarili upang ipakita ang kabuuan. She found a pair of tight black jeans and a cute blue top.
Nakatitig lang si Dexter sa kanya, ang dark brown nitong buhok ay nilalaro ng hangin mula sa pintong salamin ng veranda.There was an expression in his eyes she couldn't quite read---a look she'd never seen before. Kaya naman bigla siyang kinabahan she pray na sana may munti siyang pag-asa sa binata.
"Do I look bad?" Muling tanong nito sa binata ng wala siyang makuhang sagot mula sa una niyang tanong. Napakurap naman ang binata.
"No. You look great." Wika nito sabay hagod sa kabuuan ng dalaga. "Mukha kang model. Oh, well, I'm sure you'll make a lot of money being a model instead being a singer." Hindi naman alam ng dalaga kung matutuwa siya sa sinabi ng binata o magtatampo.
Napairap naman siya sa binata. "Kulang nalang sasabihin mo na hindi ako magaling as a singer." Maktol nito.
Natawa naman ang binata sa sinabi ni Dane. "Don't get me wrong, magaling kang singer pero mas okay kung nag modelling ka nalang." Sabay pisil sa kaliwang pisngi ng dalaga.
Natawa narin siya sa papuri ng binata atleast hindi si Ashley ang naisingit nito sa usapan nila lalo pa't pinupuri siya ng binata. She felt a million volts ran up her spine as he continued to stare at her.
Tumayo na si Dexter at nilahad ang kamay sa dalaga. Inabot niya iyon at magkahawak-kamay silang lumabas ng condo nito.
Panalangin ni Dane sana ito na iyong simula, gagawin niya ang lahat para makalimutan ni Dexter ang sakit sa una nitong minahal. Kahit ang kapalit pa non ay ang sakit para sa kanya.
BINABASA MO ANG
COUNT ON YOU (Book 2: Stubborn Heart) by: Lee Ann Pradas
RomanceHe is DEXTER MONTIVILLA, a boy-next-door type man whose passion is music. He's a man in every woman's dream. He's not only literally rich, but his heart is gold to give love unconditionally to ASHLEY MARIE GUEVARA na minahal niya nang higit pa sa ka...