Chapter 11

1.7K 37 0
                                    

  "Tungkol ba sa amin ni Dane ang pag-uusapan natin?" Panimula ni Dexter.

"May dapat pa ba tayong pag-usapan tungkol sa inyong dalawa?" Sagot ni Sherwin sabay salin ng wine sa baso nito.

"But I want to explain about......." Naputol na sasabihin ni Dexter.

"Napag-usapan na natin yan diba? Kaya wala ng dapat pang pag-usap kung girlfriend mo na ang pinsan ko, go, hindi ako tututol, basta alalahanin mo lang iyong napangako mo." Sabay inom ng alak sa baso nito.

Tahimik naman si Dexter na nagmamasid kay Sherwin hanggang sa magsalita ang huli. "Kaya kita gusto makausap para sabihin sayong bumalik kana sa banda." Wika ni Sherwin kay Dexter.

Agad naman sumang-ayon si Dexter kay Sherwin kaya ng gabing iyon ay pinag-usapan ng grupo ang pagbabalik niya sa banda.

"Wow, finally bro naka decide kanang bumalik ulit sa banda." Tuwang wika ni Carlo kay Dexter sabay fist bro dito.

''Napagod kana narin sa pagiging lagalag ano?" Pagbibiro naman ni Arlo.

"C-cheers.........!" Sigaw naman ni Ricky sa lahat.

"Para sa pagbabalik ng isang magaling na vocalist, cheers.......!" Dugtong naman ni Sherwin.

Magkahawak kamay naman sina Dane at Dexter habang nag-iinuman sila. ''H'wag masyadong iinom ng hard ha." Bulong ni Dexter sa dalaga. Halos nanayo naman ang balahibo ni Dane sa kiliting hatid ng pagbulong ng binata sa kanya. Nang hindi sumagot ang dalaga ay niyaya na nito dalaga para umuwi.

"Tama na iyan, ihahatid na kita." Medyo tipsy na kasi ang dalaga lalo pa't namumula na ito.

''I-isa na lang....." Wika nito na may piyok narin ang boses marahil sa epekto ng alak.

Tumingin naman si Dexter kay Sherwin na nakatingin din pala sa gawi nila. Sumenyas naman ito na pilitin si Dane na umuwi na. Kaya naman iyon ang ginawa ng binata.

Inalalayan na nito si Dane para makatayo. Hindi narin naman ito tumutol.

Tahimik lang na umupo si Dane sa sasakyan ng binata. Si Dexter naman nagsimula ng magdrive.

Dumating na sila sa Condo ng dalaga. " Where is your key? Give me." Tanong nito sa dalaga, kinuha naman iyon ni Dane sa bag niya at binigay sa binata. Nang makapasok na sila ay agad siyang umupo sa sofa habang nakataas ang paa sa center table na suot-suot pa ang sapatos nito. Pinikit naman ni Dane ang mga mata nito dahil sa nararamdaman nitong hilo.

Agad naman lumapit ang binata sa dalaga saka tinanggal ang sapatos ni Dane.
Hinayaan naman iyon ng dalaga, pagkatapos tanggalin ang sapatos ng dalaga pumunta naman ang binata sa kusina ng huli,para kumuha ng maaligamgam na tubig para pamunas kay Dane.

Napamulat naman ng mata si Dane ng maramdaman niya ang ginagaw ni Dexter.
"Ako na." Pang-aagaw nito sa hawak na tuwalya ni Dexter.

"Wag na makulit, Ako na." Sabi ni Dexter sa kanya.

Binaba naman ni Dane ang mga paa niya para para makaupo siya ng maayos dahilan para matigil ang binata sa pagpupunas sa kanya.

"You acting like a real boyfriend ha." Nakasimangot na wika ni Dane.

Hindi naman sumagot si Dexter, ipinagpatuloy nito ang ginagawa. "Baka masanay ako sa ginagawa mo." Sabay tayo nito saka pumunta ng kusina. Agad naman siyang sinundan ni Dexter. Tinulungan muna nito ang dalaga sa pagsalin ng tubig sa baso para inumin niya, nang masiguradong nakainom na ang dalaga, nilapitan niya ito dahilan para mapadapo ang likod ni Dane sa palamigan nito.

"Stop talking nonsense ang importante ang ngayon." Sabay halik sa nakaawang na labi ni Dane. Tama nga naman ang binata pinasok niya ito bakit niya iisipin ang bukas kung masaya siya ngayon.

Nagising na lamang si Dane na nakayakap sa binata. Tatayo na sana siya ng pigilan siya ng binata sabay hila sa kanya kaya naman nasa ibabaw na siya ng binata. "Good morning honey ko." Wika nito habang hinahawi ang buhok ng dalaga.

"Good morning..." Namumulang sagot ni Dane.

"You're so cute while blushing." Sabay halik sa dalaga.

"I want breakfast in bed." Napalo naman ito ni Dane sa dibdib.

"Pervent....! Ang aga-aga...." Hindi na natapos ng dalaga ang sasabihin ng siniil na naman siya ng halik ni Dexter.

Halos mawalan naman ng hininga ang dalaga sa ginawa ni Dexter. Natatawa naman si Dexter sa itsura ng dalawa.

"Sa bahay ka mamaya matutulog ha." Wika ng binata habang nagbibihis na ito.

Napataas kilay naman si Dane. "Mukhang hindi naman girlfriend ang gagampanan ko sa isang buwan kundi bed warmer mo." Kunwaring tampo ng dalaga, nilapitan naman ito ni Dexter saka niyakap.

"Pag sa bahay ka pala matutulog, may sex agad? Hindi ba pwede na gagawa lang tayo ng memories sa bahay." Pilyong saad nito, she never imagine na may ganitong side pala ang lalaking minahal niya.

Pinalo naman ito ni Dane. Saka una ng lumabas at dumiritso sa kusina.

"Anong gusto mong kainin?" Tanong nito kay Dexter habang tinitingnan ang laman ng ref niya.

"Ikaw...." Mabilis na sagot ng binata, kaya naman sinamaan ito ng tingin ni Dane.

"Whooahhhh,.... Easy hon, nagbibiro lang." Sabay lapit sa dalaga saka nakisilip din sa laman ng ref.

"Magbihis ka nalang sa labas na tayo kakain." Utos nito kay Dane. Sinang-ayunan naman agad iyon ng huli, nagugutom narin naman siya.

Natapos ang late breakfast nila dumiritso na sila sa Resto para sa kanilang practice. Napagkasunduan ng grupo may duet silang dalawa, wala naman naging problema iyon kay Dane at Dexter.

"Matulog ka muna," wika ng binata na napansin niyang hikad ng hikad si Dane.

"No, It's okay." Pagtanggi naman nito.

''Wag matigas ang ulo, halika ka na doon ka sa sofa." Sumunod narin si Dane sa binata. Pinahiga siya doon ni Dexter, agad din naman siya nakatulog. Inayos naman ng binata ang pagkakaunan nito saka nilagyan ng half blanket para hindi ito malamigan na nagmumula sa aircon.

Pinagmamasdan niya ang dalaga na payapang natutulog, napapangiti siya pagnaaalala ang mga pinagsaluhan nila.

"Matutunaw na yang pinsan ko sa katitig mo." Biro ni Sherwin Kay Dexter. Nilingon naman ito ng binata.

"Narealized mo na ba, na siya ang pinakamagandang babae na nakilala mo?" Natatawang wika ni Sherwin.

"Pssttt......ang ingay mo, halika doon tayo." Sabay lakad sa mini bar ng office nila.

Sumunod naman si Sherwin sa kanya.
''Masaya ako dahil masaya ang pinsan ko,'' Panimula ni Sherwin. "Thanks bro." Sabay tapik sa balikat ni Dexter.

"You don't need to say thank you bro." Sagot naman ni Dexter habang tinatanaw parin ang dalagang natutulog.

NATAPOS narin ang gig nila, kaya naman umuwi narin sina Dane at Dexter gaya ng napag-usapan nila doon na tulog ang dalaga sa binata.

"You look tired," pansin ng binata Kay Dane.

"Naku, nagtaka ka pa." Natatawang wika ni Dane.

Magkahawak kamay sila habang nasa byahe panaka-naka namang ninanakawan ng tingin ni Dexter si Dane.

"Mag concentrate ka sa pagda-drive." Wika ni Dane sa binata ng mahuli niya itong patingin-tingin sa kanya. Dumating sila sa bahay agad silang umakyat sa kwarto ng binata at sabay naligo.

Pagkatapos nilang maligo natulog narin silang dalawa marahil sa pagod at antok.

Sabay naman silang nagising alas kwatro palang ng umaga, they just talking about random things again hanggang sa maiisipan nilang bumababa at doon tumambay sa music room ng binata.

Nagtimpla muna ito ng kape bago sumunod sa dalaga.

"Coffee." Sabay abot ng kape kay Dane.

"Thank you." Pasasalamat ng dalaga. Sabay higop ng kape.

"Laro tayo." Wika ng binata.

"Anong laro?" Takang tanong naman ni Dane.

Tumayo naman ito at kinuha ang gitara. ''Ganito bato-bato pik tayo, kung sino ang matatalo, siya ang kakanta." Natawa naman si Dane sa naisip ng binata.

"Iyon lang? Ganito nalang pag sino ang talo siya ang kakanta ng paborito nating kanta, halimbawa pag ako ang natalo magrerequest ng kanta na gusto mo o iyong paborito mong kanta, mapababae man o mapalalaki." Saglit na nag-isip si Dexter. Saka umayon na din ito.

Nagbato-bato pik nga silang dalawa. Natalo naman agad si Dane kaya nag-iisip na si Dexter kung anong kanta ang pipapakanta niya kay Dane.

"Ang tagal naman.". Pagrereklamo ni Dane.

''Okay ito na, Stay with me." Wika ng binata.

''Stay with me talaga?" Pagrereklamo ulit ni Dane.

"Opps,, bawal ang reklamo." Natatawang saad ng binata.

"Okay...... Okay......" Kunwaring suko nito.

"Music maestro." Wika ni Dane, nagsimula namang tumipa ang binata.

Guess it's true
I'm not good at a one night stand
But I still need love
'Cause I'm just a woman

Pag-iiba ni Dane ng Man into woman.

These nights never seem to
Go to plan
I don't want you to leave
Will you hold my hand?

Oh, won't you stay with me?
'Cause you're all I need
This ain't love, it's clear to see
But darling, stay with me

Nakapikit ang mga mata ni Dane habang ninanamnam ang kanta.

Why am I so emotional?
No, it's not a good look
Need some self-control
And deep down, I know this never works
But you can lay with me so it doesn't hurt

Oh, won't you stay with me?
'Cause you're all I need
This ain't love, it's clear to see
But darling, stay with me

Oh, won't you stay with me?
'Cause you're all I need
This ain't love, it's clear to see
But darling, stay with me

Oh, won't you stay with me?
'Cause you're all I need
This ain't love, it's clear to see.

She finished the song with full of emotions. Pumalakpak naman si Dexter ng matapos ang kanta.

''That's my favorite track," sabay halik kay Dane.

Yeah, His favorite tracks, that suit to her. Binaliwala naman ni Dane ang pumapasok sa isip niya, she must to enjoy every minute with Dexter Baka kasi paggising niya tapos na pala ang isang buwan na napagkasunduan nila.

COUNT ON YOU (Book 2: Stubborn Heart) by: Lee Ann PradasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon