Chapter 14

1.9K 44 0
                                    

  SAKTONG pag lingon ni Dane nakita niya ang pagyakap ni Ashley kay Dexter, hanggang sa maramdaman nalang niya ang pagtulo ng kanyang luha. Alam niyang wala siyang karapatan, pero anong magagawa niya kung si Dexter na ang buhay niya.

Agad naman siya inakay ni Stephanie palabas ng Chowking. "Sis, are you okay." Nababahalang tanong ng kaibigan niya sa kanya.

"Yes I'm fine, punta muna ako ng Cr." Paalam nito sa kaibigan, hindi naman mapalagay si Stephanie kaya sinamahan niya na ito.

"Sasamahan na kita Sis.'' Tumango naman si Dane bilang tugon sa kaibigan.

Hindi naman siya naiihi sadyang sinamahan niya lang si Dane nababahala kasi siya sa kaibigan nito. Hinintay nalang nito ang kaibigan. Habang nag re-retouch siya, nakita niya si Dane lumabas na galing ng kubita, inayos niya na ang mga gamit nito saka nilapitan ang kaibigan, nang lapitan niya ito nakita niyang namumutla ito.

"D-dane? Sis? Are you okay? Anong nangyayari sa'yo?" Sabay hawak nito sa kaibigan.

''I feel dizzy." Wika ni Dane bago ito nahimatay. Buti nalang maagap si Stephanie kaya nasalo nito ang kaibigan.

"Tulong....!'' Sigaw nito.

Agad naman lumapit ang mga tao at tinulungan sila. Nagpatawag ng guard para mabuhat si Dane.

Tinawagan naman agad ni Stephanie ang driver nila para dalhin sila ni Dane sa Hospital.

SAMANTALA hindi naman maka-concentrate si Dexter sa kinukwento ni Ashley. Parang kinakabahan kasi siya na di niya alam ang dahilan.

Maya-maya lang ay dumating na si John na dala-dala ang order ni Ashley.

''Pare.'' Bati ni John kay Dexter saka nagkamayan sila.

"Nag-order narin ako para sa'yo.'' Wika ni John sabay abot ng inu-order nito kay Dexter.

"Ganyan ba talaga pagbuntis? Matatakaw?" Wala sa loob na tanong ni Dexter.

Natawa naman si John sa tanong ng binata. "Malalaman mo din iyan pag may napabuntis kana.'' Wika ni John.

Agad naman pumasok sa isip niya si Dane. Paano kaya kung nabuntis niya ito? paano kaya ito maglihi? Kagaya kaya ito ni Ashley na matakaw? Mga tanong sa isip ni Dexter, na hindi niya alam kung bakit iyon ang mga naiisip.

''Hey, Dex?'' Tawag ni Ashley kay Dexter na nakasimangot.

''Huh?'' Baling ni Dexter dito. ''May sinasabi kaba?'' Tanong nito kay Ashley.

Nilapag naman ni Ashley ang bowl na hawak nito, saka sumimangot kay Dexter. ''Kanina pa ako salita ng salita dito, hindi ka pala nakikinig.'' Parang batang pagmamaktol nito, habang si John naman ay natatawa. ''Isa kapa...! Anong nakakatawa?'' Inis na baling nito sa asawa, kaya pinigilan na ni John ang sarili na tumawa ulit.

Pagbaling ni Ashley kay Dexter ay ito naman ang tumatawa. ''Mga buwisit..!'' Sabay tayo nito.

''Princess naman, hanggang kailan ba matatapos ang paglilihi mo? kabuwanan mo na ah.'' Pagrereklamo ni John kay Ashley.

''Ngayon, nagrereklamo ka? Sino ba gustong mabuntis ako? Diba ikaw? Kaya wala kang karapatan na magreklamo!'' Wika nito sabay walk-out.

Napakamot lang ng ulo si John. ''Si Ashley ba talaga iyon?'' Takang tanong ni Dexter.

''Alam mo Dex, mahirap magkaroon ng asawang buntis, masyadong moody, lagi nalang ako out side the kulambo.'' Pagrereklamo ni John. Natawa naman si Dexter sa sinabi ng huli. Kahit papano napagaan na din ang loob niya kay
John, mabait naman ito. Halatang under ng asawa.

Maya-maya lang ay bumalik na si Ashley sa table nila, hindi pa ito nakakaupo ay bigla itong sumigaw . ''H-hero.......!'' Sigaw nito kay John habang sapo-sapo ang tiyan nito.

''Pre, manganganak na ata si Ashley!" Sigaw ni Dexter ng makita niyang napatulala lang si John habang nakatingin kay Ashley.

Parang natauhan din si John ng marinig niya ang sigaw ni Dexter. ''S-shit, not here baby.'' Tarantang wika nito sabay buhat sa asawa.

''Ambulance....!'' Sabay na sigaw nina John at Dexter.

NASA MALAPIT na hospital sa MOA sila dinala ng Ambulance.

Sigaw ng sigaw si Ashley dahil sa nararamdamang sakit, si John naman ay tagaktak ang pawis dahil sa kaba at nerbiyos.

Dinala nasa Emergency Room si Ashley.
Hindi naman mapalagay si John, pabalik-balik ito sa labas ng E.R.

''Pare, relax.'' Pang-aalo nito kay John.
Napagawi naman ang mata niya sa lumabas na babae sa kabilang kwarto ng ER wala sa loob nito na sinundan ang nakita. Parang kinakabahan kasi siya bigla.

''Hello tita, opo she's still in the ER, okay po hihintayin ko nalang po kayo dito.'' Dinig ni Dexter sa sinabi ni Stephanie sa kausap nito sa kabilang linya.

''Si Dane ba ang nasa kabilang ER?'' Tanong ni Dexter.

''Ay, palaka! Palakang buntis!'' Gulat na hiyaw nito habang sapo-sapo ang dibdib dahil sa pagka gulat.

''Si Dane ba ang nasa ER na iyon?'' Sabay turo nito sa kwartong nilabasan ni Stephanie kanina.

Hindi pa naman nakakasagot ni Stephanie ay agad naman pumunta si Dexter sa kwartong iyon, sakto namang paglabas ng Doctor, pareho pa silang nagulat ng sabay nilang pihitin ang seradura.

Nang makabawi na ang Doctor ay agad nitong tinanong si Dexter. ''Ikaw ba ang asawa ng pasyente?''

Wala sa loob na tumango ang binata. ''Mr. masyadong masilan ang pagbubuntis ng Misis mo, bawal sa kanya ang ma stress at mapagod kung hindi, maaring hindi kayanin ng katawan niya pati ang batang dinadala niya ay maapektuhan, dahil mahina ang kapit nito.'' Tuloy-tuloy na wika ng Doctor habang si Dexter naman ay hindi maprocess sa utak niya ang sinabi ng doctor.

''Doc?'' Tanging nasambit ng binata.

''Maya-maya lang ay magigising na siya, I'll go ahead may pasyente pa ako.''Wika ng Doctor sabay talikod nito.

''Buntis si Dane?'' Tanong nito kay Stephanie, parang hindi kasi siya makapaniwala.

Tumango naman si Stephanie bilang tugon kay Dexter, tuwang pumasok si Dexter sa kwarto kung saan nakahiga si Dane.

He touch Dane face, My God sobrang na miss niya ito. He never thought, he missed Dane so much.

''Hmmp,'' napaungol na wika ni Dane.

''Dane?'' Tawag ni Dexter sa kanya, kaya napamulat si Dane ng kanyang mga mata.

''What are you doing here?!'' Nabiglang sigaw ni Dane. Akala niya kasi kanina nanaginip lang siya na katabi niya si Dexter. ''Steph, can you please told to him, I don't want to see him.'' Sabay baling nito sa kanilang kama.

''Dex, can you leave for a while,'' Utos ni Stephanie kay Dexter pero hindi tuminag ang binata. ''Please, just wait me outside.'' Pakikiusap nito kay Dexter.

Wala namang nagawa si Dexter hinintay nalang nito si Stephanie sa labas ng kwarto.

''Dex?'' Tawag sa kanya ng mga bagong dating.

''Tita? Tito?" Sabay tayo nito saka nag mano sa mga magulang ni Dane. Magkakilala na sila, mag best friend ang mama ni Dane at ang Mama niya.

''Your here,'' nagulat na tanong ng Ama ni Dane. ''We need to talk later.'' Pahabol nito bago pumasok sa kwarto para makita ang anak.

Naghintay naman si Dexter sa labas kailangang niyang harapin kung ano man dapat niyang harapin, halo-halong emosyon ang naramdaman niya, pero isa lang ang nangingibabaw ngayon sa kanya. Masaya siya dahil magiging Ama na siya.

"Dex?'' Tawag sa kanya ni Stephanie agad naman siyang tumayo. ''She don't want to see you." Panimula ni Stephanie.

''But why?'' Takang tanong nito.

''Don't asked me why Dex, dahil alam mo kung bakit ayaw ka niyang makita.'' Sa dami ng iniisip niya ngayon hindi niya magets ang sinabi ni Stephanie.

''What do you mean?'' Tanong nito kay Stephanie.

''You know that my bestfriend was madly inlove with you right? Kaya nga umabot kayo sa ganito, pagkatapos may nabuo kayong Anghel,'' wika ni Stephanie na hindi nakatingin kay Dexter. ''As her bestfriend I want you, to fix yourself first, before ka humarap sa kanya ulit.'' Napalingon si Dexter kay Stephanie.

''Hindi mahirap mahalin si Dane, alam mo iyan. Ayusin mo ang sarili mo para sa mag-ina mo.'' Wika ulit ni Stephanie bago ito pumasok ulit sa silid. Naiwan naman si Dexter sa labas.

''Dex!'' Rinig niyang tawag ni John sa kanya.

Nilapitan niya ito. ''Lumabas na ang baby, hinahanap ka ni Ashley.'' Masayang wika nito. Napasunod naman agad si Dexter kay John.

''Dex.'' Tawag ni Ashley sa kanya.

''Hey, how are you?'' Hindi mapigilang tanong nito dahil nag-aalala siya, mukha kasing pagod na pagod ito.

''I'm fine, ninong ka kay baby DJ ha, stand for Dexter and John .'' Napalaki naman ang mata niya sa sinabi ni Ashley.

Napatingin ito sa gawi ni John. ''Don't worry, okay lang sa akin, we already talked this before.'' Nakangiting wika ni John para mapanatag ang loob ni Dexter.

Hindi siya makapaniwala na ganon siya ka importante kay Ashley, para pati pangalan ng anak nito ay pinangalan sa kanya.

''Paglabas ko ng hospital, punta ka sa bahay ha, may pag-uusapan tayo.'' Wika ni Ashley sabay pikit ng mata nito para magpahinga.

Binalingan naman ni Dexter si John na ngayon ay hawak-hawak ang anak.

''Can I carry him?'' Hiling nito kay John.

Binigay naman ito ni John sa kanya. ''Go to your Ninong.'' Wika ni John sabay bigay kay Dexter ng baby boy nito.

"His really cute.'' Tuwang wika ni Dexter.

''Yes, he is, that's why I want to take this opportunity to say thank you, to you.'' Wika ni John.

''Thank you for what?'' Takang tanong nito.

''Madami akong bagay na gustong ipagpasalamat sa'yo Dex,'' panimula ni John. ''Salamat sa pag give way mo, salamat sa pagiging mabuting tao mo, salamat sa pag mamahal mo kay Ashley, salamat sa pag-aalaga mo sa kanya sa panahon na wala ako sa tabi niya, salamat sa tulong mo sa kanya, sa lahat-lahat.'' Wika ni John na may kasama pang luha, malaki naman talaga ang utang na loob niya kay Dexter.

Si Dexter naman ay hindi rin maiwasan ang mapaluha, now alam niya na ang papel niya kay Ashley, siya lang ang naging tulay at instrumento para maging maayos muli ang relation ng mga ito, maaaring minahal niya si Ashley at minahal din siya nito, pero minsan sa buhay hindi lang pweding mahal niyo ang isa't isa, dahil kahit anong gawin ni'yo pa, kung may nakatadhana na sa bawat isa ay wala ka nang magagawa. Ashley is for John hindi na maaalis ang katotohanan na iyon. Huling butil ng luha niya ang pinakawalan niya para sa nakaraan. Para handa na siyang harapin ang kasalukuyan.

Ang kasalukuyang magiging totoong kanya.

COUNT ON YOU (Book 2: Stubborn Heart) by: Lee Ann PradasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon