"Hoy! Na star struck kana d'yan." Bulong ni Arlo sa dalaga.
Tumingin naman ng deritso si Dexter sa dalaga, na parang takang-taka kung sino ang kaharap. "Kulot? It's that you?" Tanong ni Dexter sa dalagang nasa harapan niya ngayon. Napanguso naman ang dalaga sa tawag sa kanya ng binata. Kulot kasi ang buhok niya pero ngayon ay ang dulo nalang ng buhok niya ang kulot.
LUMAPIT naman si Dexter sa kanya at niyakap siya.
"Hey! I can't breath." Pagrereklamo ni Dane kay Dexter dahil sa sobrang higpit ng yakap nito.
Natatawa naman si Dexter sa kaharap. "Wow! You look great bunso." Pina-ikot pa nito si Dane na parang bata. "Dalaga kana ah." Tuwang wika ni Dexter sa kaharap na halatang pilit lang ang tawa nito.
Wala namang maapuhap na salita si Dane dahil sa halo-halong emosyon na kanyang nararamdaman. She really happy when Dexter hugged her tight. Naramdaman niya namissed 'din siya ng binata.
Hindi pa sila nakakaupo ay tumunog ang cellphone ni Dexter.
"Excuse me." Pamamaalam ni Dexter sa kanya para sagutin ang nasa kabilang linya. Tumango naman siya bilang tugon sa binata.
"Hi Angel." Sagot nito sa kabilang linya. Wala nang iba kundi si Ashley na iyon, ang babaing mahal na mahal ng mahal niya. Nakatutok lang ang mga mata niya sa pintuan kong saan lumabas ang binata.
"Are you okay?!" Tanong ni Ricky sa kanya.
"Yes kuya I'm fine." Sagot nito sa pinsan.
Nagkatinginan naman ang grupo, alam kasi nila ang lihim na pagtingin ni Dane kay Dexter pero hindi sila nakikialam doon. Alam nila kung saan sila lulugar.
NATAPOS LANG ang Gig nila ay hindi parin nakabalik si Dexter. Napagdesisyunan ni Dane na hanapin si Dexter. Nag ikot-ikot siya sa loob ng Resto nila hanggang sa nakita niya ang binata sa isang sulok na umiinom ng Jack Daniel's whiskey. Nakatulala lang ito sa kawalan. Malayo na ito sa dating Dexter na nakilala niya, wala na iyong laging nagniningning na mga mata nito.
"Hey! if you don't mind can I join you?" Napataas naman ng tingin si Dexter sa dalaga.
Tumango naman ang binata na parang napipilitan lang. Agad namang tinawag ni Dane ang isa sa mga waitress nila at humingi ito ng wine glass.
-----
"Princess!" tawag ng Ama ni Ashley sa kanya.
"Dad?"
"This is all about Dexter again?"
"I missed him Dad." Sagot ni Ashley sa Ama.
"Kaya tinawagan mo na naman siya?"
Tumango naman si Ashley bilang tugon sa Ama.
"You love him right?" Napatingin naman si Ashley sa Ama nito.
"Dad?" Pero seryoso lang ang Ama nito na nakatingin sa kanya.. Bumuntong hininga naman si Ashley bago sinagot ang tanong ng Ama. "Yes I love him." Then she paused for a while. "But I love Hero more than him. Masama po ba iyon dad? nagmamahal ako nang dalawang tao." Umupo naman ang ama nito sa tabi niya.
"Walang masama magmahal anak, wala ring masama kung nagmahal ka ng higit sa isa. You know about kinds of love? You must to read that first okay, para maintindihan mo kung anong klaseng pagmamahal ba ang inuukol mo kay Dexter."
"He is a good guy walang duda iyon. That's why you need to help him to move on. H'wag ganito Princess mas lalo mo lang siyang pinapahirapan. Remember isang buwan nalang ikakasal kana kay John dapat maayos mo na ang sarili mo bago dumating ang araw nang kasal mo."
"I try Dad." Maikling sagot nito.
Hinawakan naman ni Roberto ang kamay ng anak nito.
"Huwag mong sabihing susubukan mo anak kundi gawin mo."
"Salamat Dad."
"He deserved to be happy Princess kaya pakawalan mo na siya okay. Limang taon inikot ni Dexter ang buhay niya sa'yo. Sa kanyang paglayo baka doon niya makikita ang babaeng para sa kanya." Sabay tingin sa mga mata nang anak nito. " Because we both know hindi ikaw iyon." Patuloy na wika ng ama ni Ashley.
"Yes Dad, I know he deserve to be happy, he deserve someone more than me kaya siguro tama kayo kailangan ko na siyang pakawalan at harapin ang napili kong buhay sa feeling ni John. I hope and I pray sana makahanap si Dexter ng babaing magmamahal sa kanya higit sa pinakita niyang pagmamahal sa akin." Tama ang ama niya magiging unfair siya kay Dexter kung hanggang ngayon iniiyakan niya parin ito at ginugulo.
"Hindi ko sinasabi na putulin mo ang pagkakaibigan ninyong dalawa, for now give him space para madali niyang makalimutan ang kabiguan niya sa pag-ibig." Tumango naman si Ashley.
"I will Dad."
-----
Dahil sa kalasingan ni Dexter hindi na ito makatayo ng maayos, tinulungan ito ng mga kaibigan niya para maiuwi na ito.
Dumating sila sa bahay ng mga Montivilla.
Nag-alala naman ang ina nito.
"My God! anak ano ba ginagawa mo sa sarili mo?" Natatarantang wika ng ina nito, habang tinutulungan si Dane sa pag-akay sa binata.
"A-Angel?!" Tawag nito kay Ashley.
"She's not here Hijo please stop it!"
Pero makulit si Dexter. "Mom? she's here." Sabay haplos sa mukha ni Dane. "I-i m-missed y-you A-angel." Putol putol na wika ng binata dahil sa kalasingan.
Nanayo naman ang balahibo ng dalaga ng haplusin ng binata ang mukha niya.
"Dex, matulog kana at magpahinga okay." Wika ng dalaga at akmang tatalikod na ito.
Nang pigilan ito ni Dexter. "P-please stay." Mahinang anas nito. Tumingin naman si Dane sa Ina ng binata.
"Can you stay for a while Hija?" Hinging pabor din ng ina ni Dexter.
How she can resist kung si Dexter ang may gustong manatili siya. Nakatayo lang si Ricky sa pintuan habang hinihintay ang pinsan nito.
"Kuya can we stay for a while." Tumango naman ito bilang tugon.
Siya na mismo ang nag-asikaso sa binata. Pinunasan nito ng maaligamgam na tubig, pinalitan ng damit. Saka inayos ang pagkakahiga ng binata. Mabigat ito pero baliwala lang iyon sa kanya.
Ilang minuto niya ng naiayos ang binata, pero andoon parin siya sa tabi ni Dexter. Lumabas narin kasi ang ina nito at ang pinsan niya.
Pinakatitigan niya ang binata. "How can I ease the pain you feel right now Dex?" Tanong nito sa binata na mahimbing na natutulog.
Akmang tatayo na siya ng hawakan ni Dexter ang mga kamay niya. "Thank you for taking care of me." Mahinang usal nito habang nakapikit parin.
Natuwa naman ang dalaga sa narinig. Pero hindi pa man na bibitawan ni Dexter ang kamay niya ng magsalita itong muli. "I Love you A-angel." Ang tuwang kanyang naramdaman kanina ay biglang naglaho. Dahil sa narinig nito sa binata. Tumayo na siya na ninikip ang dibidib. Pero hindi binibitawan ni Dexter ang kamay niya. "Please don't leave me." Sabay hila nito kay Dane kaya naman halos mapasubsob naman ang dalaga sa dibdib ng binata. Akmang tatayo na siya ng magpantay ang mga mukha nila ni Dexter. Last thing she know is, Dexter kiss her. Kaya naman bigla siyang tumayo at walang lingon lingon na umalis siya sa kwarto ng binata.
KINABUKASAN nagising si Dexter na masakit ang ulo. Pero may ngiti sa labi. Bigla naman bumukas ang pintuan ng kwarto niya. Hanggang sa mapagtanto niyang panaginip lang pala iyong kagabi, nainaasikaso siya ni Ashley, at hinalikan pa siya ng dalaga. Bigla naman naglaho ang ngiti niya.
"Good morning Anak." Bati ng ina nito.
"Paano ako nakauwi Ma?" Takang tanong nito ng maalala na umiinom pala siya sa Resto nila kagabi.
"Ang Anghel mo inuwi ka dito at inasikaso."
"Ma?!" litong tawag nito sa ina.
"Si Dane ang nagdala sa'yo dito, hindi umuwi ang batang iyon hanggang sa makatulog kana ng mahimbing. Siya nga rin ang nagbihis at nag-asikaso sa'yo." Wika ng ina nito.
"Si D-dane?"
"Oo kaya bilang pasasalamat mo sa kanya, puntahan mo sa bahay niya dalhan mo ng bulaklak. Aba! pinahirapan mo iyong magandang dilag na iyon, na mukhang manika." Nakabungisngis na wika ng ina nito.
"I will Ma."
"Oh, siya maligo kana at kumain, may pupuntahan lang ako. Nakabili na pala ako ng bulaklak at chocolate para kay Dane." Naiiling nalang si Dexter sa ina.
Tumayo na siya at inayos ang sarili.
Pagkatapos niyang kumain ay nagbihis na siya at pumunta sa bahay nina Dane.
Laking gulat naman ng dalaga nang pagbukas niya ng pintuan niya ay nakatayo doon si Dexter na may dala-dalang bulaklak.
"Can I come in." Nakangiting tanong nito pero hindi abot iyon sa kanyang mga mata.
"S-sure." Natarantang wika nito. She didn't expect na pupuntahan siya ng binata
"For you." Sabay abot ni Dexter sa dala-dala niyang bulaklak at chocolate.
"I'd like to say thank you about lastnight Mama told me ikaw daw ang nag-alaga sa akin." Tahimik lang ang dalaga.
"Ah, iyon ba wala iyon. Nag-abala kapa dito." Sabay taas ng bulaklak na bigay ng binata.
"Actually, that was my mother idea." Baliwalang wika ni Dexter.
Kaya napahinto naman si Dane. Akala niya pa naman kay Dexter mismo nanggaling ang bulaklak.
"Oh! really, tell to tita Divine thank you for the flowers and chocolate." Sabay talikod nito para hindi mahalata ng binata na masyado siyang na disappoint.
"Hmmp.. what do you want to drink? coffee for your hang- over or juice?"
"Kahit ano na." Sagot ng binata.
"Okay, upo ka muna diyan ha, kukuha lang ako ng maiinom mo."
Habang nasa kusina ang dalaga ay pinagsabihan niya ang kanyang sarili. " Yan masyado ka kasing assumera." Nabigla nalang siya ng may magsalita sa likod niya.
"You bake a cake?" Tanong ng binata sa kanya.
"Yes." Maikling tugon nito. Ginawa niya nang libangan ang pagbi-bake.
"Good for you. Ashley also, love to bake and design cake." Nakikita ni Dane ang kislap ng mga mata ni Dexter ng binanggit ang pangalan ni Ashley.
"Oh really! kaya kasiguro na inlove sa kanya ano?" Parang gustong pukpukin ni Dane ang ulo niya ng marealized niya kung anong klasing tanong ang lumabas sa bibig niya.
"Nope. Hindi lang sa galing niya mag bake ng cake kaya ako nainlove sa kanya. I love all about her. Ang weaknesses niya, ang pagiging iyakin niya, ang pagiging spoiled and stubborn niya. Ang pagiging sweet at maalaga niya, ang paglalambing niya sa akin. Lahat ng kong ano siya ay mahal ko at mahahalin ko pa hanggang sa nabubuhay ako."
See? diba ang sakit lang? daig pa ni Dane ang sinasaksak ng kutsilyo dahil sa narinig.
Wala na nga talaga sigurong pag-asa na mapansin siya ng binata. Pinipigilan niya ang sariling tumulo ang luha dahil sa narinig. Tama lang sigurong pigilan niya na ang sarili na mas mahalin pa si Dexter, walang duda he's madly inlove with Ashley.

BINABASA MO ANG
COUNT ON YOU (Book 2: Stubborn Heart) by: Lee Ann Pradas
RomanceHe is DEXTER MONTIVILLA, a boy-next-door type man whose passion is music. He's a man in every woman's dream. He's not only literally rich, but his heart is gold to give love unconditionally to ASHLEY MARIE GUEVARA na minahal niya nang higit pa sa ka...