"IBIG SABIHIN kahit ano pwede ko ng hilingin sa patpat na ito?" Tila hindi pa rin makapaniwalang wika ni April.
Marahang tumango naman si Zion.
"Kahit ano April. Sadyang makapangyarihan ang aking palitong pangsalamangka."
"Ateng! Please now na humiling kana na gawin na akong babae na patpat na yan! Please." Nagkakandarapang kumapit pa si Charlie sa kapatid.
"Charlie! Hindi pwede dahil magugulat ang lahat saka gusto mo bang pagkaguluhan ako ng mga tao pag nakita nila ang kakaibang mangyayari kung sakali." Ani ng dalaga sa kapatid.
"Oo nga Charlie. Saka maganda ka naman kahit wala kang matris." Hirit muli ni Patrick.
"Tsee Patrick!" Ingos nito sa binata.
"Intindihin mo nalang Charlie." Muling wika ni April.
"Hmp. Oo na naiintindihan ko na." Sang-ayon nito bagamat nagkakanda-haba ang nguso.
"Hiling ko lamang na paka-ingatan at itago mong mabuti ang patpat." Muling baling ni Zion sa dalaga.
"Naiintindihan ko Zion. Kahit na mahirap paniwalaan." Nakangiting wika ni April.
...
Kahariang Diwatanya..
"Prinsesa Armida akin pong napag-alaman na ang alam ng haring Oberon ay nasa bundok sagrado ang itinakdang prinsipe." Pagbabalita ni Selma. Ang kadamang taksil ni reyna Ayana.
"Lubos ang tagping kasinungalingan ng mag-ina. Hintayin nilang ibunyag ko ang katotohanan sa oras na mapasa-kamay na ni prinsipe Sibre ang makapangyarihang palitong pangsalamangka." Nag-uuyam na wika ni prinsesa Armida.
"At lahat ng mga pantas ay naghahanda na sa ika-tatlumpong araw ng pagpuputong ng korona. Akin din pong nabatid na may misyong dapat gawin si Prinsipe
Zion sa lupang ibabaw ngunit hindi ko po tiyak kung ano iyon." Dagdag pa ng kadama.
"Magaling Selma nais kong magmasid ka at alamin mong mabuti ang mga nangyayari sa loob ng kaharian, lalo na kay reyna Ayana. Malaking pabuya ang naghihintay na kapalit sa iyong pananalig sa akin." Nakangising pinagsiklop ni prinsesa Armida ang mga braso na napapatungan ng mga gintong burda.
"Makakaasa ka prinsesa Armida." Ani ni Selma na yumukod bago tuluyang umalis.
Samantala abala naman si Reyna Ayana sa pagtingin ng mga nag-gagandahan niyang bulaklak sa paraisong hardin. Nang biglang lumitaw ang munting si Tamia.
"Isang pagpupugay sa inang reyna ng diwatanya." Magalang na wika ng munting paru-paro.
"Ikinagagalak kong dalawin ako ng isa sa pinaka-magandang nilikha ni Bathala. Anong maipaglilingkod ko sa iyo Tamia?" Wika ni reyna Ayana na nakangiting inumang ang malantik na hintutoro upang dapuan ng munting panauhin.
"Ako po ay naparito upang ihatid ang mensahe ni Hermano Ingkong. " Ani ni Tamia.
Marahang naglakad papalayo ang reyna sa mga kadamang kasama upang bigyang pansin ang mahalagang mensahe ng babaylan.
"Anong mensahe iyon Tamia?"
"Binibigyang babala ng panginoong hermano Ingkong ang prinsipe Zion, dahil may isang nilalang na galing sa diwatanya ang pumaibabaw sa lupa upang kunin ang makapangyarihang palitong pangsalamangka. Maging maingat at mapagmasid sa panlilinlang na dala ng panganib."
Lubos na nagitla ang reyna sa narinig.
"Ang ibig sabihin may nakaalam na pumunta ng lupang ibabaw ang itinakdang prinsipe?"
"Ganoon na nga inang reyna Ayana. Kaya't nararapat na pag-ingatan ng prinsipe ang may tangan nito."
"Maraming salamat munting Tamia. Isang napakalaking tulong ang babala ni hermano Ingkong." Wika ng Inang Reyna.
Pagkaraan ay muli ng lumipad ang maningning na paru-paro.
...
"NARARAPAT na ako ay maging mapag masid sa gawi ng mga mortal." Wika ni Sibre habang naglalakad papalabas ng kakahoyan.
Humantong ang sakim na diwata sa bukana ng mga kabahayan. Muli niyang sinipat ang mga nakikita.
"Hoy sino ka? Bakit ganiyan ang itsura mo?" Nakangising tanong ni Tonton. Ang panganay na anak ni Paning.
"Lapastangan! Bakit mo tinatawanan ang anyo ko?" Salubong na kilay ni Sibre.
"Eh kasi parang taga perya ka sa suot mo." Anito at nginuso pa ang kasuotan ni Sibre.
Bumabangon ang inis sa dibdib ng diwatang sakim ngunit nagpigil siya dahil sa naalalang misyon.
"Pagpasensyahan mo na ako dahil naligaw ako dito sa inyong lugar at kung maari ay bigyan mo ako ng pansamantalang matutuluyan."
"Taga saan ka ba? May pera ka bang pambayad kung sakaling patuluyin kita sa bahay namin?" Gumana na naman ang pagka-mautak ni Tonton.
"Pera? May salapi akong dala." Ani ni Sibre at inumang sa kausap ang bungkos ng pera.
Nanlalaking ang mga mata ni Tonton ng masilayan ang pera.
"Saan galing 'yan? Wala ka namang bag ah?" Takang tanong nito ngunit maya-maya ay nagbawi ito.
"Naku pasensya kana kung marami akong tanong pero halika kana sa bahay namin tiyak matutuwa si inay sayo." Excited na dinala ni Tonton si Sibre sa tahanan nila. Dahil nasilaw sa dami ng perang pinakita ng diwata. Hindi man lang nag-abalang alamin kung sino ang taong kasama.
...
"NAIS ko sanang maging lihim ang lahat April. Tulad ng sinabi ko wala akong sapat na panahon upang magpaliwanag. Ngunit hayaan mong ipaintindi sa iyo ang lahat sa mga susunod pang araw na ako ay nandito." Wika ni Zion kay April.
"Makakaasa ka Zion." Nakaka-unawang tumango ang dalaga.
"Ate April ingatan mo yang magic wand ha? Humiling kana ng kahit ano 'wag lang maging babae si Charlie." Nakangiting bilin din ni Patrick.
"Tsee! Ako na naman?!" Nakaingos na wika ng nagmamaktol na bakla.
"Pwede ko naman sigurong ibalik ito sa iyo ngayon?" Baling ng dalaga kay Zion.
Marahang ngumiti at umiling naman ang makisig na diwata.
"Ikaw ang panginoon ng patpat at ituring mo itong kaloob ni Bathala sa iyo. Gamitin mo lang sa tamang paraan hanggang sa muli ko itong makuha."
"Talaga? Salamat Zion." Excited na wika ng dalaga. Ang dami nyang gustong hilingin at hindi na siya makapag-hintay.
Muling tumango si Zion, ngunit hindi niya binanggit ang tungkol sa kaakibat nitong epekto sa kaniya sa tuwing gagamitin ito kung sakali. Nais niyang bigyan ng ganting-pala si April sa pamamagitan ng pagtupad sa mga magiging kahilingan nito. Saka nalang muli niya sasabihin ang lahat.
...
"Chow! Tong-its!" Sigaw ni aling Paning na inilahad ang mga baraha.
"Kanina ka pa tumotong-its ah." Sambakol na wika ni Bebang.
"Kainis naman! Talo!" Segunda ni
aling Osang.
Kasalukuyang nag-susugal ang tatlo sa mismong bahay nina Paning.
"Inaay!"
Malayo pang tawag ni Tonton sa ina. At nang bumungad ito ay nagmamadaling pumasok sa loob ng bahay.
"Makatawag ka parang naputulan ka ng ewan! Bakit ba?"Ani ni Paning sa anak na napatingin sa kasama nitong binata na gumagala ang paningin sa pawid na bahay.
Habang tumatakbo sa isip ni Sibre na maituturing ang tirahang ito sa pahingahan ng mga hayop sa kaharian ng diwatanya. Ngunit wala siyang magagawa dahil kailangan niyang mamuhay pansamantala kasama ang mga nilalang na mortal.
"Inay si Sev kaibigan ko."
Mapanuring tingin ang binigay ng tatlong ginang sa bagong dating na lalaki. May paghanga at pag-ngiwing ekspresyon na mababakas sa mukha ng tatlo.
"Ang gwapo pero parang taga peryahan." Ang mahaderang si Bebang.
"Hi pogi," pa-cute ni aling Osang.
"Saan ba galing iyan? Mukha taga peryahan nga. At bakit kasama mo?" Ang matinis at parang pinupunit na yero na tanong ni aling Paning.
Parang balewala lang kay Sibre ang mga kaharap habang sinisipat mabuti ang paligid. Isang makahulugang ngiti ang sumilay sa labi niya habang nag-iisip. Dito niya uumpisahan lahat ng plano upang mapasa-kamay ang palitong pangsalamangka ni Zion.
"Ay! May topak pa yata yan!" Kunot-nuong bulalas ni aling Paning.
![](https://img.wattpad.com/cover/62698674-288-k176929.jpg)
BINABASA MO ANG
MAGIC WAND by: Gracey
FantasíaHINDI sukat akalain ni April na sa simpleng patpat na natagpuan niya sa gitna ng kakahuyan ay magbabago din ang lahat sa buhay niya. Lingid sa kaalaman ng dalaga ang hiwagang bumabalot dito. Tila isang hiwaga na nangyayari lahat ng nais niya sa bawa...