HINIHINGAL na tangan-tangan nina Charlie at April ang mga dalang kahoy mula sa kakahoyan, ng madaanan nila ang bahay ni Sabana.
"Ate tanungin ko muna si Aling Ana kung kukuha siya ng gulay bukas." Ani Charlie.
Dahil regular na suki ng magkapatid si Sabana sa mga gulay.
Tamang palabas naman ang ginang sa kaniyang balkonahe.
"O kayo palang dalawa." Nakangiting bati nito.
"Opo aling Ana tatanungin ko lang kung kukuha ka ng gulay bukas?" Ganti ni Charlie.
"Aba oo naman. Pakidagdagan mo ng isang tali ang okra na dadalhin mo sa'kin bukas ha."
"Sige po salamat." Paalam ni Charlie.
"Mauna na po kami." Dagdag naman ni April.
Tumango naman ang ginang bilang pagtugon.
...
KAHARIANG DIWANTANYA..
Pinagpapawisan na hindi mawari si Zion dahil nawawala talaga ang kaniyang mahiwagang palitong pangsalamangka. (Magic wand.) Mula sa kaniyang silid ay pabalik balik siya.
"Ngayon ay hindi kana makapagplilihim prinsipe Zion." Biglang wika ng inang reyna diwata buhat sa kaniyang likuran.
"I-inang reyna Ayana." Aniya na lalong kinabahan.
"May bumabagabag sa iyo aking anak? Sabihin mo at handa akong makinig." Turan pa ng kaniyang inang reyna.
"Inang reyna Ayana..A-ang akin pong palitong pangsalamangka ay nawawala." Lakas loob ng pag amin ng prinsipe.
"Anong sinasabi mo prinsipe Zion?" Gulantang ng bulalas ng reyna.
Ayaw man aminin ni Zion ang lahat ay wala siyang nagawa kung hindi isalaysay sa ina ang lahat.
"Alam mong malaking kalapastangan ang ginagawa mong pagpunta sa ibabaw ng lupa! Lalo pa at dinadalaw mo ang iyong tiya Sabana." May diin ang bawat bigkas nito.
"Inang reyna, handa akong tanggapin ang anumang kaparusahang naghihintay sa'kin kung ito'y malalaman ng aking amang hari Oberon." Nakayukong wika ng makisig na prinsipe.
"At ano ang mangyayari? Magkaka-gulo ang lahat! Ikaw ang susunod na mamumuno ng ating mga uri. Ayokong matulad ka kay Sabana na tinakwil ng buong lahi ng mga diwata." Anito at nagpalakad lakad sa harapan.
"Ngunit inang reyna paano ko maibabalik at matatagpuan ang aking palitong pangsalamangka? Ito ang gamit ko sa bawat pagsasanay." Nagugulohang tanong niya.
Walang anumang tugon mula sa inang reyna bagkus ay hinawakan siya nito sa kamay at sabay silang naglaho.
...
"HOY kayong magkapatid matulog na kayo at maaga pa punta niyo ng taniman para mamitas ng mga gulay." Sita ni Bebang kina April at Charlie na nasa labas ng munti nilang tahanan.
"Opo tsang nagpapahangin lang po kami." Magalang na sagot ni April.
"Siguraduhin niyo lang na maaga kayo. Para naman makarami ng benta! Aba parang patamad-tamad na kayo ah!" Nagsimula na naman ang bunganga nito.
"Tsang Bebang matulog kana baka kumulubot pa 'yang mukha mo. Huwag kang mag alala at maaga kami bukas." Hindi makatiis na sabat ni Charlie. Pero ang totoo ngali-ngali siyang sagutin ang tiyahin.
Agad na hinawakan ni April ang braso ng kapatid upang 'wag nang humaba pa ang usapan.
"Huwag ang kulubot ng mukha ko ang pansinin mo bakla. Isipin niyo paano kayo makakapag-bigay ng pera sa'kin!" Dagdag pa nito.
"Oo na tsang matulog kana po." Isang marahas na buntong-hininga ni Charlie.
Nakaismid na pumasok na sa loob ng bahay si Bebang.
"Ang galing magsalita samantalang sila itong umaasa sa'tin." Puno ng hinanakit na tinig ni Charlie.
Malungkop na ngumiti naman si April.
"Konting tiis nalang at pag naka-ipon na tayo ng sapat na pera ay makakaalis na rin tayo dito." Aniya sa kapatid.
"Tama ka ate konting tiis nalang." Sagot nito at ngumiti.
"May chicka pala ako sa'yo ateng." Biglang naging excited ang tinig ni Charlie at nagsimulang magkwento.
...
KUNOT ang nuo si Zion habang ginagala ang paningin sa paligid kung saan siya dinala ng ina. Maraming naglalakihang ugat ng mga punong kahoy. Tila isang kweba ang kanilang tinutungo. Tahimik na sumusunod lang siya sa ina.
At nang marating nila ang pakay ay agad na nagwika ang kaniyang ina.
"Hermano Ingkong, tanggapin mo ang aking malugod na pag bati kasama ng aking anak." Pag bibigay galang ng inang reyna at yumukod.
Tulad ng ginawa ng ina ay yumukod din si Zion. Isang matandang diwata na nakapikit, na nagtataglay ng puting mahabang buhok at balbas ang nasa kanilang harapan. Hawak nito ang isang berdeng tungkod.
"Alam ko ang inyong pakay reyna Ayana. Ang nawawalang palitong pangsalamangka ng makisig na prinsipe hindi ba?" Anito at dumilat mula sa pagkakapikit.
Napaawang ang bibig ni Zion ng makita ang bilugang mga mata nito. Pawang kulay puti ang taglay nitong mga mata.
"Tama ka hermano ingkong." Magalang na sagot ng kaniyang ina.
Napabaling si Zion sa ina na may kalakip na kuryosidad. Agad namang nakuha ng reyna ang mga tinging pinukol sa kaniya ng makisig na prinsipe.
"Siya si hermano Ingkong ang pinaka-makapangyarihang babaylan ng mga diwata. Sa kaniya tayo hihingi ng tulong upang makita at mabawi mo ang iyong mahiwagang palitong pangsalamangka." Paliwanag ni reyna Ayana.
Muling napatingin si Zion sa matandang diwatang babaylan.
"Huwag kang mag alala matapang na prinsipe. Ang iyong makapangyarihang palitong pangsalamangka ay nasa mabuting kamay ng isang binibining may busilak na kalooban." Panimula ni hermano ingkong.
"Binibini? Saan ko siya pwedeng matagpuan upang mabawi ko na ang mahiwagang patpat. Maaring magamit niya sa hindi magandang paraan ang kapangyarihan ng aking palitong pangsalamangka." Tanong niya.
"Oo binibining may magandang mukha at kaloobang tinataglay. Sa ngayon ay hindi pa niya magagamit ang kapangyarihan ng iyong patpat. Ngunit pag dumating na ang ikatlong yugto ng pagba-basbas ng mahikang puti at hawak pa rin ng mortal na binibini ang iyong palitong pangsalamangka, siya na ang kilalanin nitong panginoon,at maari na niyang gamitin ito sa anumang hiling at nais niyang ibigay ng patpat."
Napamaang ang prinsipe sa mga narinig.
"Ang..ang ibig sabihin ay hindi na ako ang susundin ng mahiwagang patpat?" Aniya.
"May dalawang paraan prinsipe Zion. Una hihintayin mo ang pag sapit ng ika-apat at huling yugto ng basbas. Dapat ay nabawi mo na ito upang ikaw na muli ang may hawak sa pagsalin ng buong kapangyarihan. At ang pangalawa ay maaring kausapin mo ang mortal na may hawak nito.." Sadiyang binitin nito ang sasabihin upang saglit siyang titigan na tila inaarok ang kaniyang damdamin.
"Sa paanong paraan hermano ingkong?" Puno ng kuryosidad niyang tanong.
"Wala ka bang naalalang magaganap ngayong gabi mahal na prinsipe?" Bagkus na tanong ng matandang diwata.
Kunot nuong nagpalipat-lipat ng tingin ang prinsipe sa kaharap at sa inang reyna.
"Anong magaganap?"
"Mamaya pagsapit ng kabilugan ng buwan ay magaganap ang ikatlong yugto ng basbas at tulad ng sinabi ko ang mortal ang kikilalanin ng palitong pangsalamangka na kaniyang panginoon dahil siya ang may hawak nito."
Bakas sa mukha ng prinsipe ang matinding pag aalala sa narinig.
Samantala napapa-buntong hininga naman nakikinig si reyna Ayana.
"N-ngunit hermano Ingkong ano ang pangalawang paraan upang makausap ko ang mortal?" Natitilihang tanong ni prinsipe Zion.
"Sa pamamagitan ng pagpasok mo sa kaniyang panaginip. Oras na magtagpo ang inyong mga diwa, ang dapat mong gawin ay hilingin sa kaniyang ibalik ng buong puso ang mahiwagang patpat sa'yo. Nang sa ganoon ay maghahati ang kapangyarihan ng palitong pangsalamangka sa inyo ng mortal. Gagamitin ko ang aking kakayahan na makapasok sa kaniyang panaginip. Ngunit dapat ay magawa mong makausap at buong puso siyang pumayag sa tamang oras dahil may limitasyon lang ang aking kakayahan." Muling paliwanag nito.
"Kung ganoon ay dapat mo nang makausap ang mortal dahil tiyak na malaking kaparusahan ang magaganap sa'yo, pag nalaman ito ng iyong amang hari." Puno ng pag-aalalang tinig ng reyna.
Isang tango ang naging sagot ng prinsipe.
...
KASALUKUYANG nalilibang naman ang magkapatid sa kanilang kwentuhan ng mga sandaling iyon.
"Ay teka ateng malapit na ang fiesta sasali ako sa mutyang serena." Ani ni Charlie.
"Naku tigilan mo na at hindi ka papayagan ni tsang Bebang. Tara na at matulog na tayo." Wika ni April at nagpatiunang tumayo.
Wala namang nagawa si Charlie at sumunod na lamang.
Tamang pagpasok ng dalaga sa kanilang kwarto ay nahagip niya ng tingin ang munting patpat na napulot niya sa kakahoyan. Agad niya itong dinampot mula sa ibabaw ng tokador nila.
"Talagang dinala mo pa dito 'yang patpat na 'yan." Tinig ni Charlie buhat sa kaniyang likuran.
"Ang ganda kasi parang hindi ordinaryo." Sagot niya at sinipat sipat ito ng maigi.
"Wala namang kakaiba eh." Balewalang tugon nito.
Kibit-balikat lang ang naging reaksyon ng dalaga sa tinuran ng kapatid. Ngunit hindi nagtagal ay parang nakakaramdam ng kakaiba si April, tila umiinit ang munting patpat. Hanggang sa tuluyan na niya itong nabitawan.
"O bakit?" Takang tanong ni Charlie sa kapatid.
"A-ang init ng patpat!" Nagugulumihanang bulalas ng dalaga.
"Ano? Anong mainit?" Kunot-nuong tanong nito.
"Basta sobrang init nakakapaso."
Agad na dinampot ni Charlie ang patpat mula sa sahig.
"Hindi naman eh, inaantok kana yata kaya matulog na tayo."
Dagliang lumapit ang dalaga at marahang hinipo ang munting kahoy. Sa pagkagulat ng dalaga ay hindi na nga ito mainit tulad kanina na tila baga ang kaniyang hawak.
"Paano nangyari 'yon?" Puno ng pagtatakang na-isang tinig niya.
"Ewan ko sa'yo. Tara tulog na tayo." Anito at pabagsak na humiga sa katre.
Puno man ng pagtataka ay humiga na din ang dalaga sa tabi ng kapatid.
...
"Charlie?" Tawag ni April. Ngunit walang anumang sagot mula dito.
Lumakad siyang papalapit sa liwanag. Ganoon na lamang ang mangha ng dalaga ng malagpasan ang silaw.
"Ang ganda!" Hindi mapigilang bulalas niya. Tila nasa isang paraiso siya. Mga nag-gagandahang bulaklak, luntiang kapaligiran, bughaw na kalangitan at mga ibong tila humuni ng isang awit.
"Magandang araw binibini." Biglang wika ng malumanay at buong tinig sa kaniyang likuran.
Agad na napalingon ang dalaga. Parang namamalikmata sa pagkabigla si April. Isang gwapo o mas akmang sabihing tila isang greek god ang nasa harapan niya. Napakaamo ng mukha nito.
"S-sino ka?" Napapalunok niyang tugon.
"Isa akong diwata mula sa diwantanya."
"Di-diwata?"
"Oo binibini. Kaya ako nandito sa iyong panaginip ay nais kong hilingin sa'yo na kung maari ay pumayag kang ibalik xken ang mahiwagang palitong pangsalamangka na aking pag aari." Wika nito.
"T-teka w-wala akong a-alam sa sinasabi mo. Anong pa-palitong pangsalamangka?" Nalilitong tanong ng dalaga.
"Wala akong sapat na oras upang magpaliwanag sa'yo binibini. Ngunit hindi ko alam kung paanong napunta ito sa iyo. Sumang-ayon ka lamang." Wika ng makisig na diwata. Pagkaraan ay marahan nitong inaabot ang palad sa kaniya.
May pag-aatubiling tiningnan ng dalaga ang gwapong mukha nito. Tila nais manginig ng mga tuhod niya sa malamlam na mga tingin ng kaharap, lalo pa at ngumiti ito sa kaniya.
Unti-unti ay tinaas ng dalaga ang isang kamay upang magkadaupang palad sila.
"Ate April!" Tawag ng pamilyar na tinig. Nabitin sa ere ang palad ng dalaga.
"Ate April!" Ulit nito.
Animo'y may pwersang humihigop ang pakiramdam ni April ng mga sandaling iyon. At parang bulang naglaho ang lahat sa paligid pati na ang estranghero.
Hinihingal na napabalikwas ang dalaga.
"Ate? Binabangungot ka." Bungad ng kapatid sa dalaga.
"H-ha?" Parang wala sa sariling tugon niya.
"Oo ate panay ang ungol mo. Ano bang napanaginipan mo?" Anito at umupo pa sa harapan niya.
"G-gwapong lalaki." Aniya na sunod-sunod na napapalunok.
Sa pagkagulat niya ay biglang bumunghalit ng tawa ang kapatid.
"Kaloka ka! Gwapong fafa?! Kaya pala umuungol kapa diyan! Ano bang ginagawa niyo?" Malisosyong tanong nito sa pagitan ng todo ngising mukha.
Tila nahimasmasan ang dalaga sa tanong ng kapatid kaya mabilis niyang binatukan ito.
"Aray! Ang sakit ah!" Nakangusong sapo ni Charlie ang ulo.
"Gaga! Kung anu-ano kasi pinagsasabi mo eh!" Naka-ismid na tugon ni April.
"Paano todo ungol ka tpos gwapong fafa ang kasama mo. Ganito ka kaya..Ooh..uuh..oooh...uuh..huh..oooh!" Ekseharadang umaksyon-aksyon pa ito.
Nanlalaki ang mga matang napatingin siya sa kapatid.
"Charlieee!!"

BINABASA MO ANG
MAGIC WAND by: Gracey
FantasyHINDI sukat akalain ni April na sa simpleng patpat na natagpuan niya sa gitna ng kakahuyan ay magbabago din ang lahat sa buhay niya. Lingid sa kaalaman ng dalaga ang hiwagang bumabalot dito. Tila isang hiwaga na nangyayari lahat ng nais niya sa bawa...