UMIIKOT ang paningin ni April ng maramdaman niya ang pagsayad ng likuran sa mga maliliit na damo. Nakakasilaw ang liwanag na tumatama sa mukha niya.
"April!" Tawag ng pamilyag na tinig, ngunit tila lasing ang dalaga at unti-unting nanghihina.
"Maligayang pagdating sa mundo ng mga immortal, binibini." Humahalakhak na wika ni Sibre.
Lalapitan sana ni Zion ang nakalugmok na dalaga ngunit hindi siya hinayaang makalapit ni Sibre dahil patuloy ito sa pag-atake sa kaniya.
"Isa kang palalong tampalasan!" Galit na wika niya. Masyado siyang nag-aalala sa dalaga dahil walang sinuman na mortal ang maaring mabuhay ng matagal sa kanilang mundo ng hindi nabibigyan ng orasyon.
Samatala andap-andap ang dalaga. Nais niyang imulat ang mga mata ngunit tila napaka-bigat ng kaniyang talukap.
Sa gitna ng labanan ay pinipilit ni Zion na bumulong ng mensahe sa inang reyna upang matulungan sila.
...
Marahas na napamulat ng mga mata si Ingkong Hermano kasabay ng pag ihip ng malakas ng hangin.
"Mortal..my mortal sa ating mundo!" Dumadagundong na tinig nito.
"Siya ay nasa isang dipang kamatayan!" Nanginginig na wika ng matandang babaylan. At muli ay ipinikit niya ang mga mata
Agad na lumapit ang munting si Tamia.
"Panginoon?"
Walang anumang tugon kay Ingkong Hermano, awtomatikong inilahad nito ang palad na tila binabasa ang mga nagaganap.
"Magmadali ka Tamia, puntahan mo ang gitnang paraiso matatagpuan mo doon ang mortal na nilalang. Ipahatid mo ang aking mensahe sa magiting na prinsipe."
"Masusunod panginoon." Agad na lumisan ang munting paru-paro.
Samantala humahangos na nagtungo si reyna Ayana kasama ang tatlong kadama sa gitnang paraiso ng kaharian. Isang nakakabiglang hangin ang bumulong sa kaniya, Pinapabatid nito ang pagbabalik ng kaniyang anak, ngunit nasa gitna ito ng karimlang sitwasyon.
...
Lahat ng nalalabing lakas at kapangyarihan ay binuhos na ni Zion sa huling pag-sugod na gagawin.
"Sumusugal ka mahal na prinsipe?" Nanunuyang wika ni Sibre.
Nagniningas na lumikha ng umaapoy na buhawi si Zion. Kasabay ng pag-usal ng gabay sa bathala. Nang ibato niya ang buhawing nagniningas ay pilit iyong sinalag ni Sibre ngunit hindi din nagtagal ay nilamon ito ng ipo-ipo.
Iyon ang tagpong nasaksihan ng inang reyna.
"Prinsipe Zion!" Nahuhumindik na bulalas ng reyna.
"I-nang r-reyna.." Nauupos na wika niya.
"Anong nangyayari?" Nag-aalalang sinapo niya ang maputlang mukha ng bughaw na anak.
"I-ina t-tulungan mo a-ang m-ortal." Aniya at tiningnan ang direksyon kung saan nakahiga si April.
"Mahabaging Bathala! Bakit may mortal dito?" Gilalas na wika niya.
Agad nitong inutusan ang tatlong kadama na daluhan si April.
Tamang dumating ang munting si Tamia.
"Pagbati sa inang reyna Ayana at sa magiting na prinsipe. Ako'y may dalang mensahe mula sa aking panginoon." Anito at bumulong sa tenga ng reyna.
Ilang sandali pa ay sabay-sabay silang naglaho.
...
Humantong sila sa kwebang ugat ni Ingkong Hermano. Agad na nilunasan at pinanumbalik ng matandang babaylan ang lakas ni Zion at kasalukuyan itong hinihintay na gumising. Ngunit si April ay unti-unti ng nagbabago ng anyo.
"Ingkong Hermano ano ang dapat gawin sa mortal?" Hindi mapakaling wika ng reyna.
"Isa lang ang paraan upang makaligtas siya. Ang orasyon at ang katas ng bulaklak ng kampupot." Anito habang nakatingin sa dalaga.
"Bulaklak ng kampupot! Iyon ay nasa pusod ng bundok ahasin!" Gulantang na reaksyon ng reyna.
"Tama ka reyna Ayana ito lamang ang paraan upang mabuhay siya dito sa ating mundo. Hindi ko siya kayang ibalik sa mundo ng mga mortal dahil tanging siya lamang sa sarili niya ang makakagawa noon."
"Anong ibig mong sabihin Ingkong Hermano? " Nalilitong tanong ng reyna.
"Uhhmm.." Ungol ni Zion na nagpahinto sa kanilang usapan.
"Mahal kong prinsipe." Agad na dinaluhan ng reyna ang anak.
Unti-unting minulat ni Zion ang mga mata At Bbglang pumasok sa gunita niya si April.
"April!" Balikwas niya at agad na hinanap ng tingin ang dalaga.
Nakita niya itong nakahiga sa malaking ugat kaya't dali-dali niyang nilapitan.
"April..gumising ka." Puno ng pag-aalalang hinipo ng diwatang prinsipe ang pawisang nuo nito.
"Bakit ganito ang anyo niya Inang reyna?" Baling niya sa ina.
Unti-unti ng nangingitim ang dating mapulang labi ng dalaga. May mga kakaibang ugat na itim at pula din ang lumilitaw sa kabuohan ng katawan nito.
"Dahil hindi siya nararapat dito sa ating mundo kaya't marahang pinapatay ang katawang mortal niya." Sagot ng babaylan.
"Paano ko siya maibabalik sa lupa? May paraan ba upang mailigtas siya?"
"Ang katas ng bulaklak ng kampupot ang tanging lunas, na matatagpuan sa bundok ahasin. Ngunit hindi ko pa masasagot kung maibabalik natin siya sa lupang ibabaw ng ganoon kabilis."
"Kung ganoon ay magtutungo ako sa bundok upang makakuha ng lunas."
Muling tinitigan ng prinsipe ang nahihirapang dalaga.
"Kailangan mo magmadali wala ng panahon. Bukas ng gabi ay dapat dala mo na ang bulaklak, dahil pag nabigo ka ay tuluyan na siyang babawian ng buhay." Wika ni Ingkong Hermano.
Puno ng pag-aalala at takot ang namamayani sa puso ni Zion ng mga oras na iyon. Ngunit determinado siyang makuha ang sinasabing bulaklak.
"Inang reyna Ayana, ako po ay magtutungo sa bundok ahasin. Sa aking pagbabalik ay saka ako magpapaliwanag sa iyo. Hiling ko lamang na alagaan mo muna ang babaing aking iniibig." Deretsong wika niya sa ina.
Bahagyang napatda ang reyna sa huling sinambit ng kaniyang anak.
"Humayo kana mahal na prinsipe Zion, huwag kang mabahala at ako na ang bahala sa kaniya." Tugon ng reyna.
Bago tuluyang umalis ay masuyong hinagkan niya muna ito sa nuo.
"Antayin mo lang ako,patawad at napunta ka sa mundong hindi nararapat sayo, pangako gagawin ko ang lahat bumalik ka lang sa normal mong buhay." Aniya at mabilis na naglaho.
Puno ng determinasyon si Zion na makukuha niya ang lunas para kay April. Kahit na ilang araw nalang ay magaganap na ang huling yugto ng pagsasalin ng ganap na kapangyarihan ng palitong pangsalamangka.
...
"Isa talagang mangmang ang prinsipe na yan! Ngayon pa lamang ay nalalasap ko na ang pagiging hari mo anak ko." Masayang wika ni prinsesa Armida habang nakatingin kay Sibre na puro galos. Mabuti na lamang at maagap niyang naiwasan ang pag-atake ni Zion kung hindi ay malaking pinsala ang matatamo niya.
"Anong binabalak mo ina? Ilang araw ngayon ay ganap ng isasalin ang huling yugto ng kapangyarihan ng palitong pangsalamangka. At ipuputong na ang korona."
"Ako na ang bahala sa lahat, ngunit siguraduhin mong mapapasa-kamay mo ang mahiwagang patpat. "
"Makakaasa ka ina na gagawin ko ang lahat makuha ko lang ang dapat." Kumpiyansang sagot nito.
Pagkaraan ay sumilay ang ngiti sa labi ni prinsesa Armida tanda ng nalalapit nilang tagumpay.
BINABASA MO ANG
MAGIC WAND by: Gracey
FantasyHINDI sukat akalain ni April na sa simpleng patpat na natagpuan niya sa gitna ng kakahuyan ay magbabago din ang lahat sa buhay niya. Lingid sa kaalaman ng dalaga ang hiwagang bumabalot dito. Tila isang hiwaga na nangyayari lahat ng nais niya sa bawa...
