Chapter 8

794 23 1
                                    

  KINABUKASAN pakendeng-kendeng na sulong ni Charlie ang palanggana ng gulay. Habang hawak naman ni April ang bayong.


"Ateng bakit pa tayo magtitinda? Dapat nag-wish ka nalang sa magic wand eh." Anito at todo pout ng lips.

"Ikaw talaga hindi pwede 'yong biglaan. Pero wag kang mag-alala kasi nag-wish ako na sana maubos lahat ng tinda natin ngayon." Ani ni April at ngumiti.

Tamang padaan na sila sa bahay ni Sabana ng makita ng dalaga na nakatayo si Zion sa gate na kawayan at nakangiti sa kanila.

"Ang gwapong prinsipe." Pigil kilig niyang bigkas.

"Nasaan?" Excited na bulalas ni Charlie habang hinahawi ng isang kamay ang mga nakalaylay na talbos ng kamote at kangkong sa harapan.

"Si Zion ayan o.." Bigla siyang napalingon sa kapatid.

"Ay itlog ng kalabaw!" Dahil sa hindi agad nakita ni Charlie ang dinadaanan ay nadapa ito sa lubak na lupa. Parang palakang nakatimbwang ang kapatid niya.

"Charlie!" Hindi magkamayaw na dinaluhan ito ni April.

"Ano nangyari?" Agad na tanong ni Zion ng makalapit sa nadapang si
Charlie.

"Arey ko eng shakit, Zion help me please. Napilayan yata ako mey ged." Pangiwi-ngiwing inabot ng malanding bakla ang kamay.

Tinulungan naman itong makatayo ng makisig na diwata. Kaya naman sinamantala pa ni Charlie. Yumakap siya sa malapad nitong dibdib at nag-inarte ng todo.

"Ouch..nahihilo aketch arey ke Zion." May kasama pang amoy-amoy sa katawan ni Zion.

Hindi makatiis na binatukan ni April ang kapatid.

"Aray ko! Ate April?!" Biglang napa-deretso ito ng tayo sapo ang ulo.

"Siraulo ka talaga, sige tsansing pa." Aniya na pinanlalakihan ng mata ang kapatid.

"Hmp kontrabida. Hindi baleng mapilantod at matanggalan ako ng ulo ganoon? Ang daya mo naman hawak lang eh." Nakangusong pinulot nito ang mga gulay.

"Zion pasensya kana sa kapatid ko ha." Kiming wika ng dalaga.

"Okay lang April." Ani ni Zion habang tinutulungan silang ayusin muli ang mga gulay.

"Saan ang tungo niyo?" Pagkuwa'y tanong nito.

"Sa palengke magtitinda kami ng mga gulay." Sagot ng dalaga.

"April kung maari sana tayong mag usap mamaya pag uwi niyo?" Seryosong tinig ni Zion agad namang nahimigan ni April.

"May problema ba?"

"Kung maari ay mamaya ko nalang sasabihin, mag-ingat ka April." Anito at malamlam na tumingin sa kaniya.

"Ay! Ay! Seryoso lang? Tapos ako na masakit ang paa wala lang?" Hirit ni Charlie.

Isang tingin na nagbabanta ang pinukol ni April sa kapatid kaya't napatutop nalang ito ng bibig.

...

Kahariang Diwatanya..

Kasalukuyang nagpupulong ang mga dugong bughaw at mga pantas.

"Kamusta na ang itinakdang prinsipe?" Tanong ni Armida habang nakatingin kay haring Oberon.

"Dasal kong nasa mabuti siyang kalagayan sa bundok sagrado aking kapatid." Tugon ng hari.

"Paano kang nakakatiyak na siya'y nasa bundok sagrado haring Oberon?" Makahulugang tumingin ito kay reyna Ayana na katabi lamang ng hari.

Dahil sa sinabi ni Prinsesa Armida ay mabilis na nag-angat ng tingin ang reyna.

"Kapatid kong Armida nababatid mong ito ay nararapat na pagdaanan ng itinakdang prinsipe. Siya ay nagninilay-nilay at naghahanda upang maging isang mabuting pinuno." Inosenting tugon ng hari. Wala itong ideya sa ibig ipakahulugan ng kapatid.

"Bakit ganiyan ang tanong prinsesa Armida?" Sabat ni Reyna Ayana.

"Alam ko mahal kong kapatid na hari, ang isang itinakdang maging pinuno ay nararapat na maglinis ng buong katauhan, walang bahid kasinungalingan at pagsuway sa mga sagradong utos hindi ba?" Anito at ngumiti.

"Nasabanggit ko lang naman reyna Ayana. Isang paalala na rin ang aking mga sinabi." Muli ay ngumiti ito ng makahulugan.

Tumatango lamang ang hari ngunit ramdam ni reyna Ayana ang mga makahulugang salita ng prinsesa.

Pagkatapos ng pulong ay agad na pumunta si reyna Ayana sa gitnang kakahuyan kung nasaan si hermano Ingkong.

...

Napapangiti naman si Sibre habang nakamasid sa hindi kalayuan. Nakita niyang kinakausap ni Zion ang isang magandang dilag. Hindi maipaliwanag na pakiramdam ang kaniyang nadama ng masilayan ang magandang mukha ng binibini.

"Sino ka at bakit ka kinakausap ng prinsipe?" Bulong ni Sibre sa sarili.

Kaya't nagpasiya siyang sundan ang magandang dilag kung saan ito patungo. Pakubli-kubli at maingat na nag-oobserba si Sibre sa paligid, maraming tao at may mga iba't ibang mga kakaibang pagkain. Habang nakamasid ay hindi mapigilan ni Sibre ang humanga kay April. Napapako ang kaniyang tingin sa maganda nitong mukha, at mga ngiting nakasilay sa labi nito ay tunay na nakakahalina.

Lumipas ang isang oras at ubos na ang paninda ng magkapatid kaya nagpasiya na silang umuwi. At tulad ng napag usapan ay nakaabang na sina Zion at Patrick sa kanila. Nagtataka pa ang dalaga dahil papasok sila sa kakahoyan.

"Zion bakit tayo dito mag-uusap?" Aniya ng huminto sila sa gilid ng batis.

Bago sumagot ang makisig na prinsipe ay gumawa muna siya ng isang orasyon upang hindi madinig ng sinumang kauri niya ang mga dapat niyang sabihin sa dilag.

"Makinig kang mabuti April. Tulad ng sinabi ko nakatakda akong maging hari ng aming lahi. At dahil sa hindi inaasahang pangyayari ay napunta sa'yo ang aking palitong pangsalamangka kaya ako nandito ngayon.. Ngunit nakarating din sa aking kaalaman na may nagnanais na kuhain ito at iyon ang hindi dapat mangyari." Panimula ni Zion.

"Ano ngayon ang gagawin ko?" Nag-aalalang tanong ng dalaga.

"Pag-ingatan mo ito ng buong lakas April."

"Buong lakas? Paano?"

"Sasanayin kita kung paano mo ito gagamitin. Maaring anumang oras ay lapitan ka ng palalong espiya. Kaya dapat ay handa ka."

Nanlaki bigla ang mga mata ng dalaga.

"Makikipag laban ako?"

"Kung kinakailangan ay oo."

"Pero Zion.." Nag-aalangang protesta ng dalaga.

"Tulad ng sinabi ko ihahanda kita at tuturuan." Ani ni Zion at hinawakan siya kamay, dahilan para mag-rigodon ang puso niya.

Habang sa di kalayuan ay napadako ng tingin si Charlie kina Zion at April kaya't nakita nito ang paghawak ng prinsipe sa kapatid.

"Patrick selos ako! Bakit may hawakan na ng kamay?"

"Eh di humawak ka din kay pinsan." Natatawang wika ni Patrick.

"Hmp mamaya magpalabas pa ng ahas yang pinsan mo." Nakangusong humalukipkip pa ito ng maalala ang mga palakang lumabas noon.

Hindi naman kumukurap si Sibre habang nasa itaas ng puno. Dala ng pagkairita dahil hindi niya marinig ang pinag-uusapan ng dilag at ni Zion ay kumumpas siya sa hangin upang itumba ang ilang matayog na puno ng kawayan kina Zion.

"Ate!!!" Hiyaw ni Charlie ng makitang nagtutumbahan ang mga puno.

Ngunit mas mabilis si Zion at agad niyang niyakap ang dalaga at itinabi.

Parang nais panawan ng urirat ni April dahil sa muntikan na silang mabagsakan ng mga kawayan. Habang mabilis na nililibot ni Zion ang paningin. Hindi naman siya nabigo dahil nakita niya ang isang itim na uwak na nasa puno. Walang pag-aatubiling kumumpas din siya sa daliri upang makabuo ng ipo-ipong hangin patungo sa direksyon ng itim na ibon.

Nahati sa gitna ang punong pinagkukublihan ni Sibre kaya't tiim bagang lumipad na lamang siya papalayo.

"Hindi pa ito ang huli Zion! Nagsisimula pa lang ako!" Pangako ni Sibre sa sarili.

"Pinsan! Sino iyon?" Hinihingal na tanong ni Patrick.

"Nakakatakot! Ate okay ka lang?!" Ekseharadang sinapo ng bading ang magkabilang pisngi ng kapatid na natutulala.

"Ate!!!!" Muling hiyaw ni Charlie.

"April.." Si Zion.

"A-ano n-nangyari? B-bakit g-ganoon?" Malalaking lunok na tanong ng dalaga ng bahagyang mahimasmasan.

"Umatake ang espiya April. Wala na talagang panahon dapat ay magsanay kana. Paano kung wala ako at bumalik siya."

"P-pwede b-bang i-ibalik k-ko nalang ang m-magic w-wand?" Natatakot na tanong dalaga. Pakiramdam niya ay hindi niya kakayanin ang mga susunod pang mangyayari.

"Wala ding mangyayari dahil hindi ko ito magagamit. Nasa iyo ang kapangyarihan at hindi ko din ito maibabalik sa aming mundo hanggat hindi natatapos ang tatlumpong araw."

"N-ntatakot t-alaga a-ako."

"Nandito ako 'wag kang mag-alala." Isang masuyong yakap ang iginawad ni Zion sa nanginginig na dalaga.  

MAGIC WAND                                                  by: GraceyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon