MAY NGITI sa labi ngunit lungkot na lungkot ang pakiramdam ni Zion habang bumabati sa mga lupon ng pantas. Iniisip niya kung kamusta na kaya ang kalagayan ni April.
'April' bulong niya sa isip.
"Prinsipe Zion nakabalik kana pala." Si Sibre na malawak ang pagkaka-ngiti sa kaniya.
"Oo prinsipe Sibre." Maikling tugon ng prinsipe.
"Handa kana ba para magaganap mamaya?" Makahulugang tumingin ito sa hawak niyang palitong pangsalamangka.
Dama ni Zion sa paraan ng pagsasalita nito ay may ibig ipahiwatig ang kausap.
"Lagi akong handa Sibre." Kaswal na tugon niya.
"Magaling kung ganoon dapat ay paghandaan mo talaga ang magaganap mamaya." Muli itong ngumisi ng makahulugan at tuluyan ng tumalikod.
...
Samantala sa kwebang ugat ay palipad-lipad na pinagmamasdan ni Tamia si April na payapang nakapikit.
"Z-zion.." Biglang wika ni April habang nakapikit at pabaling-baling ng ulo.
"Panginoon! Gising na ang mortal!" Anunsiyo ng munting paru-paro.
Mabilis namang nakalapit si Ingkong Hermano.
Unti-unting minulat ng dalaga ang talukap ng mga mata at ganoon nalang ang gulat niya sa mga nilalang na nasa harapan.
"S-sino kayo?! N-nasaan s-si Zion?!" Ani ni April na pinagsiklop ang dalawang tuhod habang nakasiksik sa ugat.
"Huwag kang matakot binibini kami ay hindi masamang engkanto. Ako si Ingkong Hermano at ito naman si Tamia. " Si Ingkong Hermano na may paos na tinig.
"Si Prinsipe Zion ay kasalukuyang nasa palasyo upang gampanan ang kaniyang tungkulin sa aming lahi." Muling dagdag ni Ingkong Hermano.
Napatitig ang dalaga sa mga kaharap.
"H-hindi ko p-po ba siya pweding puntahan?" Garalgal na tinig ng niya. Makahulugang nagtinginan naman sina Ingkong Hermano at Tamia.
...
Tunog ng tamburi ang tanging maririnig sa kaharian ng diwatanya ng mga oras na iyon. Hudyat na ang pinaka-sagradong ritwal ay magaganap na. Habang napapalibutan ng mga iba't ibang uri ng immortal si Zion. Sa kabilugan ng buwan ay tatanggapin na niya ang huling yugto ng mahika at ipuputong na ang korona sa kaniya, subalit sa puso niya ay tila may tumututol. At ang mga ganid ay hindi papayag..
"Walang karapatan ang itinakdang prinsipe upang maging susunod na hari!" Sigaw ni prinsesa Armida.
Halos lahat ng atensyon ay nakatuon na sa prinsesang naglalakad patungo sa sentro ng bulwagan.
"Anong ibig sabihin nito prinsesa Armida?" Madilim na mukha ni Haring Oberon.
"Hindi mo talaga alam mahal kong kapatid o sadyang pinagtatakpan mo lang ang iyong anak?" Matalas na baling nito.
"Linawin ang ibig mong tukuyin prinsesa Armida." Sabat ni Pantas Kurko.
Samantala papasok na ng bulwagan sina Ingkong Hermano at Tamia na kadais si April. Pinagsuot nila ito ng damit pang-kadama upang hindi mapansin ng sinuman.
"Ang nais nyong maging Hari ay isang diwatang lumapastangan sa sagradong kautusan. Nawala ang kaniyang palitong pangsalamangka at nahawakan ito ng isang mortal na dilag, na siyang iniibig ni prinsipe Zion. Sa katunayan nandito ang mortal sa ating mundo. Nararapat pa bang maging hari ang isang katulad niya? Dapat ay bigyan siya ng karampatang parusa!" Buong igkas na paglalahad nito.
Mga mapang-usig na tingin at bulungan ang namayami pagkatapos marinig ng lahat ang sekreto ni Zion. Habang nagulat din ang hari at si reyna Ayana.
"Paano mo mapapatunayan ang lahat?" Muling tanong ni pantas Kurko.
"Ako! Ako ang saksi sa lahat. Inaamin kong pumunta din ako sa lupang ibabaw upang alamin ang pakay ng itinakdang prinsipe. At aking namalas lahat ng kapalaluang ginawa niya." Ani ni Sibre habang lumalapit din sa sentro.
Kuyom ang mga kamao at nagtatagis ang mga bagang ni Zion sa napag-alaman.
"Ikaw pala ang walang hiyang espiya! Nais mong mawala ako upang maipasa sayo ang korona hindi ba?!" Galit na wika ng prinsipe.
"Dahil ang aking anak ang nararapat! Dahil sa maling desisyon noon ay inaani ni haring Oberon ang koronang dapat ay nasa akin! Ako ang unang anak ng salin-lahi ni ama at ina ngunit bakit ikaw Oberon na pangalawang anak ang nagmana ng lahat?!" Puno ng hinanakit na tinig ni prinsesa Armida.
"Binalak niyong kitlin ang buhay ng aking anak upang mapunta ang korona sa anak mo? Anong klaseng diwata ka prinsesa Armida?" Galit din na wika ng reyna.
"Binabawi ko lang ang dapat ay sa akin!"
"Walang sayo prinsesa Armida! Kahit mapatay mo man ang aking anak ay hindi pa rin mapupunta sa inyo ang trono." Hindi din mapigilan ni haring Oberon ang pagtaas ng boses.
Gilalas naman ang lahat ng nandoon dahil sa nasasaksihan.
"At bakit hindi?! Nasa talaan na ang unang anak ang dapat na mag-mana ng kapangyarihan ng amang hari at ako ang unang anak! Ako!"
"Tama ka reyna Armida, ang unang anak ang dapat magmana ng kapangyarihan ng isang diwatang hari. Ngunit sa katotohanan ay hindi ka unang anak ng inyong amang haring Oliveros. Si Oberon ang talagang nararapat dahil siya ang panganay na anak ng dating hari't reyna ng diwatanya." Malumanay na tumindig si pantas Kurko.
Napamaang naman ang lahat sa narinig higit lalo si prinsesa Armida at Sibre.
"Anong sinasabi mo pantas Kurko?!" Hindi makapaniwalang tanong nito.
"Ikaw ay anak ni prinsesa Arana sa dating pinunong pantas." Panimula ni pantas Kurko.
Si prinsesa Arana ay kapatid na bunso ni haring Oliveros na tatay ni haring Oberon.
"Si tiya Arana ang aking ina?"
"Oo prinsesa Armida, bunga ka ng maling pag-iibigan ng isang dugong bughaw at isang pinunong pantas." Sabat ni Ingkong Hermano.
"Bilang mga matatandang diwata kami ni pinunong pantas Kurko ang nakakaalam ng lahat. Dahil sa nangyari kina prinsesa Arana at pantas Kulabo ay nahatulan sila ng kamatayan. Ngunit dahil sa dakilang pag-ibig ni pantas Kulabo hiniling niyang patayin na lamang ng dalawang ulit ang kaniyang kaluluwa. Na ang ibig sabihin ay hindi na siya makakaakyat sa pinag-palang paraiso ni Bathala. Pumayag ang lupon ng mga pantas at kataas-taasang mga diwata ngunit si prinsesa Arana ay ginawaran naman ng parusang pagkawala ng lahat ng alaala niya. Maging ikaw na anak ay hindi niya makikilala. Sa kabaitang taglay ni haring Oliveros inako ka niyang anak. Kaya ang kinamulatan mong magulang ay ang dating hari na siyang ama ni haring Oberon." Mahabang pahayag ni Ingkong Hermano.
"Mga wala kayong puso! Nagawa ninyo ang ganoong bagay sa aking ama't ina?! Bakit si Sabana ay hinayaang mabuhay ng umibig sa isang mortal? At ngayon nararapat ding mamatay si prinsipe Zion dahil umiibig din siya sa taga lupa!" Nanlilisik ang mga matang lumikha ng apoy sa paligid si prinsesa Armida.
Nahuhumindik si April sa mga naririnig. Nakaramdam siya ng matinding takot para kay Zion gayong siya ay maaring hindi na rin makabalik sa lupa.
"Kahit anong sabihin niyo ako pa rin ang karapat-dapat na maging hari!" Wika din ni Sibre at pinatamaan ng bolang apoy si Zion. Dahil sa pagka bigla ay tumilapon ang makisig na prinsipe dahilan para mabitawan niya ang hawak na palitong pangsalamangka. At agad na kinuha ni Sibre.
"Itigil mo ang kapangahasang ito Armida! " Mariing utos ni Haring Oberon.
Lumilikha na ng komosyon sa paligid maging si April ay hindi napigilang lumapit kay Zion.
"Zion.."
"April?!" Gulat na bulalas ni Zion.
"H-hindi ko kayang maghintay." Naiiyak niyang wika habang hawak ang kamay ng prinsipeng nakangiwi sa sakit ng dibdib.
"Ako din April..ako din." Kahit na nahihirapan ay agad niyang kinulong sa bisig ang babaing minamahal.
"Wala ng makakapigil pa sa paghahari ng aking anak!" Muling nagpayanig si Armida ng lupa. Akmang lalaban si haring Oberon ng maglabasan ang mga malalaking ugat ng puno at pinuluputan ang mga nandoon. Pati si Ingkong Hermano na may kakaibang kapangyarihan ay hindi nakaligtas.
Si April at Zion ay magkayakap na pinipiga ng ugat.
"A-ang d-dagta ng m-makabuhay!" Gulantang na wika ng babaylan habang hirap na hirap sa pagkaka-gapos.
Malulutong na halakhak ang pinakawalan ni Armida.
"At sa tingin niyo ay hindi ako naghanda? Alam ko ang pangotra sa mga taglay niyong kapangyarihan kahit ikaw pa matandang babaylan! Para walang sinuman ang makakapigil sa paghawak ng aking anak ng palitong pangsalamangka oras na isalin ng puting mahika ang huling yugto ng pagtanggap." Sarkastikong baling nito sa lahat.
"Lumalabas na ang buwan!" Masayang wika ni Sibre at pumosisyon na sa sentro ng bulwagan kung saan magaganap ang pagsasalin. Mahigpit nitong hinawakan ang patpat. Ngunit bago pa man niya maitaas iyon ay biglang lumabas si prinsipe Alvar sa harapan niya at pilit ni inaagaw ang patpat.
"Alvar!" Gulantang si Armida, puno ng pagtataka ang sakim na prinsesa kung saan galing ang nakababatang kapatid ni Zion.
"Hindi ka karapat-dapat sa kapangyarihan!" Sa pagitan ng pagtatagisan ng lakas na wika ni prinsipe Alvar.
Nang tuluyan ng lumabas ang bilog na buwan na tila nagniningas ng apoy ang itsura.
"Sibre itaas mo na ang palitong pangsalamangka!" Mariing sigaw niya sa anak ngunit sa gilalas ay..
BINABASA MO ANG
MAGIC WAND by: Gracey
FantasyHINDI sukat akalain ni April na sa simpleng patpat na natagpuan niya sa gitna ng kakahuyan ay magbabago din ang lahat sa buhay niya. Lingid sa kaalaman ng dalaga ang hiwagang bumabalot dito. Tila isang hiwaga na nangyayari lahat ng nais niya sa bawa...