Chapter 5

837 27 1
                                        

  "HINDI kasi ito ordinaryong kahoy o patpat lang April." Wika ng diwatang prinsipe.

Gulat na napatitig ang dalaga sa kaharap.

"A-ano?"

"Hindi ko kayang ipaliwanag ang lahat sa ngayon, ngunit bago pa magkalat ang mga palaka dito ay tuturuan muna kita kung paano mo sila matatanggal." Ani ni Zion.

Muli ay kinuha ng binatang prinsipe ang kamay ng nakamatang dalaga. Pagkaraan ay ipinatong ang munting patpat sa palad niya.

"Hilingin mong muli na mawala na ang lahat ng mga palaka dito, pagkatapos ay ikumpas mo itong patpat."

"T-teka Z-zion naguguluhan a-ako." Puno ng kalituhang baling ng dalaga.

"Mamaya ay ipapaliwanag ko sa'yo, halika na." Muli ay hinila ni Zion si April upang bumalik sa loob ng bahay.

"Zion mabuti nalang bumalik ka! Mey ged kargahin mo din akooo!" Malanding kumapit pa si Charlie sa haligi ng bintana.

Ngunit walang pumansin kay Charlie. Natatawang dinilaan lang siya ni Patrick na nakamasid.

"Ngayon na April. Humiling kana." Utos ni Zion sa dalaga.

Kahit na naguguluhan at natataranta ay sinunod nalang niya ang sinabi ng binata.

"H-hinihiling k-ko na-na m-mawala na lahat ng palaka dito ngayon!" Pikit matang kinumpas ni April ang patpat.

Sa isang iglap nga ay nawala lahat ng palaka. Kahit na mga bakas nito ay hindi makikitaan.

Makailang beses na napadilat at kinurap-kurap ng dalaga ang mga mata matapos masaksihan ang ginawa niya. Habang si Charlie naman ay tuluyan ng nakabitaw sa pagkakapit sa binatana dahil sa gulat at nalaglag ito sa kabilang panig

"Charlie!" Agad na dinaluhan ni Patrick si Charlie na tila nanigas na.

"To-totoo b-ba 'y-yon na-nawala a-ang pa-palaka?!" Anito na nagkakandautal habang nakasalampak sa sahig.

"Naku pinsan magpaliwanag ka ngayon." Naiiling na baling ni Patrick kay Zion.

"April?" Untag naman ni Zion sa dalagang nakatulala lang.

"April?" Muling wika ng diwatang prinsipe ngunit sapo na ang mukha nito paharap sa kaniya. Kaya't halos mag abot na ang mga matatangos nilang ilong.

"Z-zion a-anong g-ginawa k-ko?" Hindi pa rin makapaniwalang wika ng dalaga.

"Ano ba kayong magkapatid? Parang may sakit na utal kayo." Nakangising hirit ni Patrick.

"Hindi mo sila masisisi pinsan. Sadyang kakaiba ito sa kanila bilang mga mortal." Baling ni Zion sa pinsan at muling sinapo ang mukha ni April.

"Mag-usap tayo pwede?"

Isang tango lang ang naging tugon ng dalaga.

...

Kahariang Diwatanya...

"Sinasabi ko na nga ba! May tinatago talaga ang reyna Ayana at prinsipe Zion." Nakangising wika ni prinsesa Armida. Ang panganay at sakim na kapatid ni Haring Oberon at Sabana.

"Ina, nararapat na ako ang maging susunod na hari dahil ikaw ang anak na nakakatanda sa lahat. Lalo pa at lihim na pumunta ng lupa ang nakatakdang prinsipe. Maituturing na malaking kalapastanganan ito sa utos ng kasalukuyang hari. " Wika ni prinsipe Sibre.

"Tinitiyak ko sa iyo mahal kong anak na sa iyo ipuputong ang korona dito sa kaharian ng diwatanya." Muling ngumiti ang prinsesa ng matalim.

Nang araw na pumunta sina Reyna Ayana at Zion sa kweba ni Hermano Ingkong ay lihim na nagmamatyag ang isa sa mga espisa ni Armida. Dahil sa kagustuhan nitong ang anak na si prinsipe Sibre ang dapat na maging Hari. Dangan lamang at ng lihim na tanungin ni Armida si Hermano Ingkong. Tungkol sa pagpunta ng mag-inang bughaw sa kweba ay tumanggi ang makapangyarihang babaylan na magsalita pagka't ito ay sagradong lihim. Kaya't nagpasiya siyang bantayan ang bawat kilos ng mag-ina. Hindi naman siya nabigo dahil nasaksihan niya mismo ang paglabas ni Zion sa lagusan patungong lupa.

"Hindi na ako makapag-hintay sa araw ng pagputong ng koronang minimithi ko ina. " Puno ng kumpiyansang wika ni Sibre sa ina.

"Konting panahon lang anak ko. Pero nararapat na makuha natin ang palitong pangsalamangka ni prinsipe Zion upang sa huling yugto ng pagsasalin ng ganap na kapangyarihan ng puting mahika ay ikaw na ang maging panginoon nito. At pag nangyari iyon ay ikaw na ang pinaka-makapangyarihan sa lahat."

"Paano mong nalaman iyan ina?" Takang tanong ni Sibre.

"Alam ko ang bawat yugtong pagdaraanan ng palitong pangsalamangka, dahil saksi ako sa pagtanggap noon ni Oberon upang maging ganap na hari, na dapat sana'y ako ang reyna ngayon!" Biglang tumalim ang mga mata ni prinsesa Armida. Nang maalala ang matagal ng hinanakit at galit.

"Ina?" Takang wika ni Sibre.

...

SAMANTALA magkakaharap na nakaupo ang apat sa munting sala ng tahanan.

"I-ikaw talaga 'yong diwatang prinsipe sa panaginip ko?!" Gilalas na bulalas ni April matapos ikwento ni Zion ang lahat.

"Tama. Ngunit tulad ng sinabi ko ikaw na muna ang pansamantalang panginoon ng patpat."

"May magic?! May magic yang patpat?! Oh mey ged! Magic wand!!" Eksaharadang kinuha ni Charlie ang patpat sa kamay ni April at muling nagwika.

"Hiling kong gawin mo akong ganap na babae! My dibdib na kasing laki ng papaya! Katawang kasing hugis ng coca-cola! At higit sa lahat biyayaan mo ako ng matris!!!" Excited na pumikit at kinumpas-kumpas ni Charlie ang munting kahoy.

"Charlie!!" Gulantang na sigaw ni April.

Pagkaraan ng ilang sandali ay minulat ni Charlie ang mga mata at nagniningning na ngiti ang ginawa at humarap sa tatlo.

"Maganda na ba ako ha? Sumagot kayo please." Pouting lips pa ang hitad na bakla.

"Oo grabe! Ang ganda mo na!" Pigil na tawang wika ni Patrick.

"Talaga?!" Excited na humarap sa salamin si Charlie. Ngunit parang binagsakan ng langit at lupa ang itsura nito sa pagka-dismaya.

"Bakit?! Bakit walang nagbago?!" Todo kapa pa ito sa mukha pababa sa dibdib.

Halos hindi naman makahinga si Patrick sa kakatawa.

"B-bakit hindi gumana ang magic wand?" Takang baling ni April kay Zion.

"Tulad ng sinabi ko ikaw lang ang kinikilalang panginoon ng patpat kaya ikaw lang ang susundin nito." Paliwanag ng diwatang prinsipe.

"Pero ikaw ang may tunay na nag-mamay ari sa patpat. Paanong nangyaring ako ang naging panginoon nito?"

"Dahil ng maganap ang ikatlong yugto ng pagsasalin ng puting mahika ay ikaw ang may hawak sa kaniya." Dagdag pa ni Zion.

"A-anong gagawin ko ngayon?" Naguguluhang tanong ng dalaga.

"Ingatan at gamitin mo ito sa kabutihan. Ngunit sa takdang araw ay muli mo itong ibalik sa akin." Masuyong hinawakan ng makisig na prinsipe ang makinis na pisngi ni April. Sadyang mas maganda pala ito sa malapitan.

Tila naparalisa at napapaso naman ang dalaga ng maramdaman ang mainit na palad ng gwapong diwata.

"Ateng humiling kang maging babae na ako dali!" Eksena ng mahaderang bakla.

"Panira ka Charlie!" Kamot-ulong sabat ni Patrick dahil sa natutuwang pagmasdan sina April at Zion. Nararamdaman niyang may espesyal na mamagitan sa dalawa dahil sa aura ng mga tingin ng pinsang si Zion.

...

HABANG isang nilalang din ang lumitaw sa lagusan mula sa kaharian ng diwatanya patungo sa lupang ibabaw. Masaya nitong nililibot ang paningin sa nakikitang tanawin.

"Humanda ka Zion dahil sisiguraduhin kong ako ang magiging panginoon ng iyong palitong pangsalamangka at ang magiging hari ng buong diwatanya." Anito at humalakhak ng malakas. Tila isang hindi kanais-nais na tunog naman iyon sa buong paligid dahilan upang magsiliparan ang mga ibon at biglang kumulilim ang kalangitan.

MAGIC WAND                                                  by: GraceyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon