Chapter 11

800 32 0
                                        

  MASAKIT ang katawan ni April ng magising. Nang ilibot niya ang tingin ay saka lang niya napagtantong nasa ibang bahay siya.

"A-aray.." Impit niyang daing habang hawak ang ulo.

"Ate!" Agad na lumapit si Charlie.

"Mabuti naman at ligtas ka ateng halos mamatay na ako sa pag-aalala sa'yo."

"Okay na ako 'wag ka mag-alala. Teka nasaan ba tayo?" Takang-tanong niya.

Saka bumungad si Zion sa pintuang kawayan dala ang isang tasa ng mainit na kape.

"Nandito ka sa bahay ni tiya Sabana nawalan ka kasi ng malay matapos mong mapa-alis ang diwatang espiya. Maraming salamat din sa pagkakaligtas mo sa akin." Ani ni Zion saka inabot ang tasa ng kape.

Alanganing ngumiti ang dalaga matapos abutin ang tasa.

"Hindi ko nga alam na nagawa ko pala iyon."

"Binabati kita April. Sana ay maging matatag kapa sa mga susunod na paghaharap niyo."

"Ano?! Maglalaban pa kami uli?!" Dahil sa narinig ay nagulat ang dalaga at bahagyang natapon ang mainit na kami sa hita niya.

"Aray ko!" Natatarantang tatayo sana siya ngunit maagap namang tinulungan siya ni Zion at hindi sinasadyang nagka-umpugan sila ng ulo.

"Hindi ko sinasadya, nasaktan ka ba?" Nag-aalalang sinapo ng diwatang makisig ang pisngi ng dalaga.

Tila nakukuryenti si April sa mainit na palad ni Zion.

"O-oo..ay h-hindi naman o-okay lang." Natatarantang sagot niya.

Ngunit nanatiling sapo nito ang pisngi niya habang masuyong nakatitig sa kaniya.

"Napakaganda ng mga mata mo April, tila nangungusap lagi." Hindi pa ito nakontento at dinampi nito ang hintuturo sa mala-hugis puso niyang labi.

Lihim na napapasinghap si April dahil sa kakaibang kiliting dulot ng ginagawa nito sa kaniya.

"Ehem..hello may tao dito hindi ako kurtina. Nakikita ko kayo." Nakapameywang na si Charlie.

Sabay na napalingon ang dalawa kay Charlie, ngunit nasa likuran din nito si Patrick.

"Ako din nandito, pero para paalisin ang asungot." Anito at agad hinila si Charlie na hindi na nakaangal.

Muli ay tinitigan siya ni Zion.

"Z-zion."

"Ang mga labi mo na tila nag-aanyayang mahagkan.." At unti-unting inilapit ng prinsipe ang labi. Hindi malaman ni April ngunit hindi niya magawang umiwas.

'Hahalikan ka niya!' Hiyaw ng isang bahagi ng isip niya.

Sa kabaliktaran ay pumikit pa siya habang hinihintay ang pagdampi ng labi nito.

...

Kahariang Diwatanya..

Kanina pa hindi mapakali si reyna Ayana. Hindi na talaga niya mapipigilan ang hari na magtungo sa bundok sagrado.

"Mahal kong haring Oberon." Kumakabog na dibdib na tawag ng reyna.

Agad itong lumingon sa kabiyak.

"May nais kang sabihin?"

Lihim na napapalunok si reyna Ayana. Ngunit dapat na niyang sabihin ang katotohanan bago pa maging komplikado ang lahat.

Maingat na ginanap niya ang palad nito at pinakatitigan.

"Bago ako magsimula, nais kong ipalala sayo na isa kang ama at asawa." Panimula ng reyna.

Kunot-nuong inaarok ni haring Oberon ang kabiyak.

"Anong ibig mong sabihin reyna Ayana?"

"A-ang i-tinakdang prinsipe ay na-nasa l-lupang ibabaw." Abot-abot ang kabang panimula niya.

"Lupang ibabaw?!" Nag-aalsahang ugat ni haring Oberon.

"M-makinig ka ikaw pa rin ang hari at nararapat mong protektahan ang iyong kahalili lalo pa at siya'y anak mo."

"Makinig?! Nalalaman mo ba ang sinasabi mo? Ito'y malinaw na paglabag niya sa kataas-taasang utos!"

"Alam ko pero pakinggan mo muna ako bilang tinig ng inang diwata ng ating lahi."

Bahagyang natigilan si haring Oberon. Kaya't sinamantala ito ng reyna upang magtapat at magpaliwanag. Detalyado ngunit maingat niyang sinalaysay ang lahat.

"Isang napakalaking kalapastangan ang ginawa ng prinsipe. Nawala ang palitong pangsalamangka niya dahil sa paglabag niya sa sagradong utos." Nahahapong reaksyon nito matapos marinig ang lahat.

"At ikaw na reyna ng ating lahi ay nagawa mong pagtakpan ang lahat? Paano nalang pag umabot ito sa kaalaman ng mga lupon ng pantas? Itatakwil at papatawan ng kaparusahan ang prinsipe."

"Huwag mong gawin sa ating anak ang ginawa ng ating lahi sa iyong nakababatang kapatid na si Sabana. Maawa ka sa iyong anak." Nag-sisimula ng lumuha si reyna Ayana dahil sa matinding pag-aalala.

"Konti na lamang ang nalalabing araw at ganap ng ipuputong ang korona. Huwag mo muna akong gambalain mahal kong reyna, kinakailangan kong mag-isip ng nararapat." Malamig na wika nito at tumalikod.

Naiwang umaasa ang reyna sa magiging pasya ng haring Oberon.

...

Samantala ng mga oras din iyon ay parang lumulutang sa ulap si April ng tuluyan ng maglapat ang mga labi nila ni Zion. Ito ang una niyang halik! At tunay na kakaiba ang dating sa kaniya. Parang hinihimay ang bawat kalamnan niya. Mabuti na lamang at naka-upo siya kundi ay bumigay na ang mga tuhod niyang nag-shashake.

Unti-unti nang kumalas sa pagkakahalik si Zion ngunit si April ay nanatiling nakapikit. Nangingiting nag-wika si Zion.

"Tama ang binubulong ng puso ko."

Napapahiyang nagmulat bigla si April.

"A-ah u-uuwi na k-kami. S-salamat." Namumulang tumayo.

"Teka April! Bukas ay magsasanay tayong muli. " Habol ng prinsipe.

"O-oo sige." Sagot niya na nakayuko.

Paglabas ay mga nagdududang tingin ng kapatid ang sumalubong sa kaniya.

"Bakit nagmamadali ka ate?"

"Halika na baka hinahanap na tayo nina tsang. Aling Sabana maraming salamat po sa inyo." Aniya sa ginang at saka hinila ang kapatid. Nagtatakang sinundan nalang sila ng tingin ng ginang at ni Patrick.

Kinabukasan tulad ng sinabi ni Zion nagsanay silang muli upang mas mahawakan niya ng mabuti ang taglay na kapangyarihan ng magic wand. Kahit na naiilang ay pinipilit ng dalaga na maging normal sa harap ng makisig na diwata. Kahit unti-unti na niyang nararamdaman ang kakaibang damdamin para dito.

...

Lumipas ang tatlong araw at unti-unti na ring nagagamay ng dalaga ang mga mahikang nakapaloob sa munting patpat.

"Magaling April." Hinihingal na wika ni Zion habang nag-babatuhan sila ng bolang apoy ng dalaga.

"Talaga? Ito pa!" May pagmamalaking lumikha ng mas malaking bolang apoy si April at ibinato sa direksyon ni Zion.

Mabilis at maagap na nailagayan iyon ng prinsipe ngunit muling pinagalaw ni April ang mga baging sa paligid at nasilo siya pataas.

"O ano prinsipe Zion laban ka pa?" Mayabang na nilapit ng dalaga ang mukha sa nakabiting patiwarik na prinsipe.

"Oo mahusay ka na aking prinsesa." Nakangiting tugon nito na biglang sinapo ang mukha ng dalaga at sinakop ang mala-rosas nitong labi sa pagitang ng mahirap na posisyon.

Nanlalaki ang mga matang napatitig si April sa inakto nito.

'Zion!' Hiyaw niya sa isip at natatangay sa mainit nitong halik.

"Sinasabi ko na nga ba! Nag-kakaibigan kayo ng mortal na iyan." Dumadagundong na tinig ni Sibre mula sa kabilang bahagi ng mataas na puno.

Awtomatikong naghiwalay sina Zion at April. Kasabay ng pag- kalas niya sa baging.

"Lapastangang prinsipe! Ngayon ay sisiguraduhin ko na ang iyong kamatayan!" Anito at kinumpas ang mga kamay upang magbagsakan ang mga punong nasa paligid ng dalawa.

Mabilis na niyakap at patalon-talon na inilayo niya ang dalaga.

"Humanda ka April." Bulong ni Zion.

Puno ng tapang na tumango si April. Ang takot at pag-aalinlangan niya sa dibdib ay hindi na ganoon kahina. Lalo pa at kasama niya si Zion.

Naghahanda silang pareho para sa magaganap na labanan. Ilang sandali pa ay nagpapalitan at nagtatagisan na sila Zion at Sibre ng kapangyarihan.

Ngunit kakaibang paghahanda ang ginawa ni Sibre at iyon ang hindi inaasahan ni Zion.

"May handog akong regalo para inyong dalawa, lalo na sa iyo prinsipe Zion!" Anito at inilabas ang panyong pula.

Napatda si Zion sa nakita. Iyon ang ginagamit niya upang makabalik sa mundo ng mga diwata.

"Maligayang pagbabalik sa ating mundo prinsipe Zion!" Sigaw ni Sibre at iniladlad ang panyo. Kasabay noon ay ang paglaho nilang tatlo.  

MAGIC WAND                                                  by: GraceyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon