Chapter 7

785 27 1
                                        

  "ALING BEBANG walang topak 'yan pero maraming datung." Nakangising wika ni Tonton kay Bebang.

"Teka nga muna Tonton bakit ba nandito 'yan? " Tanong ni Paning sa anak.

Dali-daling hinila ni Tonton ang ina upang magkasarilinan sila ng pag-uusap. Habang panay pa rin ang kilatis nina Bebang at Osang sa diwatang gumagala-gala din ang paningin.

Lumipas ang ilang minuto at malawak na mga ngiti ang ginawa ni Paning.

"Mga mare bukas na uli tayo mag-tong its. Sige na uwi muna kayo." Taboy ni Paning sa dalawang ginang.

"Teka nga bakit mo naman kami pinapauwi? Hindi pa nga kami nakakabawi sa talo namin." Protesta ni Bebang.

"Sige na mareng Bebang umuwi na tayo at wala na rin akong pera." Wika naman ni Osang na kumakamot pa sa ulo.

Pagkarinig ng salitang pera ay agad na napatingin si Sibre kay Osang.

"Pera? Salapi? Marami ako niyan ngunit bigyan mo ako ng matutuluyan." Anito at inilahad ang palad na may bungkos ng pera.

Halos lumuwa ang mga mata nina Osang at Bebang sa nakita at napapatitig sa diwatang prinsipe.

"Teka! Iho dito kana nga sa amin tutuloy diba?" Natatarantang hinawakan ni Paning si Sibre na tila nang uuto.

"Mare tiba-tiba ka dito ah." Ani ni Bebang na nanlalaki pa rin ang mga mata.

"Umuwi na muna kayo dali na." Halos ipagtulakan na ni Paning ang dalawa palabas ng tahanan.

"Teka! Mare naman!" Ayaw pa sana umuwi ni Bebang ngunit pinagtatabuyan na sila.

"Sige na uwi na."

Walang nagawa ang dalawang ginang
Kundi ang umuwi.

Habang excited na kinausap ni Paning si Sibre.

"Sev okay ba sayo na dalawang libo ang magiging upa mo dito sa bahay? Kasama na ang pagkain mo. Pero one month advance at one month deposit ang ibibigay mo ngayon."

Walang maintindihan si Sibre sa mga sinabi ng kaharap ngunit alam niyang salapi ang tinutukoy nito.

"Heto kunin mo." Aniya at walang pakialam na kumuha ng pera sa bungkos na hawak.

"Lahat yan?! Naku ang dami naman pero sige! sige akin na." Nagniningning ang mga mata na kinuha agad ni Paning ang pera.

"Inay balato ko ako nagdala sa kaniya dito." Eksena ni Tonton habang kumikislap din ang mga mata.

"Oo na mamaya naman at pakainin muna natin ang bisita." Agad na isinilid ni Paning sa dibdib ang pera.

"Pagkain? Anong pagkain?" Kunot-nuong tanong ng diwatang binata.

"Kanin at gulay gusto mo ng kumain?" Hindi pa man tumutugon ang kaharap ay parang ipo-ipong nag-ikutan ang mag-ina sa paghahanda ng pagkain.

Lumipas ang ilang sandali at nasa harap na ni Sibre ang kaning may halong tutong at gulay na lumalangoy sa maraming sabaw. Kunot-nuong tinitigan ng diwata ang nakahain.

"Anong uri ng pagkain iyan? Hindi ako nakain niyan. Nais ko ng mga sariwang prutas." Aniya sa tinig na nag-uutos na tila nasa kaharian lang.

"Choosy pala ito." Pasimpleng bulong ni Paning sa anak.

"Sshh 'wag ka maingay inay baka mapurnada pa ang pagtuloy nyan dito."

Walang inaksayang sandali ang mag-ina at agad na bumili ng maraming prutas si Tonton.

...

"April ingatan mo sana ang patpat. Patuloy kitang gagabayan sa tamang pag-gamit ng mahikang nakapaloob sa aking palitong pangsalamangka." Ani ni Zion bago tuluyang umuwi.

"Salamat uli Zion 'wag kang mag-alala iingatan ko ito. " Nakangiting sagot ng dalaga.

"Charlie 'wag kang maingay tungkol sa nalaman mo ha. Baka ipagkalat mo kawawa pinsan ko." Wika ni Patrick.

"Hoy Patrick maganda lang ako pero hindi tsismosa noh! At teka nga totoo bang magpinsan kayo? Paano nangyaring diwata siya at may magic?"

"Dami mong tanong eh, malalaman mo rin sa tamang panahon."

"Manatili sanang lihim ang lahat." Muling wika ni Zion at nagpalipat-lipat ng tingin sa magkapatid.

Halos magka-sabay na tumango ag magkapatid bilang tugon.

Hindi rin nagtagal ay umalis na sina
Zion at Patrick. Hanggang sa natapat ang dalawa sa bahay nina Paning.

Saglit na napatigil ang diwatang prinsipe dahil naramdaman niya ang kakaibang aura na tila tumatagos sa kaniyang kalamnan.

"Pinsan bakit?" Takang tanong ni Patrick.

Hindi siya umimik bagkos ay marahang pumikit. Lalo niyang naramdaman na may kauri siyang nasa malapit lamang.

"Pinsan?"

"Maari na ba tayong umuwi Patrick?" Pagkaraan ay wika niya.

"Oo naman tara na." Anito at nagpatiuna nang naglakad.

Lingid sa kaalaman ni Zion ay naramdaman din siya ni Sibre at lihim itong nakasubaybay sa kaniya ng mga oras na iyon.

Pag dating sa bahay nina Sabana ay may pagmamadaling pumunta sa pinaka-sentro ng bahay si Zion at marahang pinagdikit ang mga palad.
Isang malamig na hangin ang bumalot sa paligid habang nag-sisimulang ikiskis ng makisig na diwata ang mga palad na sinamahan ng bulong na orasyon.

"Anong nangyayari ina?" Gilalas na tanong ni Patrick kay Sabana.

"Maaring nakaramdam ng panganib ang iyong pinsan. " Sagot ni Sabana habang nakamasid sa pamangkin.

Lumipas ang mahabang sandali at parang tulog na nakatayo lang si Zion. At nang mag-mulat ito ng mata ay muling umihip ang hangin.

"Anong nangyayari Zion?" Ani ni Sabana.

"Tiya binalutan ko ng panangga ang buong tahanan upang hindi marinig ng nilalang na nag-eespiya sa'akin ang anumang pag uusapan natin. Saglit ko rin na kinausap ang aking inang reyna Ayana at napag-alaman kong may nilalang na taga-diwatanya ang pumaibabaw din dito sa lupa upang subaybayan ako. "

"Paanong nangyari iyon? Paano na pag nalaman ito ng haring Oberon?" May pag-aalalang tanong ni Sabana.

"Saka ko nalang iisipin iyan tiya. Sa ngayon ay dapat akong mag-ingat at ganoon din si April. Ramdam ng aking esperito ang dalang panganib ng pangahas na palalong espiya." Muling dagdag ng binata.

Habang sa labas ng bahay ay isang pusang itim ang pilit na pumapasok sa tahanan. Ang mga tenga nito ay humahaba sa pakikinig ngunit wala siyang makuhang boses.

"Matalino ka talaga Zion! Ngunit hindi ako titigil lalo pa at nakita na kita." Galit na wika ni Sibre at panay ang pag-angil.

Ngunit hindi nito inaasahan ang mabilis na pagtama ng bolang hangin kaya't bumaliktad siya kasama ng pagdaing dala ng matinding sakit.

"Sino ka?! Palalong lapastangan!" Ani ni Zion habang muling bumubuo ng hangin sa palad.

Mabilis ang mga kilos at hindi nagpadaig si Sibre daglian nitong pinalutang ang ilang bato upang ipatama kay Zion. Kaya't nakakuha siya ng pagkakataong tumalilis.

"Bumalik ka dito tampalasan!" Maigting na sigaw ng diwatang prinsipe habang sinasangga ang mga batong pumupukol sa kaniya.

Hinihingal na nagpalit ng anyo si Sibre pagpasok sa bakuran nina Paning.
Nang tingnan niya ang dibdib at mga braso ay puno iyong ng maraming gasgas at sugat. Hindi niya malaman ngunit nakakaramdam siya ng sakit at kirot.

"Bakit ako nakakaramdam ng sakit na dulot ng pinsala. Isa akong nilalang na imortal at may angking kapangyarihan bakit ako nagkaka-ganito?" Galit na napapakit si Sibre.

Samantala pagpasok ni Zion sa loob ng bahay ay nagulat si Sabana sa nakita.

"Mahabaging Bathala! May sugat ka Zion!" Nag-aalalang nilapitan ang prinsipe at pina-upo.

Dumudugo ang kanang nuo ni Zion dala ng batong hindi niya agad nasalag.

"May tampalasang diwatang itim ang nandito tiya. Nararapat tayong mag-ingat." Sagot ni Zion habang tiim-bagang.

Kailangan niyang malaman kung sino ang espiyang nakasunod sa kaniya. Bago pa nito magawa ang anumang pakay.  

MAGIC WAND                                                  by: GraceyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon