MAINGAT na tinatalunton ni Zion ang matatarik na mga bato. Kahit na pagod na pagod na siya ay hindi niya iniinda ang hirap. Alam niyang bawat minuto at oras ay napakahalaga para kay April.
Ilang sandali pa ay narating na ni Zion ang tuktok ng bundok, ngunit ganoon nalang ang gulat niya ng muntik na siyang mahagip ng kumakawag na buntot ng napakalaking bayawak. Mabuti na lamang at nakatalon siya sa kabilang panig. Nagniningas ang buong katawan nito.
"Kaibigan ako ay nagmula pa sa kaharian ng diwatanya, ang pakay ko ay ang bulaklak ng kampupot." Bilang mga kakaibang nilalang nalalaman ng prinsipe na may makakasagupa siyang 'bantay' sa pagkuha ng sagradong bulaklak.
Sa pagkakataong iyon ay binuka nito ang higanteng bunganga, kaya't lumabas ang matatalim nitong pangil at ang dilang nagtataglay ng makamandag na lason.
"Sabihin mo ano ang pagsubok na ipapataw mo sa akin." Muling ulit ng binatang prinsipe.
"Madilim na balon na puno ng sibat, isang panangis ng binibining nais makawala. Walang lakas at lubid na maaring makapag-aahon. Ano ang dapat mong gamitin?" Matalinhagang wika ng higanteng bayawak.
Ilang beses na napalunok si Zion. Bugtong ang kaniyang pagsubok! May ilang minuto ang tinagal ngunit hindi siya makapag-isip ang sagot. Dapat ay tama ang kaniyang isasagot kung hindi ay walang sagradong bulaklak siyang makukuha.
Pilit niyang iniisip na para sa babaing minamahal kung kaya siya sumugal sa mapanganib ng bundok, nang biglang may naalala siya.
'Tama!' Hiyaw ng isip niya.
"Dakilang Pag-ibig! Walang lakas o higit pang kapangyarihan ang makakadaig sa dakilang pag-ibig." Puno ng kumpiyansang wika niya.
Ang nagniningas na bayawak ay biglang naging isang lalaking diwata na may maamong mukha. Pagkaraan ay lumulutang itong lumapit sa kaniya.
"Binabati kita sa talas ng iyong isip. At bilang gantimpala sa nalagpasan mong pagsubok. Tanggapin mo ang sagradong bulaklak." Anito at binigay sa kaniya ang bulaklak na nangingislap.
"Mararming salamat sa iyo kaibigan." Aniya at yumukod.
Ngumiti lang ang bantay sa kaniya, at saka siya nagmamadaling naglakad pabalik.
...
Kasalukuyang abala si haring Oberon sa bulwagan kasama ang mga pantas at si Armida na panay ang lihim na pag-mamatyag.
Isang tapat na kadama ng hari ang pasimpleng bumulong sa kaniya upang ipaalam ang mensahe ng kaniyang reyna Ayana.
"Haring Oberon, nalalapit na ang pagpuputong ng korona, dapat ay makabalik na ang itinakdang prinsipe." Ani ni pantas Kurko. Ang pinaka-pinunong pantas.
Saglit na nag-angat ng tingin ang hari at lihim na napapalunok.
"Maari bang ipagpatuloy na lamang ang pagpupulong sa susunod na araw? May mahalaga lamang akong pagtutuonan ng pansin ngayong araw?"
Walang nagawa ang mga pinuno at pantas kundi ang sumang-ayon. Kaya't dali-daling tumalilis ang hari.
Nagpupuyos naman ng kalooban si Armida dahil hindi na niya makita ang hari. Agad itong nawala at naiwan ang mga kadama nito.
...
"Ingkong Hermano, aabutan pa ba siyang may pintig ng prinsipe?" Nag-aalalang wika ni reyna Ayana habang nakatunghay kay April. Halos itim na ang buong katawan nito at hindi na niya madama ang pulsohan ng dalaga.
"Sa awa ni Bathala reyna Ayana ay makakaabot ang prinsipe. Malapit ng sumapit ang dilim." Sagot ng matandang babaylan.
"Sino ang nilalang na iyan?" Maigting na tinig ni haring Oberon habang papalapit sa kinahihimlayan ni April.
Sabay na napalingon ang reyna at si Ingkong Hermano.
"Mabuti naman at nakarating ka mahal kong hari." Agad na hinawakan ni reyna Ayana ang kabiyak. Napaka-dami niyang dapat ipaliwanag at sabihin dito.
...
Nag-didilim at natutuyo na ang pakiramdam ni Zion habang walang tigil na tumatakbo. Malapit ng magdilim kaya't wala na siyang panahon para magpahinga. Nang marating niya ang ibabang bahagi ng bundok ay saka niya muling nagamit ang kapangyarihan upang maglaho.
Pagdating sa kwebang ugat ay bahagya siyang nagulat ng makitang tahimik na nakatitig sa kaniya ang amang hari. Walang mababanaag na emosyon sa mukha nito, ngunit ang ramdam niya ang mapang-usig nitong mga mata.
"Pagbati sa amang haring Oberon at inang reynang Ayana." Aniya at agad na yumukod. Pagkaraan ay maingat na inabot ni Zion kay Ingkong Hermano ang bulaklak ng kampupot.
Hindi na nag-aksaya ng segundo ang matandang babaylan at madali nitong sinagawa ang orasyon. Walang mga tinig na namumutawi sa mga labi nila habang nakamasid sa ginagawang ritwal. Ilang sandali pa ay isang luntiang likido ang nalikha ni Ingkong Hermano mula sa katas ng sagradong bulaklak.
Puno ng pag-asa ang puso ni Zion habang unti-unting binubuka ng matandang babaylan ang labi ni April upang mapainom ang lunas.
"Hindi ko masasabi kung kailan siya panunumbalikan ng diwa, ngunit tiyak na ang kaniyang kaligtasan. Hayaan at maghintay na lamang tayo." Wika ni Ingkong Hermano.
"Dapat ka munang magbigay pugay sa kaharian, prinsipe Zion ang mga pantas ay hinihintay na ang iyong pagbabalik." Ani ni haring Oberon sa malamig na tinig.
"Tama ang iyong amang hari, si Ingkong Hermano na muna ang bahala sa mortal. " Sang-ayon ni reyna Ayana.
Labag man sa kalooban ni Zion ay napilitang tumango ang prinsipe. Dahil siya ay may tungkuling dapat gampanan.
Bago tuluyang umalis ay muling ginawaran ni Zion ng masuyong halik ang nuo ni April. Sa nakitang tagpo ay nagdilim ang mukha ni haring Oberon.
"Tayo na." May diing bigkas nito at nagpatiunang lumabas ng kweba.
...
"Kapatid ko! Kamusta ang iyong pagpunta sa bundok sagrado?" Nakangiting salubong ni Alvar kay Zion.
"M-mabuti naman Alvar, maari bang mamaya na tayo mag-usap?" Alanganing ngumiti ang prinsipe sa kapatid.
Nakakaintinding tumango naman si Alvar. Nang tingnan niya ang itsura ng ama ay naramdaman niyang galit ito.
Ilang sandali pa ay tahimik na nakayuko si Zion habang matiim na nakatingin sa kaniya ang amang hari.
"Isang kalapastangan ang iyong ginawa. Lahat ng paglabag ay pinanghawakan mo magiting na prinsipe. Nalalaman mo ba talaga ang iyong kinakaharap na tungkulin? Kabiguan sa ating lahi ang naghihintay sa iyo. Paano mo itong nagawa?! " puno ng hinanakit at pang-uusig sa tinig ni haring Oberon.
"Buong puso ko pong inaamin ang lahat. Anumang kaparusahang nag-hihintay at magaganap ay malugod kong tatanggapin ama. Ngunit ang aking inaalala ay ang isa nating kalahi na nagtangka sa aking buhay at ang dahilan kung bakit napunta dito ang mortal."
"Bilang hari at ama ay nagtatalo ang aking damdamin at isip sa maaring igawad sa'yo. Ngunit ang palalong traidor ay tiyak kong lalabas anumang oras mula ngayon. Upang sirain ka ng tuluyan. Nais kong paghandaan mo pa rin ang araw ng pagsasalin na huling yugto ng mahika sa palitong pangsalamangka. At bukas ng gabi sa kabilugan ng buwan ay magaganap ang itinakda." Mahabang paliwanag ng hari. Nais niyang magalit ngunit tila nangangatwiran ang pagiging ama niya.
"Ngunit amang hari hindi na ako nararapat." Nagtatakang protesta ni Zion.
"Sundin mo ang iniuutos ko." May diing bigkas nito.
"Masusunod ama." Aniya na yumukod na lamang.
"Iniibig mo ba ang mortal?" Biglang tanong ng haring diwata kaya't mabilis na nag-angat ng mukha si Zion.
"Opo amang haring Oberon. Alam kong mali at may kaparusahang kaakibat ang aking sinusubok. Ngunit paano ko paglalabanan ang aking puso." Buong tatag niyang pag-amin.
Lalong namutla at napasapo ng ulo si haring Oberon.
"Prinsipe Zion baka nabubulagan ka lang ng maling damdamin. Huwag mong ipagpalit ang lahat dahil sa pag-ibig mo sa maling nilalang. " Natatarantang sabat ni reyna Ayana.
"Inang reyna Ayana. Tumibok din ang iyong puso ng magtagpo kayo ni amang haring Oberon. Pinagdudahan mo ba din ba ang iyong nararamdaman ng mga panahong iyong?"
Saglit na hindi nakaimik ang reyna dahil nasaling ng anak ang damdamin niya.
"Kung ganoon patapusin muna natin ang magaganap na ritwal. Saka na natin iisipin ang sitwasyon. Maghanda ka para bukas prinsipe Zion. " Ani Haring Oberon.
"Huwag kang pupunta sa kwebang ugat para makita ang mortal hanggat hindi ko sinasabi." dagdag nito at walang anumang tumalikod.
Napaawang ang labi ni Zion sa narinig paano na niya makikita si April?

BINABASA MO ANG
MAGIC WAND by: Gracey
FantasíaHINDI sukat akalain ni April na sa simpleng patpat na natagpuan niya sa gitna ng kakahuyan ay magbabago din ang lahat sa buhay niya. Lingid sa kaalaman ng dalaga ang hiwagang bumabalot dito. Tila isang hiwaga na nangyayari lahat ng nais niya sa bawa...